You are on page 1of 4

REACTION:

Bilang isang mamamayan ng bansa nais rin naming malaman ang nangyayari sa ating
bansa. Katulad na lang ng bagong isyu ngayong tungkol sa TRAIN LAW o Tax Reform for
Accelaration and Incusion. Ang TRAIN LAW, ang unang package sa comprehensive tax reform
program (CTRP) ng administrasyong Duterte, ay naglalayong maitama ang ilang pagkukulang sa
tax system upang ito ay gawing mass simple, patas, at episyente. Dahil kami rin ay gumagastos
at bumibili ng produkto, naaapektuhan rin ang aming budget pang araw araw.

Ito ay may malaking epekto sa mga mamamayan ng bansa. Mas lalaki ang kontribusyon
ng mga mayayaman sa buwis. Mahihirapan rin silang ibudget ang kanilang pera nila dahil sa
mga nagtataasang presyo ng produkto ngayon. Tataas ang kanilang gastusin o di kaya’y liliit ang
bilang ng kanilang mga produktong bibilihin. Binabawasan rin ang mga suweldo ng
nagtratrabaho sa gobyerno. Dahil dito lumiliit ang budget ng mamamayan para sa kanilang pang
araw araw na gastusin o bayaran. Idadagdag pa ang pagtaas ng pamasahe ngayon, magiging
problema rin yan sa mga mamamayan na hirap ibudget ang pera. Gayunpaman, makikinabang
ang mga jeepney/tricycle driver dahil kung tataas ang pamasahe ay lalaki ang kikitain nilang pera
sa kanilang trabaho. Mas makikinabang rin sila sa mga programang ilulunsad ng gobyerno at
mga serbisyong tutulong sa mga mamamayan ng bansa.

Pagtitipid na lang ang kailangan nating gawin upang ang pera ay kumasya. Ang malaking
epekto nito sa ating mamamayan ay mahirap pero kailangang tanggapin.
ARTICLE:

Kasabay ng pagsalubong sa 2018, sinalubong din ng Malacañang ang mga tumutuligsa sa


Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ng administrasyong Duterte, iginiit na
mas mahalagang isipin na mas maraming Pilipino ang makikinabang sa makasaysayang batas.

Ito ang sagot ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary


Martin Andanar sa mga nagsasabing tataas ang presyo ng ilang bilihin bunga ng pagbawas sa
buwis ng mga manggagawang Pilipino dahil sa TRAIN.

Sa panayam ng radyo DZRH kahapon ng umaga, sinabi ni Andanar na ang mga kritikong
ito ang nagpapanatili sa gobyerno na alerto sa lahat ng oras.

“Kasama naman ‘yan sa demokrasya – iyong mga tumutuligsa, iyong mga critics . And of
course, kailangan po ay nandiyan ho talaga ‘yan, to also keep us in our toes,” ani Andanar.

Nilagdaan ni Duterte ang TRAIN nitong nakaraang buwan na aniya ay pinakamagandang


pamasko ng kanyang administrasyon sa mamayaang Pilipono. Ipatutupad ang pagbawas sa
income tax simula Enero 1, 2018.

Ang TRAIN, ang unang package sa comprehensive tax reform program (CTRP) ng
administrasyong Duterte, ay naglalayong maitama ang ilang pagkukulang sa tax system upang
ito ay gawing mass simple, patas, at episyente.

Sa ilalim ng TRAIN, babalikatin ng mayayaman ang malaking kontribusyon sa buwis at


makikinabang ang mahihirap sa mas maraming programa at serbisyo ng pamahalaan.
Makatutulong din ito para pondohan ang ambisyosong ‘Build, Build, Build!’ infrastructure
program ng pamahalaan.

Isa sa pinakamalaking breakthrough ng TRAIN ay simula sa unang araw ng 2018, ang


mga kumikita ng P250,000 bawat taon ay hindi na bubuwisan.

Umaasa naman si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na ang mga reporma sa ilalim
ng TRAIN law ay maghahatid ng inclusive growth sa lahat ng mamamayang Pilipino lalo na sa
mahihirap.

Sinabi ni Angara, chair ng Senate Ways and Means Committee, na kahit marami pa ang
kailangang gawin para mapabuti ang sistema sa pagbubuwis sa bansa, tinitiyak niya na ang
initial tax reforms na ipatutupad sa ilalim ng TRAIN law ay makabubuti para sa lahat ng
Pilipino.

“With this law, we have created a simpler, fair, and more efficient tax system where 99
percent of individual tax payers will benefit from income tax cuts,” saad sa pahayag ni Angara.
“This new measure is just the beginning. There is more work ahead of us in making taxes
work for us, especially the poor, who must benefit more from government services,” dagdag
niya.
PROJECT
IN
ARALIN
PANLIPUNAN

Inihanda ni:
Jan Carlo B. Baltazar
9 - Emerald

You might also like