You are on page 1of 7

Ako si Lucia. Isang normal na babae sa mata ng nakararami.

Pero hindi nila alam ang


tunay kong kakayahan. Nakakakita ako ng mga ligaw na kaluluwa na hindi nakikita ng
normal na mga tao.

" Tulong... Tulong... maawa ka. Kailangan kita. "

" Lucia... Lucia ..."

Ang kuwentong kababalaghan na ipinagpapasa-pasahan at hindi pinaniniwalaan ay aking


nasaksihan. Kapag ako ay tumatawid, marami akong nakasasabayan. Sa mata nila,
normal lang ang lahat pero sa aking nakikita, maraming dugo, may mga humihingi ng
tulong, ang iba ay malungkot, may poot at galit ang kanilang mga mukha. May ibang
umiiyak at naguguluhan. Gusto kong sumigaw ng tama na dahil kailanman ay hindi ko
ito ginusto pero hindi ko magawa dahil namulat na lang ako, isang araw na may
kakayahang ganito.

* Bell rings* (Lunch break)

" Lucia... Lucia...", tawag ng isang kaklase ko. Napalingon ako at nakita ko si
Tiloy na naglahad ng isang pack lunch na may kasamang coke in can habang ang isang
kamay ay nagkakamot sa batok.

" Ah sa'yo na 'yan. Tanggapin mo na. Sayang ang pera, libre ko pa naman. Gusto ko
kasing makipagkaibigan.", naghihiyang sabi niya. Tiningnan ko siya mula ulo
hanggang paa.

" Hindi ko kailangan ng kaibigan.", sabi ko at naglakad palayo ngunit hinabol


niya ako.

" Pakiusap, kahit itong pagkain lang ang tanggapin mo.", sabi niya at inilagay sa
mga kamay ko ang mga pagkain. Nahihiyang nginitian niya ako.

" Huwag kang mag-alala. Hindi kita madadaliin. Kung iniisip mong may gusto ako
sa'yo, tama ka. May gusto nga ako sa'yo pero bilang kaibigan lang.", sabi niya bago
mabilis na naglakad paalis bago pa man ako makaprotesta.

Gusto ko. Gustong makipagkaibigan pero hindi pwede. Isinumpa ako. Lahat ng mga
taong napapapalapit sa akin ay namamatay. Si mama, papa, ang mga kaibigan ko noon.
Mas mabuti pang sarilinin ko itong lahat kaysa may namamatay nang dahil sa akin.

Pagkatapos kong maglunch ay bumalik na ako sa aming silid-aralan. Nakita ko na


naman si Tiloy na masayang nakaupo at pasulyap-sulyap sa akin.

" Kumusta Lucia? Masarap ba? Paensya na, hindi ko kasi alam ang paborito mo.", sabi
niya ngunit hindi ko siya pinansin.

" 'Di ba le, alam ko namang nasarapan ka. Naniniwala kasi akong lahat masarap basta
libre.", dagdag niya pa. Kinakausap niya ako pero ako'y nanatiling tahimik hanggang
sa dumating ang aming propesor namin sa Math at may ipinagawang pairwork.

" Lucia, magkapares na tayo ha!", sabi niya at tumango lang ako. Sa pasulit na
aming ginawa ay kadalasan ako lang ang sumasagot. Pagkatapos ay ipinasa ko na ito
sa aming propesor. Nagliligpit na ako ng aking gamit ng bigla niya akong kinalabit.

" Ah Lucia, pwede mo ba akong turuan kong paano mo iyon sinagot.", nahihiyang ani
niya na nagpangiti sa akin.

" Sige!", sabi ko sa kaniya.


" T-talaga?", hindi makapaniwalang turan niya. Nginisihan ko lang siya. Hindi naman
ako nakikipagkaibigan sa kaniya, tuturuan ko lang siya.

Inubos namin ang oras sa loob ng silid-aklatan para turuan siya sa ginawang
pasulit namin kanina. Makulit siya at madaldal ngunit mabilis matuto. Pagkatapos
naming mag-aral ay hinatid niya ako sa bahay namin. Noong una'y tinanggihan ko siya
ngunit kalaunan ay walang magawa dahil pinipilit niya ako bilang pasasalamat niya
daw.

