You are on page 1of 4

Pasko nanaman (aking ina’y nasaan)

Casting:

Luis as Christian Rovic Crisostomo Andrea as Shaina Paula Jose

Leona as Ana Patricia Sirot Riley as Ana Patricia Sirot

Raph as Clyde Angelo Abad Caller as Christian Rovic Crisostomo

1 MSC : INTRODUKSYON … tunog ng pinto

2 Luis : Mga anak, sampung araw nalang, pasko na. Pasensya na, di ko alam kung

3 makakuwi ang mama niyo. Hindi niya nasasagot mga texts at tawag ko eh. Busy ata.

4 Raph : Papa naman, uuwi yun si mama. Tiwala lang no.

5 Andrea : Raph, wag tayo pakasiguro kasi you know, mahirap umasa. Masasaktan ka lang.

6 Raph : Di ako umaasa unless di nagbigay ng motibo.

7 Andrea : Bakit, nagbigay ba ng motibo si mama? Diba hindi?

8 Raph : Hindi. Okay sorry na. Pero feeling ko di nanaman siya makakauwi parang last year lang.

9 Ang mahal diba ng tickets sa eroplano? At isa pa, US yun. Kaya mahal talaga.

10 Luis : Okay tama na hugot at debate. Tomguts na ko, Mag aalasiyete na.

11 MSC : PHONE RINGS, PLATES AND UTENSILS CREATE SOUNDS

12 Luis : Sino kaya to? Hmm. Hello?

13 Leona : Luis! Kamusta kayo diyan?

14 Luis : Wow Leona napatawag ka! Makakuwi ka ba ngayong pasko? Miss ka na namin.

15 Leona : Mahirap makauwi kasi lagi kaming nasa laot. Kaya nga seaman diba. Hmmm, more like

16 a seawoman. Pasensya na kung pati last year di ako nakauwi. Ang hirap kasi dito eh.

17 Isa pa, yung mga tickets, ay jusko ang mahal. Yung one-way ticket ko , pwede niyo nang

18 gawing one-way tuition. Malabo ako makauwi ngayon. Sorry. Bye na pala. Love you.

19 Luis : Di man lang ako nakasagot. Hay.

20 Raph : Pa! Ano sabi ni mama?

21 Andrea : Pa, ano sabi??

22 Luis : Alam niyo ba mga anak, mahal na mahal tayo ng mama niyo. Tas sabi niya, Malabo daw
23 na makauwi siya ngayong pasko.

24 Andrea : Oh diba, Raph, sabi sayo eh. Pero nasa puso naman natin si mama diba?

25 Tsaka andito naman tayo, nagdadamayan. Yung bahay natin,

26 Malaki nga, wala namang ilaw. Why oh why?

27 Luis : Ang ilaw natin, nasa ibang lugar para mailawan din ang nasa pinagtatrabahuhan niya.

28 Raph : Nako Andrea. Naghahanap ka pa ng ilaw, eh andaming bumbilya dun sa cabinet.

29 Andrea : Syempre di yung ganung ilaw. Juskolooord.

30 Raph : Alam ko! Nagjojoke lang naman ako ihh.

31 Luis : Hay nako, imbis na mapunta pa sa away yang daldalan niyom maghugas nalang kayo.

32 MSC : MALL SOUNDS

33 Luis : Ang saya talaga pag ala mong siyam na araw nalang pasko na, no?

34 Andrea : Oo nga po eh. Kaso si mama. Nasa ship pa.

35 Luis : Oo, pero hayaan mo na. Alam kong miss na rin niya tayo. Bili nalang tayo ng mga regalo

36 kasi diba yun naman talaga ang tunay na kahulugan ng pasko. Ang pagbibigayan.

37 Raph : Grabe si Papa, di ko kinaya. Ang laliiiim!

38 MSC : DOOR SOUND EFFECTS

39 Andrea : Kapagod mamili. Jusko.

40 Luis : Magluluto pa tayo ng dinner natin. Dalian niyo.

41 Raph : Jusko Andrea, Ikaw?! Pagod ka?! Eh hinayaan mo kami ni papa magbuhat ng pinamili

42 Tas ikaw pa yung napagod? Nako Andrea umayos ka nga.

43 MSC : PHONE RINGS

44 Raph : Hep, excuse me, Andrea. Ako ang sasagot. Hello?

45 Leona : Hi Raph! Miss na kita. Si Andrea asan? Miss ko na din siya. Mag iingat kayo palagi ah.

46 I-loudspeaker mo ko nak para marinig niyo kong lahat.

47 Raph : Ma!! Oy si mama! Ayan ma nakaloudspeaker ka na po. Nagluluto po kami dinner.

48 Leona : Ahh..Raph, Luis, Andrea, mas lumabong di ako makakauwi sa Pilipinas. Nasa laot

49 kami ngayon, at may bagyo. Sana hindi ito lumakas. Anyway, 9 days nalang diyan,

50 : pasko na. late kami ng twelve hours.

