You are on page 1of 2

Pangangalaga sa paa para sa mga taong may diabetes

Kailangang espesyal na pangalagaan ng mga taong may diabetes ang kanilang mga paa.
Kailangang magkaroon ka ng komprehensibong pagsusuri ng paa ng iyong doktor bawat
taon. Ipasuri ang iyong mga paa sa bawat pagbisita kung may mga problema ka sa iyong mga
paa, tulad ng pagkawala ng pakiramdam, mga pagbabago sa porma ng iyong mga paa, o
mga sugat-sugat sa paa. Ang pahinang ito ay nagpapakita sa ilan pang dagdag na mga bagay
na iyong magagawa sa iyong sarili upang mapanatiling malusog ang iyong mga paa.

Hugasan ang iyong mga paa sa


mainit-init na tubig bawat araw.
Subukin ang tubig gamit ang iyong
siko upang masigurado na hindi ito
masyadong mainit.

Patuyuin nang mabuti ang iyong mga paa, lalung-lalo na


sa pagitan ng mga daliri ng paa.

Panatilihing malambot ang balat


gamit ang moisturizing lotion, pero
huwag itong ilagay sa pagitan ng mga
daliri ng paa.

Suriin ang iyong mga paa bawat araw para sa mga sugat, mga singaw, mga paltos,
pamumula, mga kalyo, o iba pang mga problema. Kung hindi ka makakakita nang mabuti,
hilingin sa ibang tao na suriin ang iyong mga paa para sa iyo. Iulat kaagad ang anumang
mga pagbabago sa iyong mga paa sa pangkat na nangangalaga ng iyong diabetes.

Tanungin ang pangkat na


nangangalaga ng iyong diabetes o
ang iyong podiatrist (espesyalista
sa paa) kung paano mo dapat alagaan
ang iyong mga kuko sa paa. Kung gusto
mong magpa-pedicure, kausapin ang
iyong pangkat kung ligtas ito para sa iyo.
Pangangalaga sa paa para sa mga taong may diabetes

Upang maiwasan ang mga paltos, palaging magsuot ng


malinis at malambot na mga medyas na kasya sa iyo. Huwag
magsuot ng mga medyas o mga stocking na hanggang tuhod
na masyadong masikip sa ibaba ng iyong tuhod.

Palaging magsuot ng sapatos na


kasyang-kasya. Dahan-dahan itong
palambutin at paluwagin.

Upang iwasang masugatan ang iyong mga paa, huwag


kailanman maglalakad nang nakapaa sa loob man o sa labas.

Bago suutin ang iyong sapatos,


pakiramdaman ang loob para sa mga matutulis
na gilid, mga lamat, mga maliit na bato,
mga pako, o anumang bagay na maaaring
makapinsala sa iyong mga paa. Ipagbigay-alam
kaagad sa pangkat na nangangalaga ng iyong
diabetes kung masugatan mo ang iyong paa.

Para sa karagdagang
impormasyon, bumisita sa
Cornerstones4Care.com
Ang Novo Nordisk Inc. ay nagbibigay pahintulot upang kopyahin ang dokumentong ito para sa mga
layunin na pang-edukasyon na hindi pagkakakitaan ng pera sa kondisyon lamang na ang dokumentong
ito ay pananatilihin sa orihinal na format nito at ang abiso sa karapatang-ari ay ipapakita. Nasa Novo
Nordisk Inc. ang karapatan upang bawiin ang pahintulot na ito sa anumang oras.
Cornerstones4Care® ay isang ngalang-pangkalakal ng Novo Nordisk A/S.
Ang Novo Nordisk ay isang nakarehistrong tatak pangkalakal ng Novo Nordisk A/S.
© 2016 Novo Nordisk Inilimbag sa U.S.A. USA15PCT01335 Pebrero 2016 Cornerstones4Care.com

You might also like