You are on page 1of 31

MGA TAUHAN

SA
FLORANTE
=>Si Florante ang pangunahing bida
ng Florante at Laura, at halos lahat
ng mga bahagi ng salaysay ay
umiikot sa kanya. Anak ni Duke
Briseo, siya ay ang mangingibig ni
Laurang Prinsesa ng Kaharian ng
Albanyang na namataan ni Florante
bago siya sumabak sa isang digmaan
nang ang bayan ng kanyang inang, si
Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop
ng mga Morong Persyano.
PRINSESA LAURA
 SiLaura ang minamahal nang
lubos ni Florante. Anak ng Haring
Linceo ng Albanya, siya ang
prinsesa ng kahariang ito. Siya ay
nagmamay-ari ng lubos na
kagandahang ipinuring lubos ni
Floranteng nadulot sa kanyang
umibig kay Laura sa unang
pagkakakita pa lamang.
FLERIDA
 Si Flerida ang kasintahan ni Alading
inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-
Adab. At sa pagpapangakong
pagpapakasal sa Sultan, napagpabago
niya ang isip nito sa pagbitay kay
Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi
niya tinupad ang pag-aako, at tumakas
sa araw ng kasal nila.
KONDE ADOLFO
 Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang
isa sa mga pangunahing kontrabida nito.
Anak siya ng Konde Sileno, at pareho
silang nagmula sa Albanya.
 Pinagtangkaan niyang patayin si Florante
sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng
pagkakita sa lahat ng kanyang
pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa
Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng
utos ng kanyang gurong si Antenor.
ALADIN
 Si Aladin ay isang Morong Persyanong
tumulong kay Florante, at nagligtas ng
kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si
Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa
kanyang kasintahang si Flerida.
MENANDRO
 Si Menandro ang matalik na kaibigan ni
Florante sa Atenas na nagligtas din ng
buhay ni Florante mula sa mga tagang
nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga
nang kanyang tangkaing patayin si
Florante sa isang dula-dulaan nila sa
kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa
pagliligtas ng buhay niya, marami pa
siyang ginawa para kay Florante, at
noong sinakop ang Albanya nang
makailang ulit, kasama siya ni Florante sa
pakikibaka.
DUKE BRISEO AT
PRINSESA FLORESCA
=>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni
Florante, at naglilingkod bilang sariling
tanungan ng Haring Linceo ng Albanya.
Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang
bangkay nito ng mga alagad ng Konde
Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng
Haring Linceo.
=>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante.
Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at
maagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi
ni Florante mula sa Atenas pabalik ng
Albanya.
HARING LINCEO
 Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng
Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang
pamumuno ay nagtapos nang mayroong
kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-
uutos daw niyang harangin ang imbakan
ng trigo upang gutumin ang mga tao ng
Albanya. Ang usap-usapang itong
pinasimulan ni Konde Adolfo ang
nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao
sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila.
Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni
Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa
trono.
SULTAN ALI-ADAB
 Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang
umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida.
Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya
ng kamatayan si Aladin, ang kanyang
anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa
Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay
upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang
anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay
Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang
pakakasalan ang Sultan, isang pangako na
hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa
mismong araw ng kasal; ang naging hatol na
lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa
Persyang kailanman ay hindi niya
MENALIPO
 Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante.
Iniligtas niya si Florante mula sa isang
buwitreng dadagitin siya sana nang
siya’y isang sanggol pa lamang gamit
ang kanyang pana at busog.
Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit
na mas matanda kaysa kay Florante.
HENERAL OSMALIK AT
MIRAMOLIN
Osmalik
=>Si Osmalik ang heneral ng hukbong
Persyanong sumakop sa Krotona sa
ilalim ng utos ni Aladin.

Miramolin
=>Si Miramolin ang pinuno ng mga
mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.
KONDE SILENO
=>Si Konde Sileno ang ama ni Konde
Adolfong ayon kay Florante ay marangal.
ANTENOR
=>Si Antenor ay isang guro sa Atenas
nina Florante, Konde Adolfo at
Menandro.
KAHARIANG ALBANYA
PAGSASANAY:
KILALANIN ANG TAUHANG HINIHINGI NG BAWAT
BILANG.
1. Siya ang hari ng kahariang
albanya.
2. Ang pinsan ni Florante na nagligtas
sa kanya noong siya ay bata pa.
3. Ang pinuno ng hukbong Turkiya.
4. Ang naging guro ni Florante sa
Atenas.
5. Ang nagligtas kay Florante sa
6. Ang nagligtas kay Laura sa
masamang balak sa kanya ni Adolfo?
7. Ang buhong ng kasaysayan.
8. Ang heneral ng hukbong persyano.
9. Ang kasintahan ni Florante.
10. Ang nagligtas kay Florante sa
taga ni Adolfo noong sila ay
nagtatanghal ng isang dula.

You might also like