You are on page 1of 20

SACRED HEART COLLEGE

LUCENA CITY
AY 2017 - 2018

IKAWALAWANG SEMESTRE

Sitwasyong Pangwika Sa Kabataan Sa Kasalukuyang Panahon

Ipinasa ni:
Jo Edward E. Aguila

2018
Talaan ng Nilalaman

Pasasalamat i
Kabanata 1: Panimula 1
Kabanata 2: Kaugnay na Literatura 3
Kabanata 3: Disenyo ng Pag-aaral 6
Kabanata 4: Paglalahad at Pagkakahulugan ng mga Datos 11
Kabanata 5: Buod, Konklusyon at Rekomendasyon 13
Talasanggunian 16
Apendiks A: Talatanungan 17
Pasasalamat

Guro, mga mag-aaral, mga magulang at sa lahat-lahat ng mga taong tumulong,

nagkontribusyon, at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito.

Isang matagumpay at makabuluhang pamanahong papel ang siyang naging resulta.

Instrumental, Interaksiyonal, Personal, Heuristiko at Impormatibo ang mga naging gabay

mula sa una hanggang sa huli.

Isang matamis na pasasalamat ang siyang hatid namin sa mga taong nakilahok

upang matapos ang pananaliksik na aming isinagawa; kay Bb. Jinkie Galindo, ang aming

minamahal na guro dahil sa walang sawang pagsuporta, pagtulong, pagagabay at pag-

unawa sa amin habang isinasagawa namin ang aming pananaliksik at lalong-lalo na sa

pagbabahagi ng kaalaman ukol dito, sa mga rospondenteng mag-aaral na pumunan sa

aming mga katanungan sa isang panayam, mga magulang na buong unawa kaming

tinulungan at sinuportahan sa aming mga pangangailangan, sa mga kaibigang nagbigay

lakas-loob, sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman

tungkol sa aming pananaliksik, at higit sa lahat sa Poong Maykapal , sa pagbibigay sa

aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral sa

aming pananaliksik, sa pagdinig sa aming mga dalangin, sa mga pagpapala at pagbibigay

sa amin ng kalakasan lalong-lalo na sa mga panahong kami ay pinaghinaan ng loob na

matapos ito sa takdang panahon.

Taos-pusong pasasalamat ang handog naming mga mananaliksik sa inyong lahat!


KABANATA 1

Panimula

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbigay daan sa pagkakaisa ng

mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t-ibang aspeto sa isang bansa.

Bawat bansa ay nangangailan ng sariling wika sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan. Dahil kung ang mga

tao ay hindi nagkakaintindihan at nagkakaisa, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad.

Mga Dayuhang sumakop sa ating Bansa, mga wikang umiral at mga bagong

tradisyong nagsulputan. Ilan lamang yang sa mga dahilan kung bakit dumaan sa

napakahabang proseso ang wikang Filipino. Dahil sa mga impluwensya ng mga dayuhan

nagkaroon tayo ng mga iba’t-ibang Barayti ng wika, nagsilabasan din ang mga dayuhang

wika o wikang pandayuhan na sinasalita na rin ng mga Pilipino. Hindi masama o walang

masama sa pag-gamit ng mga ibang wika, ngunit kailangan huwag nating hayaang

maibsan ang sariling atin; tangkilikin at pagyamanin.

Ang daloy ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon ay patuloy na umuunlad

at nagbabago. Nauso narin ang mga pagpapaikli ng mga salita sa iba’t-ibang paraan,

ilang halimbawa ay ang pag-gamit ng akronim o pag-gamit ng mga letra sa nagrepresenta

sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Pinapalitan na rin ng mga makabagong

salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin

at mas magandang bigkasin at pakinggan. At isa pa ay ang paggamit ng mga salitang

balbal na pinakauso sa ngayon.


“Ang ating pambansang wika ay pahalagahan, kilalanin ang mahaba at makulay

nitong kasaysayan, alamin ang konsepto, elemento, at gamit sa Lipunan, taglay ng mga

ito, sarili nating pagkakakilanlan” (Pinagyamang Pluma; Pahina 7). Dumaan ang ating

wika sa napakahabang proseso para maituring wikang pambansa, pinag-isipan, pinag-

aralan, at pati na rin mga panayaman na isinagawa. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na

natin naiisip ang mga iyon, atin nalang pinagwawalang bahala, kung anong wikang

ginagamit. Hindi na natin ito nabibigyan ng kahalagahan. Dahil doon sinasayang natin

ang mga pagod na kinaharap ng mga namuno sa pagtatakda ng wikang pambansa.

