You are on page 1of 32

“Presyo Dito,

Presyo Doon”
Panimula
Ang transaksyon sa pagitan ng mga tao ay nagsimula ilang libong taon
na ang nakakaraan. Ang ating mga ninuno ang nagpasimula nito. Sa
pamamagitan ng barter o pagpapalitan ng mga bagay na mayroong halaga
ay natutugunan nila ang kanilang mga pangangailangan. Sa pagbabago ng
panahon ay nagbabago na rin ang pamamaraan sa pagpapalitan na ito. Kung
dati ay puro bagay lang ang ipinapalit sa ibang kagamitan, ngayon ay
mayroon na tayong tinatawag na pera. Ang pera ay isang papel o barya na
mayroong kalakip na halaga. Ito ay kasalukuyang ginagamit ng mga tao
bilang kapalit ng isang produkto o serbisyo.

Nang dumating ang paggamit natin ng pera ay natutunan na rin nating


gumamit ng mga presyo sa iba’t ibang bagay. Ang presyo ay ang halaga ng
pera na katumbas ng kagamitan o serbisyong iyong pinagbibili. Ang bawat
produkto ay may kalapatang presyo ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay
mayroong pagkakatugma sa presyo ng iisang produkto. Halimbawa na
lamang ang mga softdrinks na nabibili sa tindahan. Mayroong itinakdang
presyo para dito ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ito ay nasusunod.
Maaaring magbago ang presyo nito depende sa bahay-kalakal. Ngunit hindi
basta basta ang pagtataas ng presyo ng mga produkto. Dapat ay mayroong
rason para ito ay mapatawan.

Mayroon ding pagkakataon na hindi magkatugma ang presyo ng mga


produkto sa iba’t ibang lugar. Kahit iisa ang presyo na ibinigay ng gobyerno
para sa iisang produkto, maaaring may pagkakaiba pa rin sa iba’t ibang
lugar. Ano nga ba ang dahilan nito? May anomalya bang nagaganap sa
sistemang ito?
Tila nakakapagtaka na sa iisang klase ng produkto ay nagkakaroon ng
hindi pagkakatugma sa presyo nito. Alam naman natin na mas mahirap ang
buhay sa probinsya. Mas mabilis ang sibilasyon sa mga lungsod kumpara sa
mga probinsya. Hindi naman natin maiaalis ang katotohanang marami pa
ring lalawigan ang hindi nararating ang sibilisasyon. Mahirap din ang buhay
sa probinsya sapagkat mayroon lamang limitadong pagkakakitaan. Bakas
ang kahirapan sa ilang probinsya ng ating bansa.
Ngunit bakit tila kabaligtaran ang nangyari? Bakit mas mataas ang
presyo ng mga bilihin sa probinsya kumpara sa Metro Manila gayung mas
mahirap ang buhay sa lugar na iyon? Hindi ba dapat ay mas mahal ang
presyo sa Metro Manila dahil mas mahal ang cost of living doon?

Ayon sa balita, ang sweldo ng regular na empleyado ay higit na


mababa kaysa sa Metro Manila. Ibig sabihin ay ang mga taga-probinsya ay
mayroong mas maliit na kita na kailangang pagkasyahin sa kanilang
pamilya. Kung mataas ang presyo ng mga bilihin doon, ano na lamang ang
matitira sa kanila? Sa hirap ng buhay ngayon, mahirap na ring makapag-ipon
pa para sa buong pamilya. Kung sisiyasatin natin ang pamumuhay ng isang
regular na pamilya sa probinsya, masasabi nating sakto lamang ang kanilang
kinikita para sa kanilang gastusin sa pang araw-araw. Kung minsan pa nga’y
kulang pa ito dahil sa mga karagdagan pang mga gastusin.

