You are on page 1of 4

7AM Newscast

1. Na-assess na mga drug surenderees sa Region 12 nasa


39% pa lamang

KORONADAL CITY- Nasa 16,000 o 39% pa lamang na mga


surfacing personalities involved in drugs o mga SPIID
ang nagawan ng assessment ng Department of Health sa
Region 12.

Ito ang sinabi ni Dra. Demilca Gangoso, substance abuse


and treatment coordinator ng DOH 12 sa isinagawang
anti-illegal drugs summit sa Koronadal.

Tumatagal umano ang assessment dahil sa dina-diagnosed


pa ang mga pasyente.

Ayon naman sa datus ng ahensya, nasa 41,895 ang bilang


ng mga sumuko sa PNP sa buong region 12.

Inaasahan na taas pa ang bilang na 16,000 dahil may 6


na bayan pa na hindi nakakapagsimula sa kanilang
assessment.

Nabatid na naging bisita si Gangoso sa isinagawang 2nd


anti-illegal drug summit sa pangunguna ng provincial
government ng south cotabato.

2. Pagsasa-ayos ng nasunog na Palengke sa Koronadal


City, Minamadali na

KORONADAL CITY- Minamadali na nang sangguniang


panlungsod ng Koronadal ang pagpasa ng resolution upang
mai-ayos ang mga stole owners, one way area at iba pang
problema matapos matupok ng apoy ang palengke noong
oktubre 10, 2017.

Ayon kay councilor junnete Hurtado na namuno sa public


hearing kasama ang mga stole owners at mga vendor na
apektado ng sunog, na nakatakda na sa huwebes ang
kanilang session para maipasok ang ordinansya na
sasagot sa problema.

Giit ni Hurtado na nakakasiguro ito na maipapasa ang


ordinansya dahil halos lahat na mga konsehal ay nasa
public hearing.

Inaasahan din na tatalakayin sa session ang tulong na


matatanggap ng mga vendors at stall owners na apektado
ng nasabing sunog.

3. City General Services office ng Koronadal nagpaalala


sa mga mamamayan na magbayad ng renta para sa public
cemetery

KORONADAL CITY- Nagpaalala ang koronadal city general


services office sa mga pamilya ng mga nakalibing sa
koronadal city public cemetery na pwede silang magbayad
ng kanilang renta sa labas mismo ng sementeryo sa
darating sa October 31 hanggang November 2.

Ayon kay general services officer benito quirao na kada


limang taon ay dapat naka renew ang mga pamilya ng
patay na nakalibing sa public cemetery.

Dagdag pa ni quirao na nasa 50 pesos ang renta sa mga


apartment type na libingan bawat taon at nasa 100 pesos
naman ang mga nasa lupa.

Paglilinaw ni quirao na wala namang nakalagay sa


ordinansa na huhukayin ang mga nakalibing kung hindi
makakabayad ng renta.

Nabatid na ayon sa datus ng CGSO, nasa 9,000 na ang mga


naka libing sa Koronadal city public cemetery.
4. Search for Cleanest and Greenest Household,
papangalanan na ng South Cotabato Provincial Government

KORONADAL CITY- Nasa Final evaluation na ang search for


the Cleanest and Greenest Household at best maintained
area contest sa bayan ng lake sebu.

Nabatid na ito ang programa ng Provincial Environment


Management Office (PEMO) bilang bahagi ng Lake Easement
Development and Beautification Program.

Ang nasambing contest ang nakikitang paraan ng


Provincial Government upang mapangalagaan ang lake.

Mula naman sa 14 na bahay, 10 na lang ang natira para


sa nasabing search para sa isinagawang final evaluation
noong oktubre 26.

Para sa initial evaluation, makakatanggap ang first


prize ng P5,000, P3,000 naman para sa second prize, at
P2,000 para sa third prize. Habang sa final evaluation
ay tatanggap ng P10,000 ang first prize, P7,000 naman
ang second prize at P5,000 ang third prize.

Ang mga premyo naman ng mga winners ay matatanggap


kasabay ng Environment Summit cum Ecology Day ng PEMO.

5. Paaralan na pinaniniwalaang pinapatakbo ng New


Peoples Army sa bayan ng Banga, pinapatigil ang
operasyon.

KORONADAL CITY- Pansamantalang ititigil ang operasyon


ng paaralan na itinayo umano ng grupong new peoples
army sa brgy lam-afus, banga, south cotabato.

Ito ang napag desisyunan sa isinagawang dialogue ng


barangay, teachers, DEPED at LGU.
Lumabas naman sa nasabing dialogue na walang permit
mula sa Department of education ang paaralan dahil
upang ipatigil ang operasyon nito.

Inaasahan naman na maglalabas ng resolution ang


brgy.council ng lam-afus para ipatigil ang pagtuturo at
pansamantalang ibalik sa kanilang mga magulang ang mga
minor de edad na naka enroll sa nasabing paaralan.

Magkakaroon naman ng susunod na dialogue para sa


pagpapatuloy ng operasyon ng paaralan kung makakapag
comply ito ng mga dokumento na hinihingi ng DEPED.

Nabatid na una nang sinabi ni South Cotabato governor


Daisy Avance Fuentes na kailangan mahinto ang operasyon
ng paaralan dahil hindi umano dumaan sa tamang proseso
ang pagpapatayo nito. Nalaman din ng provincial
government na hindi mga residente ng South Cotabato ang
estudyante sa nasabing paaralan.

You might also like