You are on page 1of 5

BROADCASTING SCRIPT OF LUISA MEDEL NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO
No. News Presenter News Time

1 INTRO.

Anchor 1: Mula sa himpilan ng katotohanan, sandigan ng 10 sec.


mamamayan … Radyo Bacolod 147. Kapisanan ng mga
Broadcasters ng Pilipinas, Radyo Bacolod Boses ng bayan!
Sa inyong mga pihitan…

Anchor 2: Mula sa bulwagang pambalitaan ng Radyo Bacolod, 10 sec.


maghahatid ng 5 minutong nagbabagang balita, narito ang
tambalang Dianne Baliao at Kian Lobaton. Ito ang Boses
ng bayan!

2 TIME CHECK
(OPENING)

Anchor 1: Ang oras ay 12 minuto makalipas ang ala-1 ng hapon. 3 sec.

Anchor 2: Magandang-magandang hapon sa inyo mga tagapakinig. 3 sec.

Anchor 1&2: Ito po ang inyong kabalitaan Dianne Baliao at lingkod- 5 sec.
bayan Kian Lobaton, kayo’y nakikinig sa Boses ng bayan!

Anchor 1: Para sa mga ulo ng mga balita ngayong araw ng Huwebes, 5 sec.
ika-16 ng Nobyembre 2017.

3 HEADLINES

Anchor 2: 6 Barangay sa Cebu nasa state of calamity. 5 sec.

Anchor 1: Bagyo sa Vietnam: 27 patay, 22 nawawala. 5 sec.


Anchor 2: Depresyon: Ano nga ba ito?. 5 sec.

Anchor 1: FEU Tams, Tumibay sa Final Four. 5 sec.

4 INFOMERCIAL 1 min.

News Presenter 1: (Umiiyak)

News Presenter 1: Oh! Bakit ka umiiyak?

News Presenter 2: Eh kasi pilit akong pinapaabsent ng mga magulang ko sa


klase. Sabi pa niya sa akin, pag-aaksaya lang nang oras
ang pag-aaral. Eh, gustong-gusto kong mag aral para sa
aking kinabukasan.

News Presenter 1: Bakit ganun? Pero alam mo bilib ako sa sinabi mong
gustong-gusto mong mag-aral. Huwag kang mag-alala
tutulungan ka namin. Ilalapit natin ang iyong problema sa
ating mga guro.

News Presenter 2: Yehey! Talaga?

News Presenter 1: Oo naman, kasi alam mo bang may tinatawag na EFA? Ito
ang Education for all. Isa ito sa pinagtibay ng ASEAN
Summit kaya wag ka nang umiyak ha? Makakapag aral ka
na.

News Presenter 2: Alam mo ba na ang ASEAN Summit ay kasalukuyang


ginaganap at isa sa mga binigyang-pansin ay ang
pagpapalawak ng edukasyon? Kaya naman sa Edukasyon
may karapatan ka!

News Presenter 1: Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng EFA. Libreng pag-
aaral, makapagtatapos ka!

5 News

Anchor 1 & 2: Nagbabalik ang Radyo Bacolod 147 Boses ng Bayan! 5 sec.
Anchor 1: Para sa unang balitang local, 6 Barangay sa Cebu nasa 5 sec.
state of calamity. Ibandera mo Joyce Ann Delfino.

News Presenter 1: Kinumpirma ni Ruben Niere, public information officer ng 30 sec.


pamahalaang bayan ng Boljoon, na isinailalim sa state of
calamity ang mga barangay ng Lower Becerril, Upper
Becerril, Nangka, Lunop, San Antonio, at Poblacion. Una
rito, iniulat ng mga opisyal sa municipal at provincial
government disaster na ang pagguho ng lupa ay unang
nangyari noong Oktubre 27, bunsod ng paggalaw ng fault
line na tumatagos sa Boljoon. Bagamat ang Bgy. Lower
Becerril lang ang direktang naapektuhan ng landslide,
sinabi ni Niere na nagdesisyon ang municipal council na
isailalim din sa state of calamity ang limang iba pa dahil
nasira ang 15-kilometrong kalsada na nag-uugnay sa
limang naunang binanggit na barangay. Joyce Ann Delfino,
Boses ng Bayan!