" Salamat sa araw na ito Lucia. Sige, paalam na't uuwi na ako.", paalam niya.
Tinanguan ko lang siya bilang tugon. Tinanaw ko ang kaniyang sasakyan na paalis at
tatalikod na sana ngunit nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa nakita. Nanlaki
ang mata ko sa bilis ng pangyayari. Nakita ko ang pagtilapon ng katawan ni Tiloy
palabas ng sasakyan dahil sa lakas ng salpukan. Nanginginig man ay mabilis kong
tinakbo ang distansya sa pagitan namin. Kinakabahan ako. Nakita ko ang buong
pangyayari. Bakit ko hinayaang mangyari ito?

Malayo na ngunit nakita ko, kitang-kita ko. May babae. Hinarangan ng babae ang
kaniyang sasakyan dahilan kung bakit napaliko ito at bumangga sa isang delivery
truck. Isang babaeng may itim at mahabang buhok na nakasuot ng itim na damit na may
mapusyaw na balat. Siya 'yong babaeng pumatay sa nanay, tatay, mga kaibigan ko at
ang ibang taong napalapit na rin sa akin. Siya 'yong babaeng sumumpa sa akin. Paano
ko siya patitigilin kung siya mismo na nagsumpa sa akin ay patay na rin?

Ang bangkay ni Tiloy ay napapalibutan na ng mga tao. Nakipagsiksikan ako at


nasaksihan ko kung paanong lumayo ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan.
Nanikip ang aking dibdib sa nakita. Nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha kaya
ako'y mabilis na tumakbo pabalik sa aking bahay.

May bagong taong binawian na naman ng buhay nang dahil sa akin. Sa tahimik kung
silid ay doon ko ibinuhos lahat ng aking nararamdaman.

Nagpatuloy ang mga araw na tila walang Tiloy na namatay. Pauwi na ako galing
skwelahan at medyo nagabihan. Habang ako'y naglalakad sa tahimik na eskinita ay
napansin kong may sumusunod sa akin. Minadali ko ang aking paglalakad hanggang sa
ako'y napatakbo na. Nang tatawid na sana ako sa kabilang kalye, ay may biglang
humila sa akin. Napalingon ako at doon ko nakita si Carlos, ang aking kaibigan at
kasintahan bago pa man mangyari ang lahat ng 'to.

" Carlos, anong ginagawa mo dito?"

" Matagal na kitang hinayaan sa bawat desisyon mo Lucia. Paumanhin at hindi ko


kayang malayo sa'yo kahit anong tulak mo sa akin sapagkat alam kong isa sa mga araw
na ito ay maaari kang bawiin mula sa akin. Mag-iisang taon na magmula nung mangyari
ang aksidente. Anong plano mo?", sabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko
siya inaya papasok sa bahay namin..

" Sa loob na tayo mag-usap.", sabi ko. Tumango siya at hinila ang isang maleta na
dala niya.

" Para saan 'yan?", tanong ko sabay turo sa maleta na dala-dala niya.

" Sasamahhan kita. Dito na muna ako matutulog sa bahay ninyo.", sabi niya bago
nagpaunang pumasok sa bahay ko.

" Anong gusto mong inumin?"

" Tubig na lang.", sagot niya.


" So, bakit ka naparito?", panimulang tanong ko.

" Sinabi ko na Lucia. Sasamahan kita�"

" Ngunit tumagal ako ng isang taon na hindi ka kasama Carlos. Huwag mong gawing
malaking bagay ito."

" Iba 'to sa noon Lucia. Buhay mo ang nakasalalay dito. Mag-iisang taon na magmula
nung nangyari ang aksidente at babalikan ka niya. Hindi 'to matapos-tapos hangga't
wala kang gagawin.", sabi niya bago marahang hinawakan ang aking pisngi at
bahagyang pinisil ang aking kamay.

" Pakiusap, Lucia. Hayaan mo akong tulungan ka. Hindi ako mapakali kapag hindi ko
nasisiguradong ligtas ka.", marahang sabi niya at doon na ako nagsimulang umiyak at
niyakap siya.

" Hindi ko kasi maintindihan Carlos. Ako naman kasi ang may kasalanan, bakit iba
'yong nagdudusa. Bakit hindi na lang ako ang pinatay? Bakit 'yong mga taong walang
ibang ginawa kung hindi maging mabuti sa akin ang kailangang magbayad? Ang sakit-
sakit na nakikita ko kung paano humiwalay ang kanilang kaluluwa mula sa kanilang
katawan."

" Tahan na, Lucia. May sasabihin sana ako sa'yo."