Kung tutuusin ay mas mahirap ang pamumuhay sa mga probinsya


hindi gaya dito sa Maynila. Maraming mga oportunidad ng pagkakakitaan sa
siyudad. Maraming mga negosyo at establlisyamento na nangangailangan
ng mga empleyado. Ngunit hindi pa rin iyon nakakasapat. Marami pa rin sa
atin ang walang trabaho at tila napariwara na ang buhay kaya napipilitang
kumapit sa patalim. Dahil sa sobrang dami natin dito sa Metro Manila ay
nawawalan na ng espasyo ang mga kababayan natin upang may matirahan.
Dito pumapasok ang kahirapan sa ating bansa.

Sumatotal ay kahit na mas mababa ang sweldo ng mga manggagawa


sa mga probinsya ay mataas pa rin ang ipinapataw na presyo sa mga bilihin
doon. Hindi ito makatarungan para sa mga taga-probinsya at marami na ring
tao ang umaangal sa sistemang ito ngunit wala pa ring pagbabago. Tila mas
pinapaboran nila ang mga taga-Maynila.
Ano nga ba ang dahilan ng labis na agwat ng presyo sa dalawang
lugar? May kinalaman ba ang gobyerno dito? Mayroon bang anomalyang
nagaganap? Ano ang reaksyon ng ating mga mamamayan ukol dito? Ano ang
maaaring maging solusyon sa problemang ito?
Tanong
Bakit lubos ang agwat ng
presyo ng mga bilihin sa
pamilihan ng probinsya
kumpara sa Metro
Manila?
DATOS
Basic pay of Metro Manila workers up P15

ABS-CBNnews.com
Posted at 01/07/2014 3:06 PM | Updated as of 01/07/2014 3:06 PM

MANILA – Minimum wage earners in the National Capital Region (NCR)


will now be paid more following the integration of the P15 of the existing P30
Cost of Living Allowance (COLA) as provided under Wage Order NCR-No.18.

The minimum wage rate for private sector workers in the NCR is now at
P466, composed of the P451 basic pay and the other P15 of the existing
COLA.

Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz has issued a


statement to remind private sector employers in the NCR of the increase.

"Wage Order NCR-No.18 provides for a P10 additional pay effective 1


October 2013, and the integration to the basic pay of the P15 of the existing
P30 COLA provided under Wage Order NCR-No. 17, which took effect on 1
January 2014," said Baldoz.

She added that the integration also means an increase in minimum


wage earners' 13th month pay, overtime pay, night shift differential pay, and
other statutory benefits.

The new wage rate applies to all minimum wage workers in the private
sector in the NCR regardless of their position, designation, or status of
employment, and irrespective of the method by which they are paid.

Excluded in the new wage rate, however, are household service or


domestic helpers; persons in the personal service of another, including
family drivers; and workers of duly-registered Barangay Micro Business
Enterprises with Certificates of Authority.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/business/01/07/14/basic-pay-metro-manila-workers-
p15
Metro Manila workers to get P30 wage hike

Workers in Metro Manila are getting a P30 wage hike in their basic daily
pay after the National Capital Region's wage board approved the increase.

The wage board also ordered the integration of the P22 cost of living
allowance granted last year to the basic pay, radio dzBB reported Friday.
But the report said the pay will be given in two installments. The first
installment of P20 will take effect after the wage adjustment order is
published in a newspaper. The remaining P10 will come after six months.

On the other hand, the report said the wage hike did not sit well with
the Trade Union Congress of the Philippines, whose spokesman Alan Tanjusay
insisted on a P90 wage hike.

Tanjusay said the wage board should have considered "supervening


events" like higher tuition and power rates. — LBG, GMA News

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/258593/news/metromanila/metro-manila-
workers-to-get-p30-wage-hike

Taas-presyo sa bawang binubusisi na


Binubusisi na ng Department of Agriculture (DA) ang dahilan ng
biglang pagtaas ng presyo ng bawang.

Ang presyo ng bawang ay sumipa sa P280 kada kilo sa Metro Manila na


kasing mahal na rin ng mga imported na bawang na nasa P290 hanggang
P350 ang kilo.

