You are on page 1of 5

Rengel, Enzo Miguel M.

11436921

GREATWK C37

Ms. Grace Tabernero

1. Magbigay ng 5 pilosopiya ni Ricky Lee bilang manunulat.


Ipaliwanag paano umaakma sa lipunang Pilipino ang kanyang
nililikhang kwento (pilosopiya) may kinalaman sa relihiyon,
pulitika, at midya makikita sa pelikulang himala?

Si Ricky Lee ay isang tanyag at matagumpay na Pilipinong


manunulat. Siya at ang kanyang mga likha ay kinikilala sa buong
mundo, dulot ng kaniyang nakakabighaning talento sa pag sulat. Si
Ricky Lee ay isang sikat na screenwriter at novelist. Si Ricky Lee ay
kilala na rin dahil sa kaniyang sunod sunod na pag hakot ng mga
premyo, mapa lokal or internasyonal man.

Ang unang napili ko na pilosopiya ni Ricky Lee bilang manunulat


ay ito, Never go out of bounds. There are certain boundaries para sa
bawat tao at doon lang ang lugar mo. Kapag lumagpas ka, maaari ka
nang makapanakit ng iba. Ito ay nagmula sa kaniyang aklat na may
pamagat na Para Kay B. Malalim ang mga salitang ito ngunit ito ay
talagang magagamit sa tunay na buhay. Sinasang-ayunan ko si Ricky
Lee dito sapagkat ito ay natutunan ko rin mula sa aking mga sariling
karanasan. Ang pilosopiyang ito ni Ricky Lee ay umaakma sa lipunang
Pilipino na may kinalaman sa relihiyon at pulitika sapagkat maiuugnay
ito sa mga kamakailan lamang na kaganapan na nasasangkot ang
simbahan at ang gobyerno. Mapapansin natin na nagkakaroon na ng
maraming mga pagkakataon kung saan nakiki-alam na ang simbahan
sa mga usaping pang politikal, at sa mga kilos ng gobyerno. Mapapansin
naman natin sa pelikula ni Ricky Lee na Himala na ang pari sa
pelikula ay hindi sang-ayon sa mga himala na ginagawa ni Elsa,
samantalang ang Mayor naman ng bayan ni Elsa ay sinusuportahan
siya, at ginagamit pa siya bilang atraksyon sa mga turista at iba pa.

Ang susunod na pilosopiya ni Ricky Lee na aking nagustuhan ay


ito, Hindi pagkain ang kailangan ng mga kababayan natin. Ang
kailangan nila ay labanan ang tunay na dahilan kung bakit wala silang
makain! ang linyang ito ay kuha sa kanyang nobelang pinamagatang
Si Amapola sa 65 na Kabanata. Napili ko ang linyang ito sapagkat
nauugnay ito sa kasulukuyang sitwasyon at hinanaing ng karamihan
ng mga Pilipino. Kaahit noong mga nakaraang administrasyon pa
lamang, mulat na ang mga Pilipino sa mga korapsyon na nagaganap sa
ating bansa. Salamat sa mga pelikula at nobela na tulad na ito,
maraming Pilipino ang namumulat sa mga kaganapan at sitwasyon ng
ating bansa. Ang korupsyon ay atin din makikita sa pelikulang Himala
ni Ricky Lee. Makikita natin doon na pinag sasamantalahan ang
kapangyarihan at kasikatan ni Elsa at ginagamit siya ng ibang mga
karakter sa pelikula upang pagkakitaan o upang makilala at sumikat.
Ipinakita ni Ricky Lee na kahit sa mga maliliit na lugar ay may mga
korapsyon na nagaganap; at dahil din sa pelikulang ito, napa isip din
ako kung likas na sa mga tao ang mga kasamaang tulad nito.

