You are on page 1of 1

-John Psalmuel Velarde Chan

Halina kayo sa bayan namin,


Nang kayo’y aming payamanin, Halina kayo sa bayan namin,
Lahat ay maari ninyong linangin, Kung saan interes niyo laging pinupuno,
Kami lamang ay inyong pakainin. Aming kalikasan maaari niyong sirain,
Basta’t kaibiganin n’yo, aming mga pinuno.
Halina kayo sa bayan namin,
Kung saan matutupad inyong mga pantasya, Halina kayo sa bayan namin,
Laman mabibili sa napakamurang halaga, Isang bayan ng butihing mga alipin,
Maaaring iuwi nang kayo’s pasayahin. Handang ibigay ang lahat ng nasa amin,
Mabigyan nyo lamang ng kapirasong kikitain.
Halina kayo sa bayan namin,
Na naglilingkod ng lubos sa inyong bayan, Aming paraiso’y inyong linangin,
Lakas paggawa dito’y mumurahin, Bilhin na ninyo aming mga lupain,
Dumito na kayo at magpakagahaman, Lahat ng likas-yaman maari ninyong kunin,
Kaya halina kayo sa bayan namin.
Halina kayo sa bayan namin,
Kung saan pipi ang madla’t sambayanan,
Laging nakalulusot ang mga salarin,
Ng mga kalunuslunos na patayan.

You might also like