You are on page 1of 3

LOKAL

Nagbigay na naman ng libreng sakay ang tricycle driver at pastor sa Koronadal na si Dante Letimas
ngayong araw.

Maaalala na si Letimas ay ang driver din na nagtrending noong Disyembre 2017 na nagbigay ng free ride
sa mga pasahero na tatlong taon na nitong ginagawa bilang regalo at pagpapasalamat taon-taon.

Napag-alaman na ika-44 kaarawan ni Letimas ngayong araw.

Sinabi nito sa Radyo Bida Koronadal na ito ang unang pagkakataon na magbibigay siya ng free ride sa
kanyang kaarawan.

Binigyang-diin nito na libre ang sakay sa kanyang tricycle kahit saan dito lamang sa lungsod.

//

Nagpapagaling ngayon ang isang construction worker sa South Cotabato Provincial Hospital matapos na
maagawan ng motor at pinagbabaril ng mga suspek alas 7:00 ng gabi sa Polomolok,South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Ryan Codiale,24 anyos,residente ng Barangay Palkan,Tupi,South Cotabato.

Ayon kay Benjie Codiale,kapatid ng biktima,bumili lamang di umano ng ulam ang kapatid nito sa isang
tindahan sa harapan ng Dolores resort kasama ang dalawa nitong pinsan sakay ng isang XRM 125
motorcycle.

Ngunit nang papauwi na ang mga ito,biglang umanong lumapit ang dalawang lalaki na naka face mask at
tinutokan sila ng baril.

Agad umanong nakababa at nakatakbo ang dalawang pinsan na sakay nito at ang biktima ang naiwan.

Habang pilit na inaagaw umano ng mga suspek ang motor hindi umano pumayag ang biktima dahilan na
binaril ito ng mga suspek sa mukha .

Agad naman tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon sakay ng motor ng biktima.

NATIONAL

Ikinatuwa ng mga kongresista ang pagtatatag ni Pangulong Rodrigo


Duterte ng 19-member consultative committee na siyang magre-
review ng 1987 Constitution.

Ayon kay House Constitutional Amendments Committee chairman


Roger Mercado, welcome para sa Kamara ang development na ito sa
gitna ng mga talakayan para sa charter change (Cha-Cha) sa
pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ng kongresista na makakatulong ang Presidential Consultative
Commission sa Kongreso sa pamamagitan ng mga inputs ng mga ito
sa aniya’y makasaysayang pagbalangkas ng panibagong
konstitusyon ng bansa.

Para naman kay Deputy Minority Leader at ABS Party-list Rep.


Eugene De Vera, “welcome participation” ito mula sa aniya’y mga
kapita-pitagang indibidwal.

INTERNATIONAL

Kinitil ng sunog sa isang pagamutan sa South Korea ang buhay ng


31 katao at ikinasugat naman ng mahigit 50.

Ayon kay Choi Man-woo, pinuno ng fire station sa lungsod ng


Miryang, nagsimula umano ang apoy sa likuran ng emergency room
sa unang palapag ng Sejong Hospital

Napatay naman aniya ang apoy matapos ang ilang oras.

Sa ngayon, nagpapatuloy umano ang pag-evacuate sa 200 katao


mula sa main hospital building at sa nursing home na nasa likod ng
pagamutan.

Bar.inabantayan naman ayon kay Choi ang 10 katao na kritikal ang


kondisyon, maging ang 35 na slightly injured.

Batay sa ulat, dinala rin ang ibang mga sugatan sa apat na


malalapit na ospital sa lugar.

SHOWBIZ

Inakusahan ng dating model ang illusionist/ magician na si David


Copperfield ng panggagahasa.

Ayon kay Britnney Lewis, naganap ang insidente noong 1988 kung
saan edad 17 pa lamang ito habang 32-anyos naman noon si
Copperfield.
Nagkakilala ang dalawa ng maging isang judge ang magician sa
sinalihan ng biktima na isang model competition.

Naganap ang panggagahasa sa bahay ni Copperfield sa California.

Mariing pinabulaanan naman ng panig ng 61-anyos na magician at


sinabi ng kaniyang tagapagasalita na si Staci Wolfe na imbento
lamang ang naturang alegasyon.

SPORTS

Handang-handa na ang mga koponan ng 2018 NBA All-Star Captains


na sina LeBron James at si Stephen Curry matapos nilang ibunyag
ang kanilang mga line-up.

Sa panig ng Team LeBron, bibida sa starters ang dating teammate


na si Kyrie Irving; karibal na si Kevin Durant, at ang New Orleans
Pelicans duo na sina Anthony Davis at DeMarcus Cousins.

Bubuuin naman nina Kevin Love ng Cavs; John Wall at Bradley Beal
ng Washington Wizards; LaMarcus Aldridge ng Spurs; Kristaps
Porzingis ng Knicks; Russell Westbrook ng Thunder at Victor Oladipo
ng Pacers ang roster ng reserves.

Habang sa kampo naman ng Team Curry, pangungunahan nina


Giannis Antetokounmpo ng Bucks; Joel Embiid ng Sixers; Rockets’
guard James Harden at ni DeMar DeRozan ng Raptors ang starters.

You might also like