You are on page 1of 6

SafetyNet: Taglamig 2016

Sakit sa Puso at Stroke: Ano ang dapat mong malaman?

Nilalaman
Bakit dapat akong mabahala tungkol sa sakit sa puso at stroke?
Ano ang sakit sa puso?
Ano ang atake sa puso?
Ano ang mga palatandaan ng atake sa puso?
Naiiba ba ang mga palatandaan ng atake sa puso sa mga babae?
Ano ang heart failure?
Ano ang mga congenital na depekto sa puso?
Ano ang stroke?
Ano ang mga palatandaan at sintomas ng stroke?
Ano puwede kong gawin para maiwasan ang sakit sa puso at stroke?
Ano pa ang mahalagang gawin para maiwasan ang sakit sa puso at stroke?
Mga Mapagkukunan
Mga adultong may
kapansanan na hindi
Bakit dapat akong mabahala tungkol sa sakit nakakagawa ng aerobic na
sa puso at stroke? gawaing pisikal ay 50% mas
Ang sakit sa puso at stroke ang nangungunang sanhi lamang kaysa iba na
ng kamatayan sa Estados Unidos. Halos 1 sa 3 magkaroon ng chronic na sakit
kamatayan bawat taon ay sanhi ng sakit sa puso at tulad ng kanser, diabetes,
stroke. stroke, o sakit sa puso.*

*Center for Disease Control,


Ang mga taong may kapansanan ay may mas mataas
Vital Signs Report
na panganib na magkaroon ng sakit sa puso at stroke
dahil mas malamang na sila ay magkaroon ng mataas na presyon ng dugo at iba pang
kadahilang nagsasapanganib. Ang mga taong may kapansanan ay mas nahihirapang
magpanatili ng tamang timbang at makapag-ehersisyo ng madalas na parehong
mahalaga sa kalusugan.

Ano ang sakit sa puso?


Ang isang malusog na puso ay isang malakas na kalamnan sa loob ng iyong
dibdib. Ito ay halos kasing laki ng iyong kamao. Nagbobomba ito ng dugo sa iyong
katawan sa pamamagitan ng mga ugat.
Ang mga ugat ay tulad ng mga tubo na nagdadala ng dugo papunta at pabalik sa
puso. Ang malusog na ugat ay walang bara at bukas.
Mga kaugaliang hindi malusog hindi pag-eehersisyo,
pagkain ng madaming mamantikang pagkain,
paninigarilyo ay magiging dahilan ng pagbabara ng
mga ugat. Kapag ang mga ugat ay barado, kailangang
magtrabaho ng husto ang puso para magbomba ng
dugo papunta at pabalik sa puso. Ito ay nagpapahina sa
kalamnan ng puso at nagiging dahilan ng sakit sa puso.

Ano ang atake sa puso?


Ang atake sa puso ay kapag masyadong bumagal ang
daloy ng dugo sa puso kung kaya hindi nakakakuha ng
sapat na dugo ang puso. Nangyayari ito kapag ang mga
ugat ay barado. Ang kalamnan ng puso ay napipinsala
at ang tao ay nagkakaroon ng atake sa puso.
Ang atake sa puso ay nangangailangan ng dagliang
pagpapaospital at agarang lunas.
Maaari kang patayin ng atake sa puso! Ang atake sa
puso ang nangungunang dahilan ng kamatayan sa mga lalaki at babae.

Ano ang mga palatandaan ng atake sa puso?


Kung nagsususpetsa ka na ikaw o may ibang inaatake sa puso, tumawag
kaagad sa 911.
Mga palatandaan ng atake sa puso*:
o Kirot sa dibdib karamihan ng atake sa puso ay nakakaramdam ng kirot sa
dibdib na nagtatagal ng ilang minuto, o pabalik-balik. Ang pakiramdam ay
maaaring parang dinidiinan, pinipiga, punong-puno o sakit.
o Kirot sa iba pang bahagi ng itaas na katawan Maaaring kabilang sa mga
sintomas ang pagsakit o di-komportableng pakiramdam ng magkabilang braso,
likod, leeg, panga o tiyan.
o Pangangapos ng hininga Maaaring mangyari ito kahit mayroon o walang
pananakit ng dibdib.
o Iba pang mga palatandaan Ang iba pang palatandaan ay pagpapawis ng
malamig, pagsusuka o pagkaliyo. *American Heart Association
Para mapanood ang video tungkol sa mga palatandaan ng atake sa puso,
magpunta sa http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health

