You are on page 1of 6

 15.

Kabanata XIII Mga Unang Banta ng UnosDumating si Ibarra sa libangan at hinanap


ang puntod ng ama- si Don Rafael.Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi
nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael.Tumango ang tagapaglibing.Pero
nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon
naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.
 16. Kabanata XIV Si Pilosopo TasyoSi Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa
katalinuhan, pinatigil saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito para sa anak ay
maging isang pari.
 17. Kabanata XV Ang mga SakristanSi Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan.
Nagtatrabaho sila sa simbahan na taga kampana na sineswelduhan lang ng 2.00 kada
buwan.Pinapalo sila at pinagbintangan na mgananakaw sa simbahan. Kapag nalaman ito
ni Sisa ay siguradong magagalit ito.
 18. Kabanata XVI Si SisaSi Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng
bayan. May isang oras din bago marating ang kanyang tirahan mula sa
kabayanan.Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable,
walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan.
 19. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin.Dahil sa kapabayaan ng
kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay dalaga pa.Minsan lang
umuwi ang kanyang asawa at sinasaktan pa siya.
 20. Kabanata XVII Si BasilioNapatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang
ulo.Dumadaloy ang masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si
Crispin.Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si
Crispin.Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.
 21. Kabanata XVIII Mga Kaluluwang NaghihirapDumeretso si Sisa sa kusina ng
kumbento.Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari.Pero,
sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung
nasaan si Crispin.
 22. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si
Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng
pagkawala ng makapatid.Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa
kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang
magkapatid, pagdiin pa ng alila.
 23. Kabanata XIX Mga Suliranin ng Isang GuroKahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang
lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi
ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang
panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael.
 24. Kabanata XX Ang Pulong sa TribunalAng tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang
pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. May labing
isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at
kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa pyesta.
 25. Kabanata XXI Mga Pagdurusa ni SisaLito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa.
Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng
kura.Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio
at Crispin sa kamay ng mga sibil.Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na
siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na
nawala ang kaba sa kanyang dibdib.
 26. Kabanata XXII Liwanag at Dilim Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya
Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria
sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Ipinakiusap ni Maria sa
kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya
sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.
 27. Kabanata XXIII Ang PiknikSi Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong
kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng.Habang naglalakad masaya silang
nagkukuwentuhan at nagbibiruan.Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga
matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang
kuwentuhan.
 28. Kabanata XXXIV Ang Pananghalian Patapos na ang tanghalian nang dumating si
Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay
ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy
ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari
Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi.
Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa
dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria.
 29. Kabanata XXXV Mga Usap- usapanAng mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at
Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego.Sa mga usapan, hindi matukoy
kung sino ang may katwiran sa dalawa.Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa
sinumang lumapastanganan sa kanyang ama.
 30. Kabanata XXXVI Ang Unang SuliraninIsang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni
Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral.Si Maria ay panay ang
pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng.Paano nga,
pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis
ang eskomonyon sa binata.
 31. Kabanata XXXVII Ang Kapitan-Heneral Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap
niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga- Maynila na
nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng
binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng
binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na
siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa
katarungan
 32. Kabanata XXXVIII Ang PrusisyonAng nakakatulig na paputok at sunod-sunod na
pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon.Ang mga binata
na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol.Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral
ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa
bahay ng kapitan.
 33. Kabanata XXXIX Si Donya Consolacion Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni
Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at
paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang
lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito.
Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili
ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.
 34. Kabanata XL Ang Karapatan at LakasMag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang
sindihan ang mga kuwitis.Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay
naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad
patungo sa liwasang bayan.Tapos na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si
Ibarra.Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra.Malugod na binati niya
ang kasintahan at ang mga kasama nito.
 35. Kabanata XLI Dalawang DalawaDahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra,
kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo.Pamaya-maya pumasok ang
kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng
hindi man lamang lumilingon.Ang kanyang panauhin ay si Elias.
 36. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na
nilalagnat o may sakit si Maria Clara.Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat
nakatakda siyang magtungo sa Batangas.ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong
ipagbibilin sa kanya.Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
 37. Kabanata XLII Ang Mag-asawang De EspadañaDumating sa bahay ni Kapitan Tiago
sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging
kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si Donya Victorina na sa
biglang tingin ay napapagkamalang isang Orofea.
 38. Kabanata XLIII Mga Balak o Panukala Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi
ni Linares na siya ay inaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang
sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho
at mapapangasawa. Ayon kay Damasao madali niyang maihanap ng trabaho ang binata
sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-
aasawa, sinabi ni Damaso na kakausapin nila si Tiyago.
 39. Kabanata XLIV Pagsusuri sa Budhi Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal.
Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang
inang hindi man lamang nakikilala. Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga
kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na
ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria. Takang-taka
naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa
kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.
 40. Kabanata XLV Ang mga Pinag-uusigIpinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya
ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-
aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming
kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral.Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias
sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa
heneral ang mga hinaing ng bayan.
 41. Kabanata XLVI Ang SabunganKatulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may
sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at
Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing
pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa
mga pumupusta.
 42. Kabanata XLVII Ang Dalawang Senyora Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan
Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang
malasin ang bahay ng mga Indio. Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng
alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong matalim. Tiningnan ng alperes
ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang
alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo… Binanggit ng Donya ang pagiging labandera
ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at
mapagpanggap na asawa ng Donya.
 43. Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya
Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina.Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa,
dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio.Ang pangyayari ay sinaksihan ng
maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.
 44. Kabanata XLVIII Ang TalinhagaSinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang
hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang
bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na
bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay
ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip.
 45. Kabanata XLIX Ang Tinig ng mga Pinag-uusigNang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias,
waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa
pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad
kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng
puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala.
 46. Kabanata L Ang mga Kaanak ni EliasIsinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay
Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad.May 60 taon na
ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng
kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.
 47. Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya.Isinakdal ang
kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa
abogado, siya ay nahatulan.Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at
pinapalo sa bawat panulukan ng daan.
 48.  Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa
masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng
kanyang nuno, silang mag- anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit
hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping
pagdurusang kanilang natanggap.
 49. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng
mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi
itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon.gayunman,
pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
 50. Kabanata LI Mga PagbabagoHindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng
liham mula kay Donya Victorina.Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang
Donya.Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na
maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.
 51. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad
lamang na makapagsamantala.Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.
 52. Kabanata LII Ang Baraha ng Patay at ang mga AninoMadilim ang gabi at malamig ang
ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo
sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan.
Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong
kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang
anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang
kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa
kura.
 53. Kabanata LIII Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga Kinabukasan ng umaga,
kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa
paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang
kandila na sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na
malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa
kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
 54. Kabanata LIV Lahat ng Lihim ayNabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng
ParusaTinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan.Sa mga kasulatan,
nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano
ang relasyon nito sa kanya.
 55. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang
nuno na ipinaikli lamang ang apilyido.Isa pa, ito ay isang Baskongado.Natagpuan na ng
piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.
 56. Kabanata LV Ang PagkakaguloOras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala
siyang ganang kumain. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng
gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo,
napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang
gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal.
 57. Kabanata LVI Ang mga Sabi at Kuro-kuro Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng
takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa
gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang
naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin.
 58. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng bintana. Ang mga
magkakapit-bahay ay nagbalitaan.Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad
noong mandambong si Balat.Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang
sumalakay. .
 59. Kabanata LVII Vae Victus! Sa Aba ng Mga ManlulupigTarsilo Alasigan ang tunay na
pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob.
Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang
ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes
na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling.
 60. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni
Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik
kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na
paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito
 61. Kabanata LVIII Ang SinumpaTuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag- iikalawa ng
hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng
mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.
 62. Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon,
mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao,
biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali.
Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.
 63. Kabanata LIX Pag-ibig sa BayanAng ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay
nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa
kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. Sa ibang kumbento naman ay iba
ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na
nagiging pilibustero.
 64. Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga
asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa
naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay
Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na
talagang walang utang na loob ang mga indio kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na
tao.
 65. Kabanata LX Ikakasal na si Maria ClaraDumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang
mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni
Donya Virtorina ang usapan.
 66. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero.
Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang
usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares.
 67. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano
ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido
na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini- kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa
palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
 68. Kabanata LXI Ang Barilan sa LawaHabang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya
kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra
na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang
may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa.
 69. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa
Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na
lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid.
Pero, tumanggi si Elias.
 70. Kabanata LXII Ang Pagtatapat ni Padre DamasoHindi napansin ni Maria ang maraming
regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong
nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni
Maria ang dyaryo.
 71. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang
kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni
Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan.
 72. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito
ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang
kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa
kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.
 73. Kabanata LXIII Ang Noche BuenaNoche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay
nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng
nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong
bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan
ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang
sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero hindi
naman nananakit ng kapwa.
 74. Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika
niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina,
umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na
papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot.
Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.
 75. Kabanata LXIV KatapusanMagmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si
Padre Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa kabilang dako,
si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa
kumbento ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara.
 76. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo
naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-
saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng
tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na
umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa.

You might also like