Ang susunod kong napiling pilosopiya ni Ricky Lee ay ito, Pantay-


pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o
masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto,
nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye
na. ito ay nag mula sa kaniyang aklat na may pamagat na Para Kay
B. Napili ko ito sapagkat sa aking pananaw ay mai-uugnay ito sa
pelikulang Himala. Sa pelikula, mapapansin natin na si Elsa at ang
kanyang kababata na si Nimia ay parehong nag simula sa wala at
lumaki sa hirap. Ngunit mapapansin natin na sa kanilang pag laki, sila
ay tumungo sa magkasalungat na direksyon, sapagkat si Nimia ay
naging escort at tumungo sa Maynila upang ibenta at pagkakitaan
ang sariling katawan; at si Elsa naman ay nanatili sa kanilang bayan
at namuhay ng payapa, maka-diyos, relihiyoso, at dalisay. Si Nimia at
Elsa ay napunta sa magkaibang landas sapagkat ito ay dinulot ng
kanilang mga sariling desisyon sa buhay. Ang lahat ng tao ay may
karapatan pumili at mag desisyon para sa sarili, kaya dapat
siguraduhin at pag isipan muna ng mabuti bago gumawa ng desisyon.

Ang aking pang apat na pilosopiyang napili naman ay ito, Ang Pilipino
ay pinaghalohalo-halong dugo. Sumasamba kay Buddha at kay Kristo
at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya
kung ano siya, nakakalimutan na nya kung sino siya.. Napili ko ang
pilosopiyang ito ni Ricky Lee sapagkat sang-ayon ako sa kanyang
paniniwala. Naniniwala ako na talagang maliwanag na makikita ang
katotohanang ito sa kasalukuyan. Sa katunayan, makikita rin nga ito
sa pelikula ni Ricky Lee na Himala, sapagkat sa pelikula, kitang kita
natin na ang mga karakter doon at mga taga-sunod ni Elsa ay madaling
napapa-sunod lalo na nung marami na ang sumusunod kay Elsa at ang
ibang tao ay napapasunod nalang din at sumasakay sa karamihan. May
eksena sa pelikula na pinapanuod ng mga tao mag dasal si Elsa sa harap
ng Birheng Maria, at ginaya na lamang nila si Elsa sa paniniwalang
naroon nga talaga ang Birheng Maria. Marami na talagang mga Pilipino
ang nagpapadala at kumakapit sa relihiyon at umaasa na mayroong
himala at sila ay maisasalba at uunlad ng ganoon lamang. Hindi ako
kumokontra sa relihiyon at paniniwala ng mga tao sa relihiyon, ngunit,
ako ay kumokontra sa mga taong walang ginagawa kundi kumapit, at
umasa na lamang sa kanilang mga paniniwala o relihiyon, ng hindi
manlang kumikilos o gumagawa ng paraan para sa sarili, at para
umunlad at maka bangon muli.

Ang pang huling pilosopiya ni Ricky Lee na aking napili ay ito, Yung
pinaka-negative sakin ay naging positive sa akin at Ang negative
pwede gawing positive. Napili koi tong pilosopiya na ito dahil
maiuugnay ko ito sa mga ginagawa ng mga midya. Ang midya ay isang
makapangyarihang industriya, kaya nitong kontrolin at baguhin ang
mga pananaw ng mga tao. Ang midya ay maaaring gamitin sa mabuti
at masamang paraan, sa katunayan, madalas nga napapagbintangan
ang mga midya na may biyas lalo na sa pulitika. Sa pelikulang
Himala, makikita natin ang kapangyarihan ng midya at ang pag gamit
nito sa mabuti at masamang paraan. Isa sa mga dahilan kung bakit
mabilis na sumikat si Elsa sa pelikula ay ang midya, makikita natin sa
bandang huli ng pelikula na lagi na dinudumog ng midya si Elsa.
BIBLIOGRAPHY:

Lago, A. (2012). The unstoppable Ricky Lee. Retrieved: December 1,


2017, retrieved from
http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/content/247096/the-
unstoppable-rickylee/story/

Pantuhan, G. (2012). Himala (1982): Movie Review. Retrieved:


December 1, 2017, retrieved from https://tv-movie-
reviews.knoji.com/himala-1982-movie-review/

Brion, R., Ricky Lee. (Author of Para Kay B), Retrieved: December 1,
2017, retrieved from
www.goodreads.com/author/show/837926.Ricky_Lee.

De La Cruz, C. On the Spot: Ricky Lee on his insecurities, a writer's


innate madness, and millennials., Retrieved: December 1, 2017,
retrieved from www.spot.ph/arts-culture/arts-culture-
peopleparties/68097/ricky-lee-inter view-a00171-20161014-lfrm

Good Reads, Ricky Lee Quotes Retrieved: December 1, 2017,


retrieved from
https://www.goodreads.com/author/quotes/837926.Ricky_Lee

You might also like