You are on page 1of 4

TRUE LOVE WAITS

Tricia- Tricia, bidang aktres sa movie

Retania Empoy, kalove team ni Tricia

Alyssa- production manager

Lexter- director/narrator

Darwin, Angelica production assistants

Master Robert- taga-gawa ng singsing

Countdown Timer

Scene 1

Narrator: Sequence No. 3. Interior. Motel. Day. Dahan-dahang lumalakad si Tricia sa hallway ng motel
nang may pangamba sa kanyang mukha. Lumapit sa pinto, bigla syang napahinto at sabay sabi.

Tricia (naiyak na nagagalit): Paano mo to nagawa sa akin? Ha! Paano mo to nagawa sa akin? Lahat-lahat
binigay ko na sayo! Puso, pisikal pera, buong pagkatao ko binigay ko na sayo. Wala na akong itinira sa
aking sarili. Ano ba ang kulang sa akin? Sabihin mo! Bakit mo ako ipinagpalit sa babaeng mukhang mani.
Bakit mo ako niloko? Bakit mo ako sinaktan? Sorry. Tapusin na natin to.

Opening Credit (Introduction)

Scene 2 (Office: Meeting)

Alyssa: Guys, pinatawag ko kayo sa isang emergency meeting kasi gusto kong sabihin sa inyo na medyo
palugi na ang ME-5105 production company dahil sa naglalabasan ngayon na foreign films. And this next
movie project will be our last chance para tayo makabawi. We will join Metro Manila Film Festival.

Lexter: Eh Madam, tungkol saan naman ang ating magiging next movie? Reminder lang po madam.
Heavy competition pa rin ang pagsali sa MMFF. Mahirap-hirap ding kalabanin lalo na sina bossing at
vice.

Alyssa: Direk, our next movie will be all about a girl na paulit-ulit nang sinaktan ng mga lalaki ngunit in
the end, may matatagpuan siyang isang lalaki na magpapatunay sa kanya na theres still hope that true
love will come at the right time with a right person. The title of the movie is True Love Waits.

Darwin: Well, madam production manager, who will be our lead actress to play the role?

Lexter: (Biglang may naisip) Tama! Bakit hindi na lang kunin nating bida si Tricia Panganiban? She is very
popular and a versatile artist. Marunong syang kumanta.

Paningit na scene (kakanta si Tricia)

Lexter: Magaling din syang sumayaw.

Paningit na scene (sasayaw si Tricia)


Lexter: At higit sa lahat, she is an effective actress. The only problem for now is who will be our leading
man?

Angelica: I have a suggestion. Alden Richards.

Paningit na scene (magkikita sina Tricia at Alden with music score of Wish I May)

Lexter: No! no! no! hindi pwede! Maraming magagalit na taga-AldubNation. Mababash lamang si Tricia.
Why not Daniel Ford Padilla?

Paningit na scene (magkikita sina Tricia at Daniel with music score of Simpleng tulad mo)

Angelica: Well kung pag si Alden magagalit ang AldubNation. O di syempre magagalit ang Kathniel fans
pag si Daniel ang kinuha nating leading man.

Alyssa: Alam ko na direk, bakit di na lang si Empoy Marquez ang ating kuning leading man ni Tricia? He is
very famous now because of his movie Kita-kita. He is now the new pogi.

Paningit na scene (magkikita sina Tricia at Empoy(Retania) with music score of Two less lonely people in
the world)

Scene 3 (canteen)

Angelica: We need to select our target market audience para sa ating movie.

Darwin: Parang mas maganda kung may mga hot love scenes. Yung may mga halikan, laplapan, kiskisan.

Alyssa: But if therell be love scenes, there is a possibility that MTRCB will rate us as R-18 meaning fewer
audience can watch our movie. We need many people to watch our movie in order for us to get larger
sales at macontinue ang operation ng ating film company.

Lexter: Since hindi rin naman to medyo pambatang movie, it is better that our movie will be rate as PG-
13 so children can still watch our movie with the guidance of their parents.

Scene 4 (Park)

Narrator: Sequence No. 5. Exterior. Park. Kukunin ni Empoy ang kanyang iniinom. Maglalakad si Empoy.
Biglang makikita ni Empoy si Tricia na umiiyak sa isang tabi.

Retania: Miss, gusto mo? (aalukin ang iniinom). Miss may problema ka ba?

Tricia: Ay wala akong problema. Kaya ako umiiyak dahil wala akong problema.

Retania: Ano ba ang iyong problema? Baka pwede kita matulungan.

Tricia: Hindi mo ako matutulungan. Dahil lahat ng lalake sa buong mundo, manhid, manloloko.. Wala
nang ibang ginawa kundi saktan ang damdamin ko.