Page 2
Ang mga palatandaan ba ng atake sa puso ay naiiba Manatiling Buhay!*
sa mga babae? Maaaring magligtas ng
Para sa lalaki at babae ang pinaka pangkaraniwang buhay ang Hands-Only
palatandaan ay ang pananakit ng dibdib o kirot. CPR! Kapag may taong
Gayun pa man, ang mga babae ay mas malamang inatake sa puso, ang
na makaranas ng ilan sa mga iba pang sintomas, kaligtasan ay nakadepende
partikular na ang pangangapos ng hininga, sa agarang pagbibigay ng
hilo/pagsusuka at pananakit ng likod o panga. CPR. Ang Hands-Only CPR
ay naipakita ng kasing bisa
Ano ang heart failure? ng kombensyonal na CPR
Ang heart failure ay pangunahin na sakit ng para sa mga tin-edyer at
adulto. Maglaan ng isang
matatanda. Ito ay seryoso at nangangailangan ang
minuto para matuto kung
patuloy na gamutan. Ang heart failure ay paano magligtas ng buhay.
nagpapataas ng panganib ng stroke. Panoorin ang isang maikling
Ang heart failure ay nagaganap kapag ang demo sa video. Pumunta
kalamnan ng puso ay humina at hindi na www.heart.org/handsonlycpr
makabomba ng sapat na dugo. Ang pangangapos
ng hininga at pamamaga ng mga binti at sakong ang *Hango sa 2015 Hands-
mga palatandaan. Only CPR Fact Sheet
Ang heart failure ay ang isa sa pinakakaraniwang
dahilan kung bakit naoospital ang mga taong mahigit 65 taong gulang.
Nagagamot ang heart failure sa pamamagitan ng tamang pagkain, ehersisyo at
mga gamot. Makipagtulungang mabuti sa iyong doktor upang malaman kung ano
ang gagawin.

Ano ang congenital na depekto sa puso?


Ang congenital na sakit sa puso ay kapag ang tao ay isinilang na may problema sa
puso. Ang ilan ay ipinapagamot na pagkapanganak ang iba naman ay hindi nila
alam na may sakit sila hanggang sa maging adulto na sila.
Mga batang may genetikong karamdaman, tulad ng Down syndrome, ay
kadalasang may congenital na depekto sa puso.
Kung may sinumang mayroong congenital na depekto sa puso, mahalaga na
makipagtulungang mabuti sa iyong doktor para malaman kung:
o Anong uri ng depekto mayron sila,
o paano ito ginagamot,
o anong uri ng pangangalaga ang kailangan, at
o mga palatandaan at kung ano ang gagawin.

Ano ang stroke?


Ang stroke ay nangyayari kapag naputo ang suplay ng dugo sa bahagi ng utak.
Ang ugat na dinadaluyan ng dugo mula sa puso papunta sa utak ay nagbara.

Page 3
Kailangan ng utak ang oksiheno mula sa dugo para gumana ng maayos.
Kung ang suplay ng dugo ay napigil o huminto, ang mga selula ng utak ay
mamamatay. Magdudulot ito ng pinsala sa utak, pagkabalda at maaaring
ikamatay.
Ang mas maagang paggamot sa taong na-stroke, mas kaunti ang pinsalang
maaaring mangyari

Ano ang mga palatandaan at sintomas ng stroke?


Kung nagsususpetsa ka na ikaw o ang isang tao ay nai-stroke, tumawag
kaagad sa 911
Ang mga pangunahing sintomas ng stroke ay matatandaan sa salitang
FAST: Face-Arms-Speech-Time.*
Face - Ang mukha ng tao ay maaaring tumabingi. Maaaring hindi makangiti
ang tao o ang kaniyang bibig o mata ay nakabagsak.
Arms hindi maiaangat ng isang taong pinaghihinalaang na-stroke ang
kaniyang dalawang braso. Maaaring makaramdam siya ng panghihina at
pamamanhid sa isang braso.
Speech Ang pagsasalita niya ay magiging mahirap maintindihan-utal o
magulo. Maaaring tuluyang hindi na makapagsalita ang tao kahit mukhang
gising naman siya.
Time oras na para tumawag sa 911 tumawag kaagad kapag nakakita ka
ng anuman sa tatlong palatandaan at sintomas
*American Stroke Association
Para mapanood ang video ang tungkol sa mga palatandaan at sintomas ng stroke,
pumunta http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health

