You are on page 1of 2

H-Bomb Test ng Nokor Tagumpay (Internasyonal)

Tagumpay ang ginawang hydrogen bomb test ng North Korea na gagamitin sa kanilang
newly developed intercontinental ballistic missle na sinasabing mas matindi ang idudulot na
pinsala kung ikukumpara sa mga dati nilang nuclear tests.
Ang hydrogen bomb test na inutos ni NoKor leader Kim Jong-un ay itinuring na ‘perfect
success’ na isang makabuluhang hakbang para makumpleto ang nuclear weapon program ng
kanilang bansa.
Ang announcement sa hydrogen bomb test ay inanunsiyo matapos ang malakas na lindol
na sinasabing man-made sa lugar kung saan isinagawa ang pang-anim na nuclear test.
Mahigpit na kinondena ng China’s Foreign Ministry ang nasabing H-bomb test ng NoKor.
“We strongly urge the DPRK side to face up to the firm will of the international community on
the denuclearization of the peninsula, abide by relevant resolutions of the UN Security Council,
stop taking wrong actions that exacerbate the situation and are not in its own interest, and return
to the track of resolving the issue through dialogue,” ayon sa statemeny ng China.
Ang H-bomb test ay isinagawa habang nagsasalita si Chinese President Xi Jinping bilang
host sa mga kinatawan ng BRICS nations na kinabibilangan ng Brazil, Russia, India, China at South
Africa.

Kaso ng HIV-AIDS sa bansa, patuloy na dumarami: DOH(Kalusugan)


Patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga kaso ng HIV-AIDS sa bansa, ayon sa
Department of Health.Sa pinakahuling datos ng DOH ngayong Hunyo 2017, naitala ang 1,013 na
bagong kaso ng HIV-AIDS.Sa higit isang libong kaso, 969 ang nakakuha ng sakit dahil sa sexual
contact. Walumpung porsiyento rito ay lalaki sa lalaki. Naitatala rin ang 30 bagong kaso ng HIV-
AIDS kada araw mula noong Hunyo.
Paliwanag ni Health Secretary Paulyn Ubial, maituturing na risk factor ng HIV ang
pakikipagtalik lalo na kung maraming sexual partner ang isang tao.Dahil dito, patuloy ang pag-
eengganyo ng DOH na magpa-test na ang mga may tsansang magkaroon nito.Matapos magpa-
test, siguraduhin ding anila na sumailalim sa treatment o gamutan.
Ayon kay Ubial, nasa 35 porsiyento lang ng mga nagpapasuri sa sakit ang tumutuloy sa
gamutan.May mga libreng gamot naman na ibinibigay ang DOH at mga pribadong grupo na
handang tumulong.Bukod sa mga ospital at hygiene clinic ng DOH na may HIV testing, mas
nagiging agresibo na rin ang iba't ibang AIDS awareness group sa pagbibigay ng impormasyon at
mga screening. Nagsasagawa na ang ilan ng community-based screenings at counseling.Libre ang
pagpapakonsulta at screening sa mga hygiene clinic at non-governmental organizations tulad ng
The Project Red Ribbon.
Bentahan ng manok sa Pampanga, lumalakas na(Kabuhayan)
Bumabalik na ang sigla ng bentahan ng manok dito sa bayan, isang linggo matapos ianunsiyo ng
gobyerno na nadispatsa na lahat ng mga manok na naapektuhan ng bird flu.
Ayon kay Lovely Nicdao, tindera sa pampublikong pamilihan, nakakabenta na siya ng halos 20
kilo ng manok sa halagang P110 kada kilo kada araw.
Dito sa bayan unang nagdeklara ng bird flu outbreak noong nakaraang buwan.
"Hindi na sila natatakot sa bird flu," ani Nicdao.
Dagdag niya, halos 2 linggo ring huminto sa pagtitinda ng manok ang ilang tindera dito sa bayan
matapos kumpirmahin ng gobyerno na mayroon H5N6 bird flu strain sa ilang manukan. Ayon sa
mga nagtitinda, malaking tulong ang pagkain ng manok ni Pangulong Rodrigo Duterte para
makumbinsi ang mga tao na ligtas ang pagkain ng manok.
Nanguna ang Pangulo, kasama ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo at ilan pang opisyal, sa isang
boodle fight sa San Fernando, Pampanga noong Aug. 28, kung saan kumain sila ng chicken
barbecue, pritong manok, pritong itik, itlog at balut.
Ayon sa Department of Agriculture, pinapayagan nang magbenta ng manok at iba pang poultry
products dito basta kumpleto ang mga dokumento tulad ng shipping permit at veterinary health
certificate.Hindi bababa sa 600,000 na manok, itik, pugo, at ibang klase ng ibon ang kinatay noong
nakaraang buwan sa Pampanga at Nueva Ecija matapos ang paglaganap ng bird flu sa ilang bayan.
Bagamat naipapasa sa tao ang H5N6 virus na natagpuan sa Pampanga, wala pang naitatalang
kaso ng Pilipinong nagkaroon ng naturang sakit.

UE tinaniman ng Granada(Pambansa)
Nabalot ng tensyon ang paligid ng University of the East (UE) matapos makita ang isang
granadang nakabalot sa asul na electrical tape kahapon ng umaga sa Claro M. Recto, Maynila.
Nabatid kay Manila Police District-Explosive and Ordinance Division (MPD-EOD) Sr. Insp. Arnold
Santos, alas-5:45 ng umaga nang makita ng isang streetsweeper ang kahina-hinalang bagay sa
labas ng gate ng UE. Ipinagbigay-alam naman ng streetsweeper sa guwardiya ng nasabing
unibersidad na agad din itinawag sa tanggapan ng MPD-EOD.
Isinara ng rumespondeng MPD-EOD unit ang parte ng Recto Avenue—Mendiola Bridge hanggang
Loyola Street habang iniinspeksyon ng mga tauhan nito ang nasabing bagay at nakumpirmang isa
itong ‘MK2 hand grenade’.
Sinabi naman ni Santos na walang kakayahang sumabog ang granada dahil bukod sa wala itong
‘detonator’ ay nakabalot pa ito sa tape at hindi pa natatanggal ang ‘safety pin’.Nakikipagtulungan
ang mga awtoridad sa administrasyon ng UE upang makakuha ng closed circuit television (CCTV)
footage sa lugar upang matukoy kung sino ang `nagtanim’ ng granada.

You might also like