Retania: Pano mo naman agad yan nasabi? Eh hindi mo pa ako lubos na nakikilala.

(biglang magkakatitigan sina Tricia at Retania. Tatawa si Tricia)

Retania: Ayuuun! Mas maganda ka pala pag nangiti. Nagmumukha kang si Juana Change pag naiyak. Ako
nga pala si Empoy.
Tricia: Ako nga pala si Tricia. (handshake)

Scene 5 (Working Station: Classroom)

Angelica: Guys, saan tayo bibili ng singsing para sa panliligaw scene ni Empoy?

Alyssa: Ui may alam akong mga luxury shops ng diamond rings sa Rockwell. Maraming mapagpipilian
doon na magaganda minimum worth of 5 million pesos.

Lexter: Reminder lang po. Very limited lang po ang ating budget so we need to make tipid.

Darwin: Direk, may alam akong murang job shop na nagcucustomize ng mga murang singsing.
Makakatipid din tayo nang malaki doon.

Scene 6 (Job Shop; yung may lathe machine)

Darwin: Kuya tapos na po ba ang pinapagawa po naming singsing?

Robert: Opo sir, sinunod ko po ang mga specifications at dimensions na binigay nyo po sa amin.

Scene 7

Narrator: Sequence No. 10. Interior. Isang building. Day. May hawak-hawak na singsing at bulaklak si
Empoy. Naglalakad si Empoy. Dahan-dahang naglalakad si Empoy patungo kay Tricia. Inabot ni Empoy
kay Tricia ang singsing at bulaklak.

Tricia: Empoy, para san ang mga ito?

Retania: Kasi, matagal ko nang gustong itanong to sayo.

Tricia: Ang alin.

Retania: Pwede bang maging espesyal na bahagi sa buhay mo? Simula nang nakita kita, nahulog na ang
aking damdamin sayo. Tuwing nakakasama kita, tila parang akoy lumilipad sa langit sa sobrang
kaligayahan. Parang hindi ko na kayang mabuhay kung wala ka.

Tricia: Patawarin mo ako Empoy. May pagtingin na din ako sayo ngunit takot pa akong umibig muli.
Marami na ring beses akong nasaktan. Takot na akong sumugal sa pagmamahal ng isang tao. Ayaw ko
na, napapagod na ang puso ko.

Retania: Pwede bang bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sayo na may lalaki pa ring
magmamahal sayo nang tapat at totoo? Narito lang ako Tricia. Handang hilumin ang mga sugat sa puso
mo at hindi iiwan magpakailanman.

(magkikiss si Tricia at si Retania pero hindi lalapat ang lips.)

Scene 8 (magarang bahay ni Tricia)

Tricia: Inday! Sino ang mga yan? Kung yan ay mga taga ME-5105 Productions. Papasukin mo.

Alyssa: Hello po Miss Tricia Panganiban. Musta po ang binigay po naming script sa inyo?

Tricia: (mataray) Well, nagustuhan ko naman ang pagkakabuo ng istorya. Brainy kayo at ako ang napili
nyong artista. Alam nyo naman mas maganda at mas magaling akong artista kaysa kina Liza Soberano,
Angel Locsin at Kathryn Bernardo. Mas marami akong fans at akoy laging nagtretrending sa Friendster
kaya sureball blockbuster ang movie na to.

Alyssa: Salamat po.

Tricia: Pero may mga condition ako bago ko tanggapin ang role na to.

Alyssa: Ano po yun?

Tricia: Dapat ang magiging tent ko naka split-type aircon. Three ang body guards ko dapat. Mga foods ko
dapat sososyalin. Then take me away dapat sa mga mosquitoes or other pests.

Alyssa: Sige po.

Tricia: And wait, theres more, may isa nga palang bagay sa proposal nyo ang medyo hindi ko
nagustuhan.

Alyssa: Ay ano po yun miss tricia?

Tricia: Sa rami-rami ng mga guwapong lalaking artista sa showbiz like Piolo Pascual, John Lloyd, Coco
Martin, bakit naman si Empoy Marquez pa ang napili nyong leading man ko?

TRAILER NG MOVIE

SCENE 9 (Movie Premiere sa sinehan)

Alyssa: Direk, musta ang feedback ng mga tao sa trailer ng ating movie?

Lexter: Madam, pinapalabas pa po ang ating trailer during commercial breaks sa mga tv networks.
Pinapalabas na rin po sa mga electronic billboards at lumagpas na po ito ng 2 million views sa youtube.

Alyssa: In Jesus name, magiging successful ang pinaghirapang movie project na ito.

You might also like