You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LUNGSOD NG QUEZON) S.S

SINUMPAANG-SALAYSAY

Ako, si MARLON L. ARAGAO, 37 taong gulang, nakatira sa Visayas


Extension, Pingkian 3, Zone 3, Barangay Pasong Tamo Quezon City,
matapos na mabatid at makapanumpa ng naayon sa ating Saligang Batas ay
kusang loob na nagsasabi ng mga sumusunod:
1. Na, ako ay kaibigan at kapitbahay ni Richard Pastor;
2. Na, noong ika-siyam ng Abril 2017 bandang 6 ng gabi kasama
kong kainuman sa bahay ni Arman si Richard at yung iba pa
namin kasama
3. Na, habang kami ay nagiinuman biglang dumating si
Wennefredo mukhang lasing. Nagsabi niya na may di nasabing
maganda si Wilson sa kanya;
4. Na, pansin ko ay parang di siya mapakali dahil siya ay pabalik-
balik sa bahay ni Wilson;
5. Na, ng lumabas si Wilson, inaway nito ni Wennefredo at
nagrambulan sila, para di lumala ang sitwasyon personal ng
lumapit si Richard para umawat sila;
6. Na, nakita ko nagkaayos sila at lahat sila ay kusang umuwi sa
kanilang mga bahay;
7. Na, naging katrabaho ko si Wennefredo sa Picture City sa

Timog. Dahil siya ay paulit-ulit umabsent tinanong namin sa


kanyang asawa bakit siya di nakakapasok sinabi sa amin may
sakit daw ata naka-confine sa ospital ng Jose Reyes. Tinanggal
siya sa trabaho dahil wala siyang maipakitang medical
certificate upang patunaayan ito;

You might also like