You are on page 1of 5

KABANATA 1

Rationale

When you feel sad and blue, paint yourself in another colour.

Ang kasabihan na ito ay talagang totoo pagdating sa iyong monitor. Kung

ang screen mo ay biglang naging asul at nagre-restart, nangangahulugan ito na

merong problema ang iyong device. Nangyayari ito dahil sa stop error. Ang stop

error ay mas kilala ng mga netizen bilang Blue Screen of Death o BSOD. Kung

ang ibig sabihin ng "feeling blue" ay kalungkutan, may dahilan ka talagang

malungkot kung ang screen mo ay nagiging asul.

Mayroong ilang mga dahilan kung bakit nangyayari ang Blue Screen of

Death. Maaaring ito ang resulta ng hardware na may sira. Maaari din itong

mangyari kapag mayroong ilang mga low-level program na tumatakbo sa

Windows kernel. Ang BSOD ay isang pangkaraniwang suliranin kaya't

pakiramdam naming mga Computer Servicing System majors na madaling

lamang matugunan ito. Gayunpaman, ito ay isang napaka nakakainis na

pangyayari lalo na kung may file na hindi mo pa nai-save kapag naganap ang

BSOD. Maaari rin itong maging sanhi ng data loss. Ito ay seryosong problema

kung may mahalagang impormasyon na mawawala dahil sa BSOD.

Pinili namin ang mga sanhi at solusyon ng Blue Screen of Death bilang

paksa sa aming pananaliksik dahil maraming mga tao na ang nakadanas nito.
Dahil dito, posibleng mawalan ng mahalagang data tulad ng mga proyekto, files

o mga litrato na may sentimental value. Minsan ay nagagalit sila kapag merong

file na hindi nila nai-save nang nangyari ang BSOD. Minsan maliit lang ang

problema sa pagkakaroon ng BSOD at madali lang itong maaayos. Minsan

naman ay nangangahuluhan na ito na merong malubhang problema ang

kompyuter. Sa paggawa ng pananaliksik na ito, umaasa kaming makatulong sa

mga tao na malaman kung paano ma-iwasan at ma-ayos ang BSOD.

Ang BSOD ay isang global na problema. Maraming mga digital natives

ang naka-post na tungkol dito. Isa sa mga ito ay si Shawn na naninirahan sa

Lake View, New York. Siya ay kilala bilang EliteShot sa Youtube at mahilig siyang

mag-post tungkol sa gaming. Isa sa kaniyang mga video na merong pitumpu't

anim na libong views at apat na libong likes ay ang "BLUE SCREEN OF

DEATH!". Tungkol ito sa kaniyang kompyuter na nakakaranas ng BSOD tuwing

siya ay nagre-render. Makikita sa kaniyang video na galit na galit siya. Totoo nga

na nakakainis ang BSOD.

Nangyayari rin ang BSOD sa Pilipinas. Si Christine Mae Dapiton Pilapil ay

nag-aaral sa Baybay City Senior High School at naninirahan sa Barangay

Hibunawan, Baybay City, Leyte. Nagmamay-ari siya ng laptop na palaging

umiinit. Dahil dito, nakakaranas siya ng BSOD. Nakakasagabal para sa kaniya

dahil ang laptop niya ang laging ginagamit kapag merong mga proyekto na

kailangang ma-encode at kapag nangyari ang BSOD, merong pagkakataon na


mawala ang kaniyang mga dokumento.

Sa Cebu naman, may isang guro na si Marilyn E. Bacalso sa Abellana

National School. Siya ay nakakaranas ng BSOD. Marami siyang trabaho katulad

ng paghanda ng mga lesson plan o mga pagsusulit ng kaniyang mga studyante

at kailangan niya itong ma-encode. Maluma na ang kaniyang kompyuter na

ginagamit. Minsan din ay makaranas ito ng sobrang pag-iinit. Kapag hindi na

kaya sa kaniyang system unit, agad itong mag-BSOD at mag-restart.

Paglalahad ng mga Suliranin

1.) Ano ang mga posibleng solusyon sa Blue Screen of Death?

2.) Ano ang pwedeng gawin upang maiwasan ang data loss?

3.) Maaari pa bang ma-recover ang nawalang data kapag ito ay nangyari?

Kung oo, paano?

4.) Ano-ano ang mga posibleng sanhi nga BSOD?

5.) Ano ang magagawa upang maiwasan ang mga BSOD?

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay maaaring makapagbigay benepisyo sa mga

sumusunod na tao:

Para sa mga mag-aaral, maaari nilang malaman ang tungkol sa Blue

Screen of Death at gamitin ang kaalaman na ito kapag ginagawa nila ang
kanilang mga proyekto o mga takdang-aralin sa kompyuter.

Para sa mga guro, malaman nila kung ano ang gagawin kapag ang

problemang ito ay mangyayari at mag-save sa kanilang data lalo na kapag

gumagawa sila ng mga lesson plans, school forms at iba pa.

Para sa mga computer majors, maaari nilang gamitin ang pananaliksik na

ito upang higit pang matutunan ang tungkol sa Blue Screen of Death. Maaari rin

nilang gamitin ito bilang sanggunian para sa mga hinaharap na thesis. Bukod pa

rito, maaari nilang maayos ang mga BSOD ng mga kompyuter sa paaralan.

Para sa mga tekniko sa computer, maaari nilang malaman ang mga sanhi

ng BSOD at ang mga solusyon sa pag-aayos ng mga ito at magamit ang

kaalaman na ito sa pagtatrabaho.

Para sa mga nagtatrabaho sa larangan ng Information Technology, maaari

silang magpapayo ng mga kliyente sa mga dapat gawin kapag nakakaranas ng

BSOD. Maaari din nilang ayusin ang kanilang mga kompyuter kung ito ay

mangyayari sa kanila.

Para sa mga kumpanya na gumagamit ng mga kompyuter, maaari nilang

maiwasan ang mga BSOD na makagambala sa kanilang trabaho. Malaman nila

kung ano ang gagawin kapag nangyari ito at maprotektahan ang kanilang mga

files mula sa data loss.

Para sa mga may-ari ng internet cafe, maaari nilang mas mahusay na

mapagsilbihan ang kanilang mga customer at panatilihin ang kanilang mga yunit

ng computer sa mabuting kondisyon.


Para sa mga mamamayan, malalaman nila kung bakit ang mga blue

screen at kung ano ang dapat gawin para maresolba ito. Ito ay makakatulong sa

kanila na malaman kung anong uri ng problema sa kompyuter ang kinakaharap.

Depinisyon ng mga Termino

1. Blue Screen of Death o BSOD - pag-bagsak ng operating system ng

kompyuter at nagreresulta sa pag-asul ng screen.

2. Hardware - ang pisikal na parte ng kompyuter katulad ng monitor na

kapag nasira ay maaaring maging sanhi ng BSOD.

3. Low-level software - kumokontrol sa hardware ng system at nagsisilbing

isang interface sa pagitan ng operating system at hardware. Kapag

nagkakaproblema, maaaring mangyayari ang BSOD.

4. Minidump - isang maliit na file na naka-save sa iyong kompyuter sa bawat

oras na huminto ang kompyuter nang hindi inaasahan o kung merong

BSOD na maganap. Dito nakalagay ang lahat ng impormasyon tungkol sa

crash at kung bakit ito nangyari.

5. Kernel - isang programa sa kompyuter na siyang pangunahing bahagi ng

operating system ng computer. Kapag merong kernel error, maaari itong

maging sanhi ng BSOD.

You might also like