You are on page 1of 1

Wag naman sana

Nagmula sa kahapong kay pait


Buhay ay di mawari kung gugustuhin
Humaba o maputol ng di inaasahan
O kay saklap, buhay na dinanas

Sa piling nya ay tila impyerno


Lungkot ay tila walang katapusan
Hinagpis ay wari walang patid
Bawat araw gusto lamang lumipas

Nang makaalis sa piling nya


Tila nakahinga ng bahagya
Mundo ay muling nasilayan
Kagandahang di na napapansin

Dumating sa buhay
Isang ikaw na wari ay anghel
Pakiramdam ay gumaan
Lumutang sa alapaap

Nagsimulang magtanong
Pusong wari ay may pangamba
Ikaw kaya ay tulad nya
Wag naman sana

You might also like