You are on page 1of 3

Isonza, Danica Aiah B. G. Rafael R.

Tropico
STEM 12-1 Disyembre 5, 2017
TALUMPATI

"The Big One! Paano ko Pinaghahandaan?"


Sakasalukuyan, malaya tayo. Malaya tayong mga Dasmarileños sa mga nagbabadyang

sakuna. Mga sakunang gaya ng isang supertyphoon Yolanda na kumitil sa 6,340 tao sa
Tacloban. Mga naglalakasang naranasang pagyanig noon sa Bohol (7.2 MW) at Mindanao

(8.0 MW) na sumira sa natatangi, pinagmamalaki at mahahalang gusali at imprastraktura sa


kanilang lugar. Dagdag pa dito ang mga panganib na hatid ng mga fault gaya nalamang ng

West valley fault na nasa ilalim ng mga tahanan, gusali o pangkabuhayan na kabilang dito.
Katakot takot na impormasyon nang PHIVOCS (2017), na dadating ang panahon na may

sobrang lakas na lindol ang yayanig hindi lamang sa ating lugar na Cavite at aa ating mahal
na bansang Pilipinas ngunit maging sa buong mundo. Paano nalamang kung ang bawat isa

sa atin ay hindi handa? Saan tayo tatakbo? Anon gating gagawin? Labis ba tayong
mangamba? Sa sitwasyon na iyon, iisipin pa ba natin na lumigtas ng mga taong

naghihikahos? Paano na lamang ang buhay ng bawat isa? Paano nga ba natin, ikaw, ako,
tayo, bilang isang mag aaral at anak ng ating mga minamahal na magulang ay

pinaghahandaan ang tinatawag ngayong The Big One. Binibigyan halaga at pansin kaya
natin ang babala na ito?

Bilang isang responsableng mamamayan, estudyante at nagiisang anak na nag aaral sa

aming pamilya kinakailangan kong maging handa sa bawat pagkakataon. Ngunit paano ko
nga ba masasabing ako'y handa na o ang aming pamilya sa mga maliliit at

pangmalalakihang sakuna. Una sa lahat, masasabi kong may kamalayan ako sa mga bagay
bagay na dapat pag handaan gaya nalamang ng emergency bag na naglalaman ng first-aid,

pagkain, kasuotan, mga gadyets na makakatulong upang maging ligtas sa aksidente at iba
iba pang pinaka importanteng pangangailangan sa araw-araw na sapat sa aming pamilya
pag dating ng kalamidad. Ngunit, sa kabila ng kamalayan na ito ay hindi ito maisagawa sa

aming tahanan dahil sa kakulangan sa salapi at dahil na rin sa pagsasawalang bahala ng


aking magulang. Paano na nga ba? Sa paaralan, kada buwan ay nag kakaroon ng

pagsasanay sa kung anong dapat gawin upang maging maalam kung saan nararapat
pumunta ang bawat estudyante sa pag tama ng lindol. Bukod dito nag kakaroon din ng mga

seminar patungkol sa mga paunang lunas na dapat ibigay sa mga nangangailangan nito, isa
na ring paraan upang makaligtas sa kamatayan na hatid ng sakuna. Ngunit handa na ba

tayo? Kung ang ating kabahayan ay hindi pa gaano kahanda, paano naman kaya ang bawat
barangy na ating kinabibilangan? O kaya naman ang ating mga magulang, kapatid at

kamag-anak maging kaibigan, batid na kaya nila ang dapat gawin pag dating ng The Big
One? Mula sa aming pinag-aralan sa asignaturang DRRR, ikatlo sa pinakamapanganib na

bansa ay ang Pilipinas na may 28.3 bahagdan at ito’y nakukuha sa pamamagitan ng pormula
(𝐻𝑎𝑧𝑎𝑟𝑑)(𝑉𝑢𝑙𝑛𝑒𝑟𝑎𝑏𝑖𝑙𝑖𝑡𝑦)
Risk= . Ang ibig iparating ng pormula na ito ay kahit pa malaki ang
𝐶𝑎𝑝𝑎𝑐𝑖𝑡𝑦

tyansa nang pagiging “hazardous” at “vulnerability” sa isang lugar, kung mataas naman ang
kapasidad ng isang indibiduwal o komunidad sa paghahanda at pagakma sa nangyayaari sa

kanilang kapaligiran, ay makakayanan nila ang hirap na dulot ng isang sakuna. Karagdagan,
ang sanhi sa inaasahang malakas ng pagyanig na tinatawag na The Big One ay dahil sa

tinatawag nilang West Valley Fault na kung saan sakop nito ang Bulacam, Caloocan,
Valenzuela, Malabon, Navotas, Quezon City, Marikina, Manila, San Juan, Mandaluyong,

Makati, Pasay, Pateros, Taguig, Rizal, Paranaque, Las Pinas, Muntinlupa, Cavite at Laguna.
Sinasabi din na ang agwat nang muling paggalaw nito ay 400 hanggang 500 na taon at ang

huling malakas na pagyanig ay nagsimula noong 1658 o 357 taon na. Kaya malaki ang
pangamba ng mga tao sa muli nitong paggalaw.

Ngunit paano naman kaya ang ibang tao, masasabi nating iilan lamang ang nag hahanda

dito ng lubusan kahit na ipakalat pa ang impormasyon patungkol sa kung paano ito pag
hahandaan at nakadipende pa din ito sa gawa at naisin ng tao. Ang tangging kailangan natin
gawin upang maging handa ay huwag gawing biro ito at isabuhay ang mga natutunan at

mga bababala na ibinigay sa atin sa seminar, ng ibang tao, sa telebisyon o kaya naman sa
ating paaralan at panatilihin ang mabuting relasyon sa ating Panginoon. Tatanggapin na

lamang ba natin ang inestima ng departamento ng PHIVOCS sa kung ilang mga tao ang
maaring mamatay at mga gusaling maaring masira?

You might also like