Napakahalaga ng wika para sa ating lahat, dahil ito ang instrumento na ginagamit

sa pakikipagkomunikasyon at transaksiyon. Hindi lang naman ang Wikang Filipino ang

mahalaga para sa ating mga Pilipino, pati na rin ang mga kinagisnang wika o mother

toungue na ating ginagamit. Ngunit dahil sa pag-labas-pasok ng mga dayuhan sa ating

bansa, sa mga Pilipinong pumapasok sa migrasyon, at sa pakikipagtransaksiyon na rin

ng mga Filipino sa ibang bansa nagkaroon tayo ng kaalaman sa pag gamit ng mga ibang

wika. Hindi natin maipagkakait ang ating mga sarili sa pagkatuto ng ibang wika, dahil sa

kasalukuyan mas kailangan na nating makadiskubre ng mga bagong wika tulad na

lamang ng Ingles na tinaguriang Global Language na siyang pinakamadalas na gamitin

ng mga tao sa sa iba’t-ibang sulok ng mundo sa iba-ibang paraan; sa mga magasin,

telebisyon, radio, mga produkto, dyaryo at marami pang iba. Ngunit ang dapat lang nating

pakatandaan at isiksik sa ating isipan na huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng

ating sariling wika na syang ating sariling pagkakakilanlan.


KABANATA 2

Kaugnay Na Literatura
Nangarap nang minsan si Manuel L. Quezon,
Na ang wika niya’y magtibay-panahon,
Tumatag, tumimo sa bukas at ngayon,
Bigkasin ng masa, sa daang kalyehon.

Huwag mong biguin itong namayapa,


Ating patatagin ang tindig ng wika,
Lubusing mainam, bigkasin ng tama,
Ating palakasin ang igkas ng dila.

Sa pagsasalita’y gamitin ng lagi,


Kahit ang kausap – may islang na gawi,
Mahalagang usap at pagmumuni-muni,
Gamiting salita’y ang wika ng lahi!

Sa pagsasabi mo ng iyong damdamin,


Sa liyag na sinta’t ibig na giliwin,
Wikang Filipino ang iyong gamitin,
Mailalahad mo ang nais sabihin.
Sa kapwa tao na masasasalubong,
Sabayan ng ngiti ang “Magandang hapon.”
At tiyak na sigla ang hatid ng layon,
Siglang darating saan man dumoon.

Iyong salitain sa lahat ng dako,


Damdamin sa dibdib paindakin sa puso
Sapagkat iyan nga ‘y tatag at lakas mo
At pagpapatunay na ikaw’y Filipino.

Ang tula na ito ay hango sa akda ni Avon Adarna na pinamagatang “Palakasin

Mo”. Nangangahulugan lamang na dumaan muna sa butas ng karayom ang mga

namumuno sa pamahalaan noon, tulad ni Manuel L. Quezon upang maitakda ang

Pamabansang Wika. Ngunit kung titignan natin sa kasalukuyang panahon, napakalaki

na ng pagbabago, tuluyan nang kinakalimutan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng


ating wika. Huwag nating hayaang mauwi lahat sa wala ang pagsisikap na ibinigay ng

mga namuno sa pagtatakda ng ating sariling wika. Kailangan natin itong pahalagahan at

tangkilin bilang iisang dugong Pilipino upang lubos tayong magkaintindihan at

magkaunawaan. Dahil kahit sa mga simpleng paraan ng pagbati ibang wika ang siyang

ginagamit, tulad nalamang ng pagsambit ng “Magandang Umaga”. Ang wikang Filipino

ang siyang magpapatunay na tayo ay Pilipino, kaya wag natin itong tatalikuran kailanman.

Si Allaine (2012) Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino

na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa agham,

matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o

“counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili

nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na

ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa

lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon.

“Magmula no’ng ako’y natutong umawit, nagkabuhay muli ang aking paligid,

Ngayong batid ko na ang umibig, sa sariling tugtugin o himig, sa isang makata’y maririnig,

mga titik, nagsasabing, kay ganda ng ating musika, kay ganda ng ating musika, ito ay

atin, sariling atin, at sa habang buhay awitin natin” hango sa awit ni Hajji Alejandro “Kay

Ganda Ng Musika” (2010), kung tunay mang naghihingalo ang bayan, wikang Filipino

ang siyang gamot upang muling buhayin ang nanlulumong kalagayan ng mga awiting

Pilipino!