Ayon kay Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Director


Leandreo Gazmin, posibleng ang malamig na panahon mula noong
Disyembre hanggang Pebrero ang dahilan ng pagmahal ng bawang o ‘di
kaya’y dahil sa suplay nito.

Gayunman, hindi iniaalis ng DA ang posibilidad na may manipulasyong


nagaganap sa presyo ng bawang, ito ay dahil sa hindi naman dapat
magmahal ang presyo ng lokal na bawang dahil ang mga imported na
bawang ang talagang nagtataas ng presyo.

Source: http://www.remate.ph/2014/06/taas-presyo-sa-bawang-binubusisi-na/
Pagtaas ng presyo ng bilihin tulad ng bigas at bawang, dulot ng
'price manipulation' --- Senado

“Price manipulation” ang dahilan kung bakit tumaas ang presyo ng


mga pangunahing bilihin gaya ng bigas at bawang, ito ang naging
konklusyon ng Senate Committee on Agriculture.

Sa ginawang imbestigasyon ng nasabing komite, inilahad ni Senator


Cynthia Villar ang modus operandi ng mga traders sa bigas kung saan binibili
nila ang mga importation rights na siyang eksklusibong ibinigay sa mga
kooperatiba para makatulong sa mga magsasaka.

Nabunyag din sa pagdinig na sobra-sobra ang patong na interes ng


mga traders, bagay na posibleng ginagawa din sa bawang.

Ngunit ang pangunahing dahilan kung bakit sumipa ang preyo ng


bawang ay dahil sa mali-maling determinasyon ng Bureau of Plant Industry
(BPI) at ng National Garlic Action Team kung gaano kadami ang kailangan i-
angkat na bawang.

Napag-alaman na pumayag si BPI director Clarito Barron na


tumanggap ng mahigit 8000 metric tons ng bawang nitong Pebrero at Marso
habang maraming suplay ng lokal na bawang dahil sa harvest season.

Dahil sa mas mababang presyo ng imported na bawang nalugi ang


mga local garlic producers at hindi nakapagtanim.

Nitong Abril, mahigit 3,000 MT lang ng bawang ang pinayagan na


iimport ng BPI, na siyang naging dahilan upang bumaba ang suplay at
sumipa ang presyo ng bawang.

Nanawagan naman si Senator Grace Poe na agad na magpatupad ng


price freeze.

Idinagdag din ng senadora na maiiwasan sana ang mga ganitong


pangyayari kung merong Freedom of Information Law. (PTV News)
Source: http://www.ptvnews.ph/bottom-ptvnews/35068-pagtaas-ng-presyo-ng-bilihin-tulad-
ng-bigas-at-bawang-dulot-ng-price-manipulation-senado

Mataas na presyo ng bigas sa Aurora, S. Kudarat, ‘di maaksiyunan

Labis pa ring naaapektuhan ang mamamayan ng Aurora sa patuloy na


paglobo ng presyo ng bigas sa mga pamilihang bayan, na umaabot na sa
P41 hanggang P50 kada kilo.

Ayon sa ilang residente, maging ang Aurora Rice na inakala nilang para
sa mga taga-Aurora ay halos nakikipagsabayan na rin sa taas-presyo ng
commercial rice, na nasa P41-P43 bawat kilo.

Paliwanag ng National Food Authority (NFA)-Aurora, tataas daw talaga


ang presyo ng Aurora Rice dahil nagsisimula pa lang umanong
magsipagtanim ang karamihan sa magsasaka ng probinsiya.

Reaksiyon naman ng ilang taga-Aurora, sa gitna ng maraming isyu ay


mistulang hindi nabibigyan ng sapat na pansin ang patuloy na pagtaas ng
presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin sa probinsiya at sa bansa.