Page 4
Ano ang puwede ko ring gawin para maiwasan ang sakit Koneksyon ng Puso/Utak
sa puso at stroke? Ang pagsunod sa malusog sa
Maaaring magulat ka na ang Direktor ng Center for Disease pusong pamumuhay ang
Control (CDC) ay nagsabing Ang pisikal na gawain ang babawas sa pagkakataong
magkaroon ng atake sa puso o
pinakamalapit sa himalang gamotpara sa pagpigil ng sakit stroke ... "malaki rin ang
sa puso at stroke. magagawa nitong kaibahan sa
iyong kakayahang
Ang pagsigurong ikaw at ang mga taong sinusuportahan mo ay pangkaisipan habang nagkaka-
regular na nakakagawa ng pisikal na aktibidad ay isa lamang edad. Sa katunayan, ang
paggawa ng maraming pisikal
sa mga bagay na puwede mong gawin para maiwasan ang
na aktibidad, pagkain ng
kamatayan at pagkabalda dahil sa sakit sa puso at stroke. malusog na pagkain at iba
Para mabawasan ang panganib, alamin ang tungkol sa, pang pag-uugali na
kaugalian at suportahan ang mga gawaing malusog-sa-puso nagpapalakas sa iyong puso
ay maaaring magkaroon ng
malaking epekto sa iyong
paraan ng pag-iisip, pagkilos at
Kumain ng masustansyang pagkain na may maraming kung ano ang natatandaan
prutas at gulay. Bawasan ang mamantikang pagkain tulad mo."
ng French fries at ang dami ng asin sa pagkain.
Hinango mula sa Learn the
Regular na mag-ehersisyo gaya ng paglalakad o Heart/Head Connection.
paglangoy. Gawing tunguhin na maka-dalawa at kalahating
oras ng pisikal na aktibidad sa isang linggo.

Kung naninigarilyo ka, HUMINTO. Kung hindi ka naninigarilyo, HUWAG MAGSIMULA.

Huwag uminom ng labis na alak. Humanap ng ibang paraan para bawasan ang
stress.

Ang paggawa ng mga bagay na malusog-sa-puso ay makakatulong sa iyo at sa mga


taong sinusuportahan mo na mapigil ang pangkaraniwang salik ng peligro, kasama na
ang mataas na kolesterol, mataas na presyon ng dugo, diabetes, at ang sobrang bigat
ng timbang o obese, para sa sakit sa puso o stroke.

Ano pa ang ibang mahalagang bagay para maiwasan ang atake sa puso at stroke?

Regular na patignan ang presyon ng iyong dugo kahit isang beses sa


isang taon. Ang mataas na presyon ng dugo ay nagpapahirap sa trabaho ng puso
at nagpapataas sa panganib ng atake sa puso at stroke. Kung mataas ang
presyon mo, makakatulong ang doktor para mapababa ito

Page 5
Kausapin ang iyong doktor tungkol sa pagpapasuri ng iyong kolesterol. Ang
madaming kolesterol sa iyong dugo ang babara sa mga ugat at maaaring maging
sanhi ng atake sa puso at stroke. Muli, makakatulong ang doctor.

Gamitin mo ang iyong nalalaman upang mapanatili mo ang iyong sarili at ang mga
taong sinusuportahan mo na malusog-ang-puso. Ang pagkakaroon ng mahaba at
masayang buhay ay nakadepende dito!

MGA MAPAGKUKUNAN PILIIN ANG KALUSUGAN-NG-


PUSO!
Ibahagi ang mga mapagkukunang ito sa iba,
kabilang na ang mga taong sinusuportahan Kumain ng mga pagkaing
mabuti para sa iyo
Para sa mga tip na tutulong sa iyo sa bawat Regular na mag-ehersisyo
Kung naninigarilyo ka,
gawaing malusog-sa-puso, pumunta sa
HUMINTO
http://ddssafety.net/health/heart-problems/all- Humanap ng ibang paraan
about-heart-health. para bawasan ang stress

SAKIT SA PUSO
Para sa Tip Sheet tungkol sa Sakit sa Puso pumunta sa
http://ddssafety.net/health/heart-problems/all-about-heart-health.
Para makapanood ng video tungkol sa mga palatandaan ng atake sa puso,
pumunta sa http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health.
Para matuto ng Hands-Only CPR, panoorin ang maikling demo video na ito.
Pumunta sa www.heart.org/handsonlycpr
*Hinango mula sa 2015 Hands-Only CPR Fact Sheet
Para matuto pa ng higit tungkol sa heart failure at kung paano mabawasan ang
panganib na maospital, i-click ang Only 1 in 10 With Heart Failure Sent to Rehab
Programs: MedlinePlus
Para matuto pa ng higit tungkol sa presyon ng dugo, kung ano ang ibig nitong
sabihin, paano kumuha nito, i-click ang
https://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/anatomyvideos/000013.htm

STROKE
Para sa Tip Sheet tungkol sa Stroke pumunta sa http://ddssafety.net/health/heart-
problems/all-about-heart-health.
Para makapanood ng video tungkol sa mga palatandaan at sintomas ng stroke,
pumunta sahttp://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health.
Para matuto pa ng higit tungkol sa stroke,pumunta sa http://www.stroke.org/

Page 6

You might also like