" Ano?"

" Isang linggo lang ako pwede dito. Hindi ako pwede magtagal kaya bukas ay
kailangan nating puntahan ang lumang bahay ng lola mo kung saan nakalibing is
Emelda."

" Sige."

" Kilala mo ba si Tiloy?", tanong niya.

" Si Tiloy ay namatay kamakailan lang dahil sinubukan niya makipaglapit sa akin.",
mahinang sagot ko. Tumatango-tango siya at sinabing " Tulad ng inaasahan..."

" Bakit? Anong ibig mong sabihin?"

" Si Tiloy ay ang pamangking lalaki ni Tuloy. Nakausap ko si Tuloy sa bilangguan at


sinabi niyang inutusan niya si Tiloy na makipagkaibigan sa iyo at si Tiloy na ang
hihingi na paumanhin sa kasalanang ginawa niya habang siya ay lulong sa droga."

" Ngunit bakit si Tiloy ang nagbabayad ng kasalanan niya? Inosente siya at hindi
siya ang karapat-dapat na magdusa. Naaawa ako sa kaniya, Carlos. Ang aga niyang
namatay."

" Ganiyan talaga ang buhay Lucia. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay kaya
kailangang sulitin natin ang oras ng ating buhay. Dapat hindi natin ito sayangin
kaya habang may oras ka pa, at may magagawa pa, gawin mo na bago mahuli ang lahat."

" Tama ka, bago mahuli ang lahat."

Sa gabing iyon ay inimpake ko na ang aking mga gamit dahil sa susunod na araw ay
ang araw ng pagkamatay ni Emelda.

Alas syete pa lang ng umaga ay tumulak na kami at sumakay ng taksikab. Tahimik lang
kaming dalawa ni Carlos hanggang sa ako'y makatulog.
Nagising na lang ako na nasa tapat na kami ng lumang bahay ni Lola. Nasa bukana ng
pintuan si Lola na ngiting-ngiti pagkakita sa amin. Si lola, kahit matanda na ay
sobrang lakas pa rin. Tinakbo niya ang distansya namin at paulit-ulit akong
hinalikan sa pisngi.

" Magandang tanghali lola.", sabay na bati namin ni Carlos saka bago nagmano.

" Magandang tanghali rin mga apo. Hali na kayo't pumasok na dito at kami'y
nagkaroon ng simpleng handaan dahil umasenso ang tiyuhin mo. Umangat ang kaniyang
pwesto sa mas mataas na ranggo sa opisina.", sabi ni Lola at iginiya kami sa
simpleng handaan. Binati namin ang aking tiyuhin at ang kaniyang mga kasama. Sila
ay nag-iinuman, tangaling tapat. Pero hayaan na, minsan lang nagkakasiyahan.

" Pasensya na lola at hindi makakapunta sina mama at papa dahil sa trabaho. Babawi
na lang daw sila sa susunod."

" Sus. Okay lang 'yon apo, walang problema.", sabi niya.

Natapos ang kasiyahan alas diyes ng gabi at ang ibang bisita ay umuwi na maliban
sa isa na sobrang lasing na talaga at pinatulog na lang sa silid pambisita. Ang
aking tiyuhin naman ay umuwi na at galit na galit na daw ang aking tiyahin. Bumaba
ako ng aking silid para makainom ng tubig. Nakita ko doon ang katrabaho ng aking
tiyuhin na kumukuha run ng tubig.

" Magandang umaga po.", bati ko sa kaniya dahil ala una y medya na. Tiningnan niya
ako mula ulo hanggang paa saka binagsak ang baso. Pagewang-gewang siyang lumapit sa
akin at tinulak niya ako sa kitchen counter. Nasagi ko ang isang baso dahilan kung
bakit nabasag ito at gumawa ng ingay. Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kaniyang
mga mata. Hinalik-halikan niya ang aking leeg bago pinunit ang aking damit.
Napasigaw ako at tinulak-tulak ko siya pero sa lakas niya'y halos hindi ko man lang
siya nagalaw.

" Pakiusap, huwag po.", iyak ko at sinuntok suntok siya. Nakarinig ako ng mga yapak
pababa at nakita ko si Carlos at lola na pababa ng hagdanan. Tumatawag si Lola ng
pulis habang si Carlos naman ay walang pag-aalinlangang sinugod at sinuntok ang
katrabaho ng aking tiyuhin.