Sinabi naman ng NFA na tumaas ang presyo ng bigas dahil sa


limitadong supply, ngunit inaasahang bababa rin ito kapag dumating na sa
susunod na dalawang buwan ang inangkat mula sa ibang bansa.
Kawalang tugon din sa taas-presyo ng pangunahing bilihin ang himutok ng
mga taga-Sultan Kudarat.

Bukod sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular


ang bigas, inaalmahan din ng mga residente ang mataas na singil sa
kuryente ng lokal na kooperatiba sa Sultan Kudarat, kahit pa nagba-brownout
pa rin sa probinsiya.

Bagamat may ilan nang nag-aani ng palay sa ilang bayan sa Sultan


Kudarat, gaya ng President Quirino, Isulan at Lambayong, umaabot pa rin sa
P37 hanggang P50 ang kada kilo ng bigas sa lalawigan.
Sa kabila nito, iginigiit ng sektor ng manggagawa sa Isulan, Esperanza,
Lambayong at Tacurong City na walang ginagawa ang National Food
Authority (NFA) sa taas-presyo ng bigas at iba pang bilihin.
Hiniling din nilang matunton at mapanagot ang ilang negosyanteng sangkot
sa hoarding, importation ng bigas at paghahalo ng ibang sangkap sa NFA
rice.

Source: http://www.balita.net.ph/2014/07/10/mataas-na-presyo-ng-bigas-sa-aurora-s-
kudarat-di-maaksiyunan/

Protesta vs oil price hike, nakaamba

Nagbabala ang mga lider-tsuper sa iba’t ibang panig ng bansa ng isang


malakihan at pambansang pagkilos kung hindi sosolusyunan ng Malacanang
ang walang-habas na pagtaas sa presyo ng langis sa mga nagdaang linggo.

Nagsagawa ng noise barrage sa Aurora Blvd Cubao ang mga tsuper sa


pangunguna ng PISTON partylist upang kalampagin ang Big 3 at si Pangulong
Aquino na itigil at kontrolin ang sumisirit na oil price hikes, at gayundin para
ibasura ang Oil Deregulations Law at Tanggalin ang 12% VAT sa langis upang
mabawasan ang paghihirap ng mga drayber at mamamayan.

Naibalitang nagbabalak na muling magtaas ang mga kompanya ng


langis sa presyo ng gasolina na aabot sa P0.80 kada litro at P0.50 kada litro
naman sa diesel. Noong isang linggo, umabot sa P1.20 kada litro ang itinaas
sa presyo ng gasolina. Ang nakaambang pagtaas ay ang magiging ikalima
nang sunud-sunod na pagtaas.

Ayon kay George San Mateo, National President at first nominee ng


PISTON Partylist, “hindi magdadalawang-isip ang mga drayber na maglunsad
ng koordinadong pagkilos sa susunod na buwan lalo na’t walang ginagawa
ang gobyernong Aquino sa mga nagdaang araw kundi mangampanya para sa
kanyang mga kandidato sa Team Pnoy.”
“Hilahod na ang mga drayber sa lingguhang pagsirit ng presyo ng
langis pero hindi pa rin naaawa ang gobyernong Aquino. Kinukunsinti pa ng
gobyerno kahit na ang trend dapat ay bumaba ang presyo ng mga inaangkat
na produkto gaya ng petroloyo dahil sa pagbagsak ng halaga ng dolyar,” ani
San Mateo.
Ayon naman kay Edilberto Gonzaga, National Vice-President for
Mindanao at 2nd nominee ng PISTON Partylist, gusto rin nilang mabigyan ng
kaukulang atensyon ang mga abusadong pagpepresyo sa mga bentahan ng
langis sa mga probinsya. Ayon kay Gonzaga, umaabot sa apat hanggang
anim na piso (P4-P6) ang taas ng presyo sa mga probinsya kung ikukumpara
sa Metro Manila gayong pare-parehong hirap ang mga drayber saan mang
panig ng bansa.