Ayon kay dating pangulong Gloria Arroyo “higit na bumilis ang pag-unlad ng

Pilipinas noong panahong mataas ang literacy rate ng bansa kaysa mga kapitbahay

nating mga Asyano tulad ng Thailand, Indonesia, at Singapore. Idinahilan din niyang ang
malawak na pagpapalaganap ng Ingles sa mga bansang ito ang siyang naging sanhi ng

pagbulusok ng mga ekonomiya nito.”

Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose

Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao "Ang hindi magmahal

sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa gaya

ng inang sa atin ay nagpala.


KABANATA 3

Disenyo Ng Pag-aaral
Napatunayan ng mga mananaliksik at nabigyang linaw ang ginawang proyekto sa

pamamagitan ng pagharap ng mahabang proseso. Mga aklat na hinalungkat sa

paghahanap ng mga bagong impormasyon. Internet na pinagbasihan para sa dagdag

kaalaman. Mga respondenteng mag-aaral na tumulong para mapunan ang aming mga

katanungan. Mula sa panimula hanggang sa Konklusyon nagsalin-salin ang mga opinyon

at ideya upang maitakda ang proyektong ito. Ang mga mananaliksik ay naghanda rin ng

sarbey kwestyuneyr na naglalayong makahanap ng mga datos upang malaman ang

sitwasyong pangwika sa kabataan sa kasalukuyang panahon.

Instrumento ng Pag-aaral

Nagsagawa ng isang sarbey ang mga mananaliksik na kung saan ito’y

pinaghandaan at pinagplanuhan ng grupo. Inihanda nila ang kanilang mga kwestyuneyr

para sa mga respondenteng sasagot sa mga katanungan. Unang hakbang, nagtanong

ang mga mananaliksik para sa pangalang ilalagay sa Questionaire Paper. Ikalawang

hakbang, nagtanong ang mananaliksik mula sa una hanggang sa huli. Ikatlong hakbang,

ngayong na sa ka nila na ang mga datos, ito ngayon ay kanilang pag-aaralan at bibigyang

linaw para maintindihang mabuti. Ano na nga ba ang mga naging resulta ng mga

mananaliksik sa sarbey na kanilang isinagawa? Iisa-isahin ang mga katanungan upang

maging klaro ang lahat-lahat. Naging matagumpay ang pagsasarbey dahil sa mga

respondenteng pinagtanungan na bumuo sa pamanahong papel na ito.


Respondente ng Pag-aaral

Mga respondeteng kamag-aral at mga kaibigan na ginawan ng isang sarbey.

Dalawampung respondente na nasa 13-19 taong gulang na nagbigay kasagutan sa

mga katanungan, 10 lalaki at 10 babae.

Triment ng Datos

Tanong Blg.1 A

Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo? Anong wika

ang ginamit sa palabas na ito?

100
90
80
70
60
50
40
30
20
10
0
FILIPINO ENGLISH TAGLISH

LALAKI BABAE
Tanong Blg. 1 B

Mas madalas kabang manood ng pantelebisyong nasa Wikang Filipino o


nasa Wikang Ingles?

100
90
80
70
60
50
40
30
20
10
0
Na sa Wikang Filipino Na sa Wikang Ingles

LALAKI BABAE

Tanong Blg. 2 A

Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo? Anong wika ang ginamit sa
palabas na ito?

50
45
40
35
30
25
20
15
10
5
0
Ingles Filipino Iba pa
LALAKI BABAE
Tanong Blg. 2 B

Mas madalas kabang manood ng pelikulang nasa Wikang Filipino o nasa Wikang
Ingles?

70

60

50

40

30

20

10

0
Na sa Wikang Filipino Na sa Wikang Ingles

LALAKI BABAE

Tanong Blg. 3

Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?

80

70

60

50

40

30

20

10

0
Wikang Katutubo Sa Inyong Filipino Taglish
Lugar

LALAKE BABAE
Tanong Blg. 4

Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?

80

70

60

50

40

30

20

10

0
Mahalagang-mahalaga Mahalaga

LALAKI BABAE

Tanong Blg. 5

Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?

