You are on page 1of 2

Ang Popplet Bilang Kagamitang Pampagtuturo-Pampagkatuto

Ni Jay Ann Dalig

Ang henerasyon natin ngayon ay kilala sa katawagang “digital natives” alinsunod sa pag-usbong
ng mga makabagong teknolohiya–mga teknolohiyang kaakibat na at kaagapay sa buhay ng tao, sa kanyang
pang-araw-araw na gawain at sa iba pang aspeto o larangan ng pamumuhay lalo na sa edukasyon. Kunin
nating halimbawa ang popplet, isang makabagong hatid ng teknolohiya bilang kagamitang pampagtuturo-
pampagkatuto.

Ayon kay Abad (1996), ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng
guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-
unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang maging kongkreto, tunay, daynamik at ganap ang
pagkatuto. Alinsunod sa ideyang ito, ang popplet ay isang napakaganda at napakamabisang kagamitan sa
prosesong pagtuturo-pagkatuto. Sa pamamagitan nito, nalilinang ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral,
napapadali ang paraan ng pagtuturo’t pagkatuto at nagsisilbing daan tungo mas malawakang kaalaman
at pagtuturuan.

Ang popplet ay nakalilinang ng pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng mga grapiko, ang gumagamit


ay kinakailangang makapag-isip ng mabisang paraan upang magawan ng isang maayos na presentasyon
ang mga ideyang nakalagak sa kanyang isipan. Sa ganitong paraan, siya ay natuto sa pagiging organisado
at sistematiko. Karagdagan, ang popplet ay isang instrumento na nakapagpapadali sa paraan ng pagtuturo
at pagkatuto. Dahil dito, nagagawang iprisinta ng guro ang isang aralin sa paraang mas maikli ngunit
malaman at sa paraang alam niyang mas makatutugon sa paraan at antas ng lebel ng pagkatuto ng
kaniyang mag-aaral. Sa paraang ito, napapaangat ang ugnayang guro-mag-aaral dahil nagkakaroon ng
lakas-loob ang bawat isa upang makibahagi sa talakayan. Kung magkaganoon, ang isang pagtuturuan ay
talagang napapadali at tiyak na nagiging makabuluhan. Bukod sa mga yaon ay maaari pang
makipagkolaborasyon sa iba base sa sariling presentasyon o mula sa presentasyon ng ibang gumagamit
upang makakalap at makipagbahaginan ng impormasyon, kung kaya’t sa pangkalahatan, ang popplet ay
nagsisilbing daan tungo mas malawakang kaalaman at pagtuturuan.

Subalit, sa kabila nga ng pagdagsa ng mga makabagong teknolohiyang ito bilang kagamitang
pampagtuturo-pampagkatuto, hindi pa rin maipagkakaila na ang guro ang pinakamainam sa lahat. Ang
pagtuturo ay isang kumplikado, sistematiko at mahirap na gawaing nangangailangan ng matinding
pagpaplano upang maging kapaki-pakinabang. Kinakailangan nito ang dedikasyon at pagiging malikhain
ng isang guro lalong-lalo na nga sa panahon ngayon na kung saan ay laganap na ang mga teknolohiya. Ang
mga pagbabagong ito ay kailangang sabayan ng isang guro upang maging angkop at angkla ang paraan ng
kanyang pagtuturo tungo sa paraan at antas ng pagkatuto ng kanyang mag-aaral. Ayon nga kay John
Dewey, “If we teach today as we taught yesterday we rob our children of tomorrow”.

Kung gayon, ang guro ay maihahalintulad sa isang kandila. Ayon nga sa isang kasabihan, “A teacher
is like a candle that consumes itself to give light for others”. Kung ang mga teknolohiya, halimbawa na nga
ang popplet, ay maituturing na instrumento sa prosesong pagtuturo-pagkatuto, ang guro naman ang
siyang tanglaw ng mga mag-aaral–tanglaw na nagsisilbing gabay nila tungo sa tuwid na landas ng
tagumpay.
Sanggunian:
Filipino LET Reviewer of Philippine Normal University
http://josecaminotabafa.blogspot.com/2017/09/angpagtuturo-ay-isang-kumplikado.html

You might also like