Professional Documents
Culture Documents
ICCT
ICCT
Ang Inapi
Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animoy senyorita at
senyorito mula nang pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn, gayong
dalawampung taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at likod tuwing maliligo.
Pati sarili nitong underwear ay si Rona pa ang naglalaba. Ang tatlong lalaki naman,
maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos, laging pasigaw o pagalit. Kapag
naglilinis ng sahig si Rona ay di man lamang mag-alis ng sapatos ang mga pinsan
kapag dumarating. Animoy nang-iinis pa na dadaan sa harapan ng nakaluhod at
nakayukong si Rona na nagpapahid ng floor wax. Kadalasan ay pabalibag pang
ihahagis ang pantalong de maong kay Rona at pasigaw na O, labhan mo yan! Pag
natuyo, plantsahin mo ha?!!
Bakasyon noon.
Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Rona: linis, saing, laba, plantsa. Ang bibigat
pa mandin ng mga pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang taga-laba ng
mga ito.
Si Rona ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na kaibigan ang
mga pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya.
Sa hapag kainan, si Rona ang taga-silbi. Hindi siya isinasabay sa pagkain, laging huli,
gayong mahaba naman ang mesang kainan. Kung ano ang matira ay iyon lang ang
makakain niya. Apat na beses sa isang linggo ay tinapang isda ang ulam nila. Ulo
lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni Rona. Iyon ang laging itinitira sa kanya ng
tiyahin.
Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at respetadong tao
sa mataas na lipunan? Ang mga pinsan nasa kanya ay nang-api ay walang natapos na
pinag-aralan, ganoon pa rin ang buhay hindi umasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng
mga hirap din ang buhay.
Aral
Maging matiyaga at sikaping makapagtapos ng pag-aaral anuman ang kalagayan sa
buhay.
Sa taong masipag at nagsusumikap, may matagumpay na hinaharap.