90

80

70

60

50

40

30

20

10

0
Mahusay na mahusay Mahusay Hindi gaanong Mahusay

LALAKI BABAE
KABANATA IV

Paglalahad at Pagpapakahulugan sa mga Datos


Ang mga pag-aaral na ginampanan ng mga mananaliksik ay hindi naging madali

para sa kanila. Maraming mga suliranin ang hinarap bago ito maisagawa. Maraming mga

katanungan ang bumalot sa kanilang mga isip na inibig hanapin ng mga kasagutan nang

sa gayon ay kanilang mapahusay at maipaliwanag ng maayos ang kanilang isinagawang

pag-aaral.

Mula sa katanungang “Anong wika ang ginamit sa pinakahuling palabas

pantelebisyong pinanood mo?”. 85% ang sumagot na Filipino, 5% naman ay English at

ang natitirang 10% ay Taglish ang siyang ginamit na wika. Sa sumunod na katanungan

na “anong mas madalas mong panoorin na palabas pantelibisyon, nasa wikang Filipino

o nasa wikang Ingles?”. Ang sumagot ng Wikang Filipino ay 85%, samantalang ang

sumagot sa Wikang Ingles ay 15% lamang.

Nasa wikang Filipino 17/20 (85%)

Nasa wikang Ingles 03/20 (15%)

Mula naman sa ikalawang katanungan na “Anong wika ang ginamit sa

pinakahuling pelikulang pinanood mo?”. 50% sa kanila ay Ingles, 25% ay Filipino at ang

natitirang 25% ay para sa mga gumamit ng iba pang wika, tulad ng Korean. Sa sumunod

na katanungan na “Anong mas madalas mong panoorin na pelikula , nasa wikang Filipino

o nasa wikang Ingles?”. Ang sumagot na nasa Wikang Filipino ay 65% at ang nasa

Wikang Ingles naman ay 35%.


Nasa wikang Filipino 13/20 (65%)

Nasa wikang Ingles 07/20 (35%)

Mula sa katanungang “Anong wika ang madalas ninyong gamitin sa inyong

tahanan?”. 70% sa kanila ang ginagamit ay ang kanilang katutubong wika, tulad ng

Kapampangan, waray-waray, Cebuano, 25% ay Filipino at ang nalalabing 5% ay Taglish.

Sa katanungang “gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang

Filipino?”. Ang sumagot ng Mahalagang-mahalaga ay 75%, ang sumagot naman ng

mahalaga ay 25%.

Mahalagang-mahalaga 15/20 (75%)

Mahalaga 05/20 (25%)

Hindi gaanong mahalaga 00/20 (0% )

Hindi mahalaga 00/20 (0% )

At sa pinakahuling katanungan na “Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng Wikang

Filipino?”. 85% ang sumagot ng mahusay at ang 15% ay hindi gaanong mahusay.

Mahusay na mahusay 00/20 (0%)

Mahusay 17/20 (85%)

Hindi gaanong mahusay 02/20 (15% )

Sadyang di-mahusay 00/20 (0% )

12
KABANATA V

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon


BUOD
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman kung ano na nga ba ang

kalagayan ng ating wika sa Makabagong Henerasyon, wikang itinakda sa loob ng

napakahabang panahon. Na kung saan ang pagbabago ng oras, buwan at taon ay

kakambal ng pagbabago ng kalagayan ng wika.

Inilahad sa pag-aaral na ito na ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis

tungo sa pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang kaisipang ito ay isinaad ni Manuel Luis

Quezon, ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang nanguna upang

pagbuklurin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng isang wikang pambansa.

Mula sa isinagawang sarbey, napatunayan na may mga Pilipino pa rin ang

nagbibigay halaga sa ating wika. Ito pa rin ang ginagamit sa mga tahanan, sa paaralan

at paglalakbay sa iba’t-ibang sulok ng mundo sa pakikipagtalastasan upang lubos na

magkaintindihan at magkaunawaan. Ngunit dahil sa impluwensiya ng mga banyaga,

marami na ang naganap na pagbabago na nakakaugalian na ng mga Pilipino, at ang mga

pagbabagong ito ang silang nagiging dahilan sa pag-iiba ng kalagayan ng wikang

pambansa. May mga Pilipino na rin na mas tinatangkilik ang mga Pelikulang nagmula sa

mga ibang bansa, na kung saan kaakibat nito ang mga makabagong pananaw na

mabubuo sa mga isip ng mga manonood, na nagiging dahilan ng pag-usbong ng mga

bagong tradisyon ng mga Pilipino. Ang paggamit ng Filipino ay mahigpit na ipinatupad sa

buong bansa, ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng pamumuhay at pakikipag-ugnayan,


hindi lamang sa kapuwa Pilipino kundi gayundin sa iba’t ibang lahi, ang impluwensya ng

iba’t ibang wika sa buong mundo ay hindi maitatanggi. Ang paggamit ng wika ay hindi

dapat limitahin. Kailangan itong payabungin at papagyamanin upang makaagapay sa

mga pagbabago at mapabilis ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan.