“Mataas na nga ang presyo ng langis sa Metro Manila, lalo pang


tinataas ang presyo sa mga probinsya kahit na kung tutuusin ay mas
maraming walang hanapbuhay at mas mababa ang kinikita o sinasahod sa
Visayas at Mindanao. Ang price disparity na ito ay lalong nagpapalala pa ng
kahirapan sa mga taga-probinsya at nagtutulak sa aming magsagawa ng
mas maraming protesta,” ani Gonzaga.

Sinabi naman ni Edgar Salarda, National Vice-President for Visayas at


ikatlong nominado ng PISTON Partylist, dapat ibasura ang Oil Deregulation
Law na naging lisensya ng kartel sa langis para manipulahin ang presyo ng
mga produktong petrolyo.

“Labing-limang taon na ang deregulasyon at labing-limang taon na ring


nagpapakasasa sa pera ng maliliit na drayber ang mga kompanya sa langis
at ahente nila sa gobyerno. Napatunayan nang mali ang katwiran ng mga
nagpatupad ng batas na ito na magkakaroon ng kompetisyon ang mga
kompanya sa langis na magdudulot ng pagbaba ng presyo. Kahit noon pa,
alam natin na walang totoong kompetisyon sa pagpe-presyo dahil kontrolado
naman ng iilang malalaking kompanya sa bansa at sa buong mundo ang
suplay ng langis. Ang pagpapatupad ng oil deregulation law ay lalong
nagpatibay ng kontrol ng mga gahamang negosyante at kawalan ng silbi ng
gobyerno,” ani Salarda.
Nagsagawa ng simbolikong protesta ang mga lider-drayber galing sa
iba’t ibang rehiyon ng bansa sa kahabaan ng Aurora. Tinawag nila itong
“Tulak-Jeep / Hatak-Jeep” na nagsasalarawan ng pagdurusa ng mga drayber
sa buong bansa. Ipinapakita rin nito ang pagkawala ng kabuhayan ng mga
drayber at maliliit na operator at hindi na nila kayang bumili ng diesel at
gasolina dahil sa sobrang taas ng presyo.
Bukas (Feb.19) ay magsasagawa din ng kahalintulad ang mga kasaping
tsuper ng PISTON Partylist sa Novaliches bandang 10:00 ng umaga sa harap
ng NOVA Mall sa Novaliches-Bayan at sa Feb. 20 naman ng 10:00 am sa
harap ng Victory mall sa Rizal Avenue, Monumento (tapat ng dating Ever
Gotesco Grand central) bilang build -up protests sa ikinakasang Pambansang
Protestang Bayan sa susunod na buwan.

Source: http://www.remate.ph/2013/02/protesta-vs-oi-l-price-hike-nakaamba/

Habang nagbababa ng pamasahe sa buong mundo, Batac


City nagtaas

Nagulat at nadismaya ako nang siyam na piso na ang siningil sa akin


ng tricycle drayber sa Batac City kanina. Walong piso lamang ito kahapon.
Ipinanukala ang pagtaas ng pamasahe noong kasagsagan ng pagtaas presyo
ng langis.
Ngayong naibsan na ang krisis sa petrolyo at mas mababa pa sa dati
ang presyo nito, bakit naman ipinagpatuloy pa rin ang pagtaas ng
pamasahe? Hindi nakatutuwa.
Naiintindihan ko ang situwasyon ng mga drayber dahil sino ba ang
aayaw sa karagdagang kita sa panahon ng taghirap? Ngunit, hindi rin
naman angkop na gatasan ang mga pasahero, lalo na at mga mag-aaral at
guro ang karamihan sa mga ito dahil nga nasa Batac ang pinakamalaking
pamantasan sa lalawigan.
Sa Lunsod ng Laoag, walong piso pa rin ang pamasahe, at hindi naman
umaangal ang mga driver.
Panahon nang umimik ang mga konsumer.

Source: http://herdylayumul.com/2009/02/18/habang-nagbababa-ng-pamasahe-sa-buong-
mundo-batac-city-nagtaas/
Tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin dahil sa
pananalasa ng bagyong Helen.

