paggamit ng e-cigarettes sa pampublikong paaralan.
Ang mga mambabatas sa Los Angeles ay
nagkaisa sa pagboto noong nakaraang martes na ipagbawal ang paggamit ng e-cigarettes sa mga pampublikong lugar tulad ng kainan,paaralan, at opisina. Ang konseho ng Los Angeles ay sumang- ayon sa botong 14-0 para maipatupad ang kanilang naisin. Ang e-cigarettes ay maari lamang gamitin para sa tinatawag nilang theatrical purposes. Naniniwala kasi ang gumawa ng pagbabawal na ito na makakasama sa kalusugan ng tao ang e-cigarettes. Ayon kay Jonathan Fielding,kahit na ito ay di tulad ng ibang sigarilyo, nananatili pa rin ang e-cigarettes bilang sigarilyo. Dagdag pa niya,Malaki na ang nagastos dahil may kabuuang $1.5 billion na nakaakit sa industriya ng tabako.