Nabigyan ng kasagutan ang mga katanungang gumugulo sa utak ng mga

mananaliksik sa pamamagitan ng isang sarbey. Mula sa 20 respondente na nagmula sa

iba’t-ibang lugar na nasa edad 13-19 nakabuo ng mga iba’t-ibang konklusyon ang mga

mananaliksik. Dahil sa mga salitang na namutawi sa kanilang bibig, napahayag nilang

maayos ang kanilang mga Personal na kasagutan patungkol sa kalagayan ng wika sa

kasalukuyang panahon.

KONKLUSYON

Batay sa pagsusuring isingawa ang mga sumusunod na konklusyon ay nakuha:

1. Mas tinangkilik parin ng mga Pilipino ang mga palabas pantelebisyon na ang gamit

na wika ay Filipino.

2. Marami na ring mga kabataan na mas naiibigan ang panonood ng mga pelikulang

pambanyaga, ngunit mas nakakarami parin ang tumatangkilik sa mga pelikulang

Pilipino dahil mas naiintindihan ang ginagamit na wika dito.

3. Napakahalaga ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino, dahil ito ang

sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino.


REKOMENDASYON

Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon upang magkaintindihan ang lahat ng

tao. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at

meron sila. Alamin ang mahaba at makulay na kasaysayan ng wikang Filipino.

Ipakita sa mga mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para

lamang magkaroon ng wikang pansarili, para maibuklod ang bansa at hindi ito mapasama

sa mga bansang walang sariling wika na nakikigamit lang ng wikang banyaga. Bilang

mamamayang Pilipino, tangkilikin ang sariling wika, sapagkat mahalaga ito sa

pagkakaugnay ng isang bansa. Gamitin ito at ipalaganap dahil dito nasusukat ang inyong

pagiging Malaya. Tularan si Manuel L. Quezon, na nagsulong at nagtakda ng Filipino

bilang wikang pambansa hanggang sa kasalukuyan. Laging isaisip na saan mang daku

ng daigdig, “Pilipino ako kaya wikang Filipino ang gamit ko”. Ipagmalaki ang wikang gamit

mo, hindi lamang sa buwan ng Agosto kundi araw araw at bawat segundo. Gawin ang

lahat nang ito hindi lamang sa salita kundi nang buong pusong panggawa.
TALASANGGUNIAN

AKLAT:
Dayag, A.M., Del Rosario, M.G. Pinagyamang Pluma; Komunikasyon at
Pananliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc., 2016: 7
Dayag, A.M., Del Rosario, M.G. Pinagyamang Pluma; Komunikasyon at
Pananliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc., 2016:
119-120
MGA WEBSITES:

http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2012/07/tatag-ng-wikang-filipino-lakas-
ng-pagka.html?m=1

http://wikangfilipinosahinaharap.blogspot.com/2012/03/wika-filipino-sa-
makabagong-panahon.html

http://matanglawin02.tripod.com/isyu06/pitik_filipino.htm

https://kawika2010.wordpress.com/mga-sanaysay/ang-ating-awit/
APEKDIKS A
TALATANUNGAN

Pangalan (Opsiyonal):
Edad:
Kasarian:

Mga Katanungan:
1. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?
______________________________________________________________
Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?
______________________________________________________________
Mas madalas kabang manood ng pantelebisyong
nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?

2. Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo?


_______________________________________________________________
Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?
______________________________________________________________
Mas madalas kabang manood ng pelikulang
nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?

3. Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?


wikang katutubo sa inyong lugar _________________________________
Filipino
Ingles
Taglish
4. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?
Mahalagang-mahalaga
mahalaga
hindi gaanong mahalaga
hindi mahalaga
Bakit?__________________________________________________________

5. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?


mahusay na mahusay
mahusay
hindi gaanong mahusay
sadyang di-mahusay

You might also like