You are on page 1of 3

LOKAL

City councilor hinikayat ang publiko na magreklamo laban sa mga abusadong tricycle driver

KORONADAL CITY- Hinikayat ni City Councilor Mark Lapidez, chairman ng Committee on Transportation,
na magreklamo ang mga pasahero ng tricycle sa lungsod kung sila ay nabastos ng mga ito.

Sinabi ni Lapidez na nagpapatuloy ang kanilang education seminar sa mga tricycle drivers para maging
maayos at maganda ang serbisyo ng mga ito. Paliwanag nito na malaki ang maitutulong ng mga drivers sa
local na turismo sa lungsod kung maayos lamang ang kanilang pakikitungo sa mga pasahero.

Pasiguro ni Lapidez na madali at agaran ang magiging aksyon ng city traffic kung ito ay naireport sa
kanila. Importante umano ang report para malaman at malagyan ng marka ang mga MTOP numbers sa
susunod na ito ay mag rerenew.

Ito ang reaksyon ni Lapidez matapos na nagpost sa social media ang isang kawani ng City Government.
Sa reklamo ni Krez James Cabaylo, sumakay ito mula sa Provincial Hospital papunta sanang New City hall
ngunit tinangihan ito ng driver dahil malayo.

NATIONAL

Tinakot umano ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga elected


officials sa lalawigan ng Iloilo na hindi bibigyan ng bugdet kapag
nagmatigas ang mga ito na hindi lumipat sa Partido Demokratiko
Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sa mensahe ni Alvarez, sa mass oathtaking ng halos 4,000 mga


opisyal ng Iloilo na ginanap sa Pototan Astrodome sa bayan ng
Pototan, Iloilo, sinabi nito na hindi naman niya pinipilit ang mga
ayaw lumipat ng partido.

Nirerespeto umano niya ang desisyon ng bawat opisyal at


pinasalamatan ang suporta ng mga lumipat sa administration party.

Pero dapat din aniyang irespeto ng mga opisyal na nagmatigas na


lumipat ng partido, kung hindi ang mga ito bibigyan ng budget.

Ayon pa sa House speaker, “zero budget” umano ang dapat sa mga


opisyal na niyaya nang lumipat sa administration party ay
nagmamatigas pa rin.

Paliwanag ni Alvarez, patas lang daw ito para sa mga opisyal na


lumipat na sa PDP-Laban.
INTERNATIONAL

Patay ang limang katao matapos ang pagkakadiskarel ng train sa


Mexico.

Lulan ng mga sako-sakong pananim ang train ng ito ay madiskarel


sa bayan ng Ecatepec.

Isa sa mga bagon nito ang tumama sa kabahayan na ikinasawi ng


mga naninirahan doon.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Mexico ang naganap na


pagkadiskaril ng nasabing train.

SHOWBIZ

Nagkaayos na sa kaniyang ina si Canadian singer Justin Bieber.

Ito sa pamamagitan ng pagpost niya ng larawan sa kaniyang social


media account na kasama ang inang si Pattie Mallette.

Makikita sa larawan na pumasyal pa ang dalawa sa isla ng Maldives.

Magugunitang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa ilang taon na


ang nakakaraan.

Noong nakaraang mga buwan ay nakipagbalikan na rin sa dating


kasintahan nito na si Selena Gomez matapos ang pagfocus nito sa
kaniyang reilihiyon.

SPORTS

Inireklamo ng mga tennis palyers na kalahok sa Australian Open ang


mainit na panahon na nakakaapekto sa kanilang paglalaro.

Ilan sa mga ito ay sina 2014 Australian Open Champion Stan


Wawrinka, No. 7 David Goffin, No. 13 Sam Querrey ang nabigo sa
ikalawang round lamang maging si Wimbledon champion Garbine
Muguruza ay na-eliminate na rin sa ikaapat na araw.
Ayon kay six-time champion Novak Djokovic na tiniis niya ang
sobrang init ng panahon umabot pa sa 40 degress celsius para
talunin lamang si Gael Monfils.

Nakiusap din ito sa mga organizers na dapat maging maluwag sila


at payagan na maya’t-maya ay uminom ng tubig para maibsan ang
init.

You might also like