You are on page 1of 2

Sa panahon ngayon, kapansin-pansin ang unti-unting pagkalimot sa mga kulturang

Cordilleran. Sa paglipas ng panahon, unti-unting ibinabaon sa limot ang mga kaugaliang ito na
minana pa natin sa ating mga ninuno.

Kahit saan man sa Baguio ang puntahan ay kaunti na lamang ang kakikitaan mong
patuloy na nagsasagawa sa mga kaugaliang Cordilleran. Ang mga isinasagawa na noong
panahon ng ating mga ninuno na sa ngayon ay nakakaligtaan nang isagawa o hindi kaya ay ituro
sa mga kabataan.

Ang Baguio ay isang tanyag na lungsod sa hilagang Luzon at ang punong-lungsod ng


Cordillera Administrative Region. Itinatag ang Baguio ng mga Amerikano noong 1900 bilang
isang bakasyunan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na
Kafagway. Ito ay matapos atasan ni Luke E. Wright si Daniel H. Burnham na gumawa ng plano
ng lungsod. Ang pangalan ng lungsod na ito ay hinango sa salitang bag-iw na ang ibig sabihin ay
lumot, dahil kalimitang maraming tumutubo ditong pino, dapo, at malulumot na halaman. Nasa
hilaga ng Lungsod Baguio ang La Trinidad, ang Itogon sa silangan, at ang Tuba sa timog at
kanlurang bahagi. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong Hunyo 1, 1903 ng
"Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong Setyembre 1,
1909.

Nakilala ang Baguio sa mala-ahas nitong lansangang tila pumupulupot sa katawan ng


kabundukan; sa kagila-gilalas na tanawin mula sa matatarik na burol o bundok; sa
mahalumigmig na hangin; sa makukulay na bulaklak; at sa mga pagkaing sariwa't nalalahukan
ng mga sariwang gulay at pampalasa. Nagtatagpo sa Baguio ang sari-saring kultura, tao, moda, at
pananaw na pawang lalong nagpasigla sa turismo.
https://www.scribd.com/doc/97314062/Unti-unting-pagkalimot-sa-ugaling-Pilipino

https://327471306460665032.weebly.com/home/baguioang-ipinagmamalaking-kultura-ng-
lungsod

You might also like