Anchor 1: Salamat Joyce Ann.

Anchor 2: Samantala, sa balitang Internasyonal… Bagyo sa Vietnam: 5 sec.


27 patay, 22 nawawala. Ibandera mo Ashley Lepaopao.
News Presenter 2: Isang malakas na bagyo ang nanalasa sa Vietnam na 30 sec.
ikinamatay ng 27 katao at 22 pa ang nawawala sa gitna ng
malawak na pinsalang idinulot nito sa south-central coast.
Kabilang sa mga nawawala ang 17 crew ng cargo ships na
lumubog sa baybayin ng central province ng Binh Dinh.
Samantalang pitumpu’t apat naman ang nasagip na iba
pang crew members. Mahigit 600 kabahayan ang nawasak
at halos 40,000 kabahayan ang nasira ng bagyong
“Damrey’ na nagdulot ng malawakang blackout sa buong
rehiyon. Ashley Lepaopao, Boses ng Bayan.

Anchor 1: Salamat Ashley.

6 TIME CHECK

Anchor 1: Ang oras ay 25 minuto makalipas ang ala-1 ng hapon.

7 News
Anchor 1&2: Patuloy kayong nakikinig sa Boses ng Bayan! 5 sec.

Anchor 2: Dumako naman tayo sa balitang Pangkalusugan… 5 sec.


Depresyon: Ano nga ba ito?. I-hirit mo Isabel Joven.
News Presenter 3: Ayon sa American Psychiatric Association (APA). Ang 30 sec.
depression ay isang karaniwan at seryosong sakit na
negatibo ang epekto sa nararamdaman, iniisip at ikinikilos.
Isa sa bawat anim na tao ay nakakaranas ng depression sa
kanyang buhay. Maaari itong tumama anumang oras pero
una itong lumilitaw sa mga huling taon ng pagiging tinedyer
hanggang edad na 25 o 26. Ayon sa pag-aaral mas
nakakaranas ng depression ang kababaihan kaysa sa
kalalakihan. Maaari naman itong gamutin subalit
kinakailangang matukoy muna kung depressed nga ba ang
isang tao. Isabel Joven, Boses ng Bayan.

Anchor 2: Salamat Isabel.

Anchor 1: Para naman sa balitang pampalakasan… FEU Tams, 5 sec.


Tumibay sa Final Four. Ibandera mo An Mae Ervite.

News Presenter 4: Tuluyang sinibak ng Far Eastern University sa labanan sa 30 sec.


Final Four ang University of the East matapos ang 79-63
panalo kahapon sa UAAP Season 80 men’s basketball
second round elimination sa Smart Araneta Coliseum.
Nagsalansan si Parker ng 18 puntos at walong assists,
habang kumana si Prince Orizu ng 14 puntos at 13
rebounds. nakuha ng Tamaraws ang solong kapit sa No.4
tangan ang 6-6 karta. An Mae Ervite, Nagbabalita.

Anchor 1: Salamat An Mae.

8 Ending .

Anchor 2: At ‘yan ang mga balitang nakalap sa aming mas pinalawak 5 sec.
na pagbabantay!

Anchor 1: Tutukan niyo kami sa muling pagbulusok nang 5 minutong 5 sec.


mainit na pagbabalita.
Anchor 1&2: Muli, ito ang Boses ng Bayan! 3 sec.

Anchor 1: Radyo Bacolod 147 sandigan ng mamamayan! 5 sec.


Pinagkakatiwalaan noon at ngayon hatid ay bagong balita.

Anchor 2: Nagbabantay sa inyo saan man sa mundo! 3 sec.

Anchor 1&2: Radyo Bacolod 147 Boses ng Bayan! 5 sec.

You might also like