You are on page 1of 1

MANILA, Philippines - Muling nagtaas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang "Big

Three" ngayong Martes.

Kaninang ala-6 ng umaga ipinatupad ng Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron


Philippines (dating Caltex) ang dagdag na 45 sentimo kada litro sa gasolina at 90 sentimo kada
litro sa diesel at kerosene.

Hindi pa naman nagpapahayag ang iba pang kompanya ng langis kung susunod ang mga ito sa
panibagong oil price hike.

Ang panibagong pagtataas ng produktong petrolyo ay base umano sa presyuhan ng langis sa


pandaigdigang merkado at sa foreign exchange rate.

Ito na ang pampitong sunod na linggo na nagtaas ng presyo ng petrolyo mula noong Mayo.

Noong nakaraang linggo ay nagtaas na rin ang mga kompanya ng langis ng P1.45 kada litro sa
diesel, P1.05 at P1.30 kada litro sa gasolina at kerosene.

You might also like