You are on page 1of 2

Magandang hapon sa inyong lahat.

Gusto kong pasalamatan ang mga taong simulat sapul ng


aking kampanya ay nandiyan na sa aking tabi. Hindi ko mararating ang aking kinalalagyan ngayon kung
wala ang inyong suporta.

Ako ay isang simpleng mamamayan lamang na naging estudyante rin at nagtrabaho.


Nakapanlulumo nang magisnan ko ang mga batang hindi nakakapag-aral, walang bahay, namamalimos
at namamahay na sa kalsada. Sila ang nagbigay sa akin ng dahilan para tumakbo sa pagkapangulo ng
ating bansa.

Nais ko lamang ulitin ang aking sinabi noong ako ay nangangampanya pa lamang. Gusto kong
baguhin ang pananaw ng mga tao tungkol sa gobyerno. Hindi lahat ng pulitiko ay may masamang
adhikain. Hindi lahat ng pulitiko ay nakatuon lamang sa kanilang sarili, nagpapayaman, umuuupo lamang
at walang ginagawa. Sila ang mga pulitikong dumungis sa malinis na pangalan ng gobyerno.

Nung ako ay bata pa ay naisip ko kung ano nga ba ang dapat na katangian ng presidente sa isang
bansa. Sila ang mga taong may takot sa Diyos. Kapag may takot sila sa Diyos, hindi sila mabibighani sa
pera ng mga tao. Dapat sila ay maging ihemplo sa mga bata dahil alam naman natin na ang mga bata ay
sinusundan lang ang yapak ng mga nakatatanda.

Galit ako sa droga, alak, at sigarilyo. Ito ang mga bagay na sumisira sa kinabukasan ng mga
kabataan. Ito ang dahilan ng mga gulo sa kalsada, mga patayan, at mga nakawan. Ito rin ang dahilan
kung bakit maagang nababawian ng buhay ang bagong henerasyon. Aalisin ko ang droga. Hindi lang ang
mga nagdrodroga ang aking ikukulong kundi gusto kung masunog at matanggal lahat ng plantasyon ng
marijuana, at paiigtingin ko ang seguridad sa mga paliparan para hindi makalusot ang mga dayuhang
nangangalakal ng ipinagbabawal na gamot. Aalisin ko ang sigarilyo sa ating bansa. Lilimitahan ko ang
mga produktong nakakalasing sa mga tao.

Gusto kong matulungan ang mga pamilya na walang pangtustos sa kanilang pangaraw-araw na
gastusin. Patataasin ko ang sahod ng mga manggagawa para may magastos sila sa kanilang mga
pangangailangan. Aalisin ko ang kontraktualisasyon dahil gusto kong mabigyan ng permanenteng
trabaho ang mga Pilipino.

Ang edukasyon ang isa sa pinakamahalaga sa lahat ngunit hindi na lingid sa ating kaalaman na
hindi lahat ng mga bata ay nakakapag-aral. Gusto kong magbigay ng mas malaking alokasyon para sa
edukasyon at magtatag din ng mga scholarship programs para mabigyan ng pagkakataong
makapagtapos ang mga masigasig na mag-aaral ngunit walang sapat na pera.

Napabayaan na rin natin ang agrikultura. Puro na lamang industriya ang ating binibigyang
pansin. Hindi mabubuhay ang Pilipinas kung wala ang mga magsasaka.Nais ko ring bigyan ng
karagdagang alokasyon ang kagawaran ng agrikultura para mas makapagsaliksik ng paraan ng pagsasaka
upang mas maparami ang ani at tumaas ang kita.

Ilan lamang ito sa mga nakita kong problema ng ating bansa na sisimulan kong bigyan ng
solusyon sa aking pag-upo bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Hindi ko magagawa ang aking plano
kung wala ang inyong kooperasyon. Inaasahan ko na magtutulungan tayong lahat. Sa ating lahat
nakasalalay ang kahihinatnan ng Pilipinas sa hinaharap. Muli, ang pagtayo ko sa inyong harapan ngayon
ay isang napakalaking pribilehiyo. Maraming salamat at sa tulong ng Diyos ay uunlad ang ating bansa.
Mabuhay ang Pilipinas

You might also like