You are on page 1of 1

Mula sa Karagatang Buhangin

Kapag nilalakad ko ang baybayin sa labas,

Tiyak madidinig lang ang along humahampas ,

Ngunit sa pagkalma ng isip at pagsara ng mga mata,

Iyong pagtawag, doon ko nahihinuha.

Totoo mang pinaglayo na ng mga karagatan,

May sari-sariling landas at bahagyang naglimutan,

Ngunit sa bawat pagpalo ng tubig doon sa dalampasigan,

Alam kong sa kabilang dako, anino mo’y masisilayan.

Ito’y isang simpleng awit para sa aking Inang Bayan,

Na aking ilalagay sa isang boteng sisidlan,

Hinahangad na dumating sa kaniyang paroroonan,

Umaasang mabasa’t masilayan, kahit suntok sa buwan.

You might also like