51 Raph : Wait ma, so sinasabi mong may bagyo diyan? Ingat ka lagi ma!
52 Leona : Oo nak, sorry di muna ako makakauwi. I have to go na, lumalakas ata. Ingat kayo, bye.

53 Luis : Kinakabahan ako sa mama niyo. Barko pa naman yun.

54 MSC : DINGDONG SOUND EFFECT

55 Riley : Raph? Luis? Andrea? May tao ba dito?

56 Raph : *hikab* sino ba yun? Pa, tignan mo nga po. Tulog pa si Andrea eh.

57 Luis : Oh, Riley, napadalaw ka ata. Pasok ka.

58 Riley : Ay opo tito. Aalis din po ako agad. May pinapasabi lang po si mama.

59 Luis : Ano ba sinabi ni ate?

60 Riley : Nanood po kasi si mama ng morning news kanina, eh may lumubog daw pong barko

61 may west coast. Sa California daw po. Madami pong pinoy dun kaya naibalita.

62 Californian Liner 187210 daw po yung lumubog. Diba dun po nagtatrabaho si tita?

63 Luis : Oo Riley dun nga. Tumawag siya kahapon at sinabing may bagyo daw doon.

64 di naman pumasok sa isip ko na lulubog yun.

65 Riley : Sige po tito, alis na po ako, may pupuntahan pa po ako. Sorry po.

66 Luis : Sige Riley, ingat ka.

67 MSC : SOFT MUSIC

68 Luis : Mga anak, hindi ko na talaga alam yung gagawin ko. Lumubog daw barko

69 na pinagtatrabahuhan ng mama niyo. *naiiyak*

70 Andrea : *crying* ma… magpapasko pa naman….. bakiiit??!

71 MSC : PHONE RINGS

72 Caller : Magandang umaga ho. Dito ho ba nakatira yung pamilya Gonzaga?

73 Luis : Ay oho, dito nga ho.

74 Caller : Kayo po ba ng asawa?

75 Luis : Oho, ako ho.

76 Caller : Pakipuntahan nalang ho sa City Capitol. Andito who ang asawa niyo na si

Leona Gonzaga. Nailigtas po siya sa paglubog ng barko kamakalawa.

77 Luis : Salamat sa Diyos! Sige ho, pupuntahan namin. Maraming Salamat po!

78 MSC : Noisy roads, People chattering

79 Luis : LEONA! SALAMAT SA DIYOS AT NAKALIGTAS KA!


80 Leona : Oo nga, salamat nalang at may mga life vest kami at may life boats pa.

Life savers, kumbaga. Asan sila Raph?

81 Luis : Ayun nasa bahay, pinagluto ko para may makain tayo mamayang noche Buena.

82 MSC : Door sound

83 RaphAndrea : MAMA!!

84 Raph : Ma kamusta po? Thank God nakaligtas kayo!

85 Leona : Hay nako Raph. Napakasaya ko at nagkasama sama ulit tayo.

Hindi matutumbasan ang saya ko ngayon. Na miss ko kayo ng sobra.

86 MSC : CHRISTMAS SONG

87 Luis : Sa ngalan ng ama, anak, espiritu, santo, amen. God, Thank you po sa lahat ng mga

88 pagkain sa table. Yung mga walang makain po, sana ay may makakain po ngayong

89 kaaraawan ni Hesus. Salamat din po dahil nakaligtas po sa trahedya ang mahal naming

90 ilaw ng tahanan. Sana po ay gabayan niyo ang mga namatayang pamilya dahil sa

91 trahedyang naganap. Sana po ay magpatuloy-tuloy po ang mga blessings na binibigay

92 niyo po sa aming lahat. Amen. Sa ngalan ng ama, anak, espiritu, santo, amen.

You might also like