You are on page 1of 1

Dispalinghado

Sampu ng kinalyong mga daliri


ang lumulustay ng pagkakataon
na maisalba ang naghihingalong
pag-asa ng paggaling. Kukurap-
kurap. Lalakas-hihina ang ugong.
Nagbubulid ng hiling at yamot
ang patay-buhay na telebisyon.
Napapakamot sa ulo ang matanda,
at nakatapal ang simangot
sa kanyang mukhang iniinda
ang mga tuldok ng mga karayom -
mga nabubuo't naglalahong
mga larawan sa saliw ng umiingit
na tunog ng telebisyon.

Ay, sadyang kahindik-hindik


na palabas ang mga di-mabuhay-
buhay, ni sa guni-guni man lamang.

Sira ang aming telebisyon.


Ngunit sa halip na itapon,

Malalakit Maliliit na Puno

Ang malalakit maliliit na puno sa tabing-daan,


umabot na sa langit ang mga sanga,
nahulog na sa lupa ang mga dahon,
ay hindi pa rin maintindihan,

kung bakit sa kalangitang katapat ng BID,


ang isang kulumpon ng ulap,
dumarating kung nais dumating,
umaalis kung nais umalis.

You might also like