" Tuloy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa apo ko?", sigaw ni Lola sa lalaking
nagngangalang Tuloy habang yakap-yakap ako. Patuloy na pinauulanan ng suntok ni
Carlos si Tuloy. Sapagkat sobrang lasing ay hindi na nanlaban si Tuloy hanggang sa
makarating ang mga pulis,

" Pasensya na po Donya Conchita. Hindi ko po sinasadya ang ginawa ko sa apo ninyo.
Lasing po ako nun at wala sa sarili. Tatanggapin ko po kung magsasampa kayo ng kaso
laban sa akin.

" Dalhin niyo na 'yan at magsasampa ako ng kaso.", utos ni lola sa mga pulis.

Dmaan ang limang araw at ang kaso ay patuloy paring pinoproseso. Nanatili muna kami
ni Carlos sa bahay ni Lola para sa hearing.

" Donya Conchita at Senorita Lucia, may naghahanap po sa inyong isang babae, asawa
daw ni Tuloy.", tawag ng isang kasambahay.

" Sige papasukin mo doon sa silid-aklatan. Doon kami maghihintay ng apo ko.", utos
ni Lola. Sabay kaming umakyat ni Lola kasama si Carlos. Nang makapasok na ang babae
ay lumuluha itong lumuhod sa harapan namin.

" Humihingi po ako ng tawad sa ginawa ng asawa ko. Nakikiusap po ako, iurong niyo
na po ang kaso. Buntis po ako at kailangan na kailangan namin ng pera ni Tuloy para
sa panganay namin dahil wala akong trabaho. Ayaw ko rin pong lumaking walang tatay
ang anak ko. Pakiusap po Donya Conchita, Senorita Lucia, iurong niyo na po ang
kaso.", paulit-ulit na ani ng babae ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ni
Lola.

" Ikinalulungkot ko Misis ngunit hindi ko iyon magagawa. Kailangang pagbayaran ng


asawa mo ang ginawa niya sa apo ko. Kahit nagawa iyon ng asawa mo sa apo ko, alam
kong mabuting tao si Tuloy sapagkat buong puso niyang tinanggap ang kaniyang
parusa. Huwag kang mag-alala. Tutulungan ka namin buhayin ang anak mo.", marahang
sabi ni Lola. Dumaan ang pamilyar na emosyon sa mga mata ng Ginang, ang galit.
Marahas na tumayo ang Ginang at tinulak si Lola.

" Ayoko! Hindi lang pera ang kailangan ng anak ko. Kailangan niya rin ng suporta at
gabay ng isang ama.", sigaw ng Ginang sa nanlilisik na mga mata. Napailing lang
aking Lola.

" Kung ayaw niya sa pakiusapan, pwes dadainin na lang natin sa santong paspasan.",
sabi niya at naglabas ng kutsilyo. Naalerto agad si Carlos sa tabi ko ngunit si
Lola ay nanatiling kalmado.

" Misis, pag-usapan natin 'to. Buntis ka, bawal sa'yo ang sobra-sobrang emosyon.",
mahinahong sabi ni Lola.

" Pasensya na Donya Conchita pero sakit ko na 'to. Isa akong bipolar. Ngayon ay
hindi ko na mapigilan ang emosyon ko't sobra-sobra na talaga ang galit ko. Dagdag
pang hindi ko na naiinom ang mga gamot ko dahil sa aking pagbubuntis.", pangisi-
ngising sabi niya bago sumugod kay Lola at inumang sa kaniya ang kutsilyo. Hinila
naman ako ni Carlos patago sa kaniyang likod.

" Carlos bantayan mo si Lucia. Diyan ka lang sa tabi niya't ako na ang bahala
dito.", sabi ni Lola at ngumiti sa akin. Alam kong malakas si Lola at talagang
magaling siya sa martial arts ngunit matanda pa rin siya.

Para akong nanaoonood ng isang pelikula dahil sa galing ni Lola sa pag-ilag ng


kutsilyo. Maingat ang mga tadyak at suntok ni Lola dahil buntis pa rin ang babae
ngunit nang nadaplisan si Lola ay wala na siyang ibang magawa kundi patumbahin ito.
Mahina lang ang pagkakabagsak nito pero sapat ng para mabitawan niya ang kutsilyo.
Niyuko ito ni Lola at kinausap.

" Gusto mo bang lumaking ganiyan ang anak mo? Hahayaan mo bang magkaroon siya ng
kriminal na mga magulang?", mahinahon ngunit may diing sabi ni Lola. Mas lalong
umalab ang galit sa mga mata ng babae at hindi namin napansin ang isa pang kutsilyo
na hwak niya sa kabilang kamay na ginamit niya pangsaksak ng dalawang beses kay
Lola. Napadaing si Lola sa sakit. Nagsimulang bumuhos ang akong luha at hindi namin
namalayan na sasaksakin na naman ng Ginang si Lola ngunit mabilis na inagaw ni Lola
ang kutsilyo at hindi niya napigilang saksakin ang babae ng dalawang beses. Mabilis
na napatayo si Lola at natulala.

" Hindi ko sinasadya. Apo... Nakita mo naman 'di ba? Depensa ko lang 'yon.",
natatarantang ani ni Lola bago mawalan ng malay.

Namatay si Emelda, ang ginang na asawa ni Tuloy at inilibing namin sa likod ng


bahay. Ang pagkamatay ni Emelda ay napagpasyahan kong manatiling lihim maliban sa
kaniyang mga kamag-anak. Binayaran ko ang lahat para manatili itong sikreto.
Natatakot akong makulong ang lola kong walang ibang ginawa kung hindi protektahan
ako. Simula noong araw na iyon, ay hindi na masyadong ngumingiti si Lola at tila
hirap na hirap na sa pagsasalita.
Nagising ako sa isang yugyog ng balikat at nakita ang driver ng taxi na
sinusubukang gisingin ako.

" Nandito na tayo sa hotel na tinutukoy mo miss.", naguguluhan may tumango na lang
ako at nagtatakang tiningnan si Carlos. Nagkbit-balikat lang siya.

" Ikaw na ang magbayad.", sabi niya.

Nang kukuha na sana ako ng bayad ay nakita ko sa aking palad ang sulat kamay ni
Carlos. " MMAD'z YU Hotel Manila." Napailing na lang ako.

Ibinigay ko kay manong ang bayad. " Keep the change po.", sabi ko. Nginitian naman
ako ng driver. " Ang bait mo naman hija kahit kakaiba ang mga kinikilos mo. mo."

Mabilis kaming pumasok sa loob ng hotel.

" Room for 1 ma'am? May mga rooms�", Napakunot-noo ako sa tinuran ng babae.

Binalingan ko si Carlos nang bigla siyang magsalita. " Isang room lang ang kunin
mo."

" Sige."

" Pumunta muna tayo sa kwarto at magpahinga. Babantayan kitang matulog bago pumunta
sa kainan ng MMAD'z YU Hotel para maghapunan. Kikitain natin ang aking tiyahing
espiritista."

Pagkahiga ko pa lang sa aming kama ay agad akong hinila ng antok.

Nagising ako sa mahihinang kaluskos mula sa banyo.

" Carlos?", tawag ko ngunit walang tumugon. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad
papalapit sa banyo.

Mabilis kong tinulak pabukas ang pintuan ng banyo at binuksan ang ilaw. Pumasok ako
sa loob at iginala ang aking paningin. Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.
Malakas na sumara ang pintuan sa aking likuran. Nagsimula na akong manginig.
Huminga ako ng malalim saka pumikit.

" Kalma lang Lucia. Imahinasyon mo lang 'yan." Ngunit sa pagdilat ng aking mga
mata, ay nilukob ako ng kaba sapagkat biglang namatay ang ilaw. Napasinghap ako
nang may naramdaman akong presensya sa aking likuran. Biglang umilaw at nakita ko
sa salamin ang pamilyar na likod ng babaeng naka itim na bestida. Tumigil ang aking
paghinga nang umikot paharap ang ulo ng babae at direktang tumitig sa kaniyang
mata.

" Anong kailangan mo? Bakit kailangan mo kong parusahan ng ganito?", naluluha at
nanginginig kong sabi.

" Anong kailangan kong gawin?"

Namatay ulit ang ilaw. Pumikit ako at tahimik na nagdasal nang may biglang kumatok
sa pintuan.
Pumasok na kami sa kainan ng MMAD'z Yu at nakita ko ang isang pigura ng isang
sopistikadang babaeng nakasuot ng itim na bestida.

Habang lumalapit kami ay biglang napatay ang mga ilaw na nagpakaba sa akin.

" Carlos?", tawag ko sa kaniya ngunit walang tumugon.

" Naka

You might also like