Kabilang dito ang presyo ng isda, manok, baboy ganun din ang mga
gulay tulad ng pechay, mustasa, siling pula, cauliflower at iba pa.
Ang naturang price hike ay dahil sa hindi maibiyaheng mga produkto
mula sa iba’t ibang probinsya patungong Maynila bunsod ng pagbaha at mga
nagsarang kalsada.

Kasalukuyang nasa 90 hanggang 130 pesos ang kilo ng Bangus; ang


Tilapia ay umabot na sa 90 hanggang 100 pesos ang kilo; habang ang
Galunggong ay tumaaas sa 110 hanggang 120 pesos maging ang Baboy ay
mabibili na sa halagang 155 hanggang 165 ang isang kilo at Manok na
tumaas sa 110 hanggang 120 pesos isang kilo.

Source: http://www.915bigradio.com/headline/presyo-ng-mga-pangunahing-bilihin-tumaas/

Presyo ng bigas sa Sulu patuloy ang pagtaas


(philstar.com) | Updated March 21, 2013 - 5:00pm

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng halaga ng bigas sa Sulu


dahil sa kakulangan ng supply na epekto ng nangyaring kaguluhan sa Sabah.

Sinabi ni Sulu 1st District Rep. Tupay Loong na pababa ng pababa ang
supply ng bigas sa probinsya kaya naman nagtataasan ang halaga nito sa
merkado.

Nakadepende ng 80 porsyento ang supply ng bigas ng Sulu sa Sabah,


kung saan natigil ang pagdating ng mga ito sa bansa dahil sa patuloy na
operasyon ng awtoridad ng Malaysia sa pagtugis sa mga nalalabing
miyembro ng royal army ng Sultanato ng Sulu na si Jamalul Kiram III.

Umapela ang kongresista sa gobyerno na taasaan ang supply ng bigas


sa kanilang probinsya na apektado rin ng kaguluhan sa Sabah na hanggang
ngayon ay may gusot pa.
Nagtaasan na rin ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa
Tawi-tawi kabilang ang gasoline at diesel matapos matigil ang palitan ng mga
produkto mula Sabah.

Source: http://www.philstar.com/psn-balita-ngayon/2013/03/21/922417/presyo-ng-bigas-sa-
sulu-patuloy-ang-pagtaas
Isang pahayag mula sa isang mamamayan.

Source: https://www.facebook.com/ANCalerts/posts/300605293342674?
comment_id=2608959&offset=0&total_comments=5

Source: http://www.youtube.com/watch?v=e7aMLU2NHFc&feature=youtu.be
Ang maraming mukha ng kadukhaan

Para sa linggong ito ay ating tatalakayin ang kahirapan o kadukhaan sa


ating lipunan at ang mga konseptong kaakibat nito.

Ito’y upang maintindihan natin ang mga anyo ng kadukhaan nang sa


gayon ay mabigyan tayo ng malinaw na larawan patungkol sa suliraning ito
at atin itong matugunan sa naaayong paraan.

KADUKHAAN SA PILIPINAS
Kamakailan lang ay narinig ng buong bansa ang Pangulong Benigno
‘PNoy’ Aquino III. Sa kanyang SONA ay ipinagmalaki niya na nabawasan raw
ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa Pilipinas ayon sa pinakahuling
talaan ng pamahalaan at pribadong mga organisasyon.

Marami ang tila hindi naniniwala sa mga "survey" na ito. Marahil


anuman ang sabihin ng pamahalaan ay may mga pamilyang patuloy pa ring
naghihikahos at sumasalamin sa tunay na kondisyon ng pamumuhay sa
bansa.

Ang rehiyong Bicol ay isa sa pinakamahirap na rehiyon sa Pilipinas.


Kaya marahil ay marami sa atin ang talagang hindi makapaniwala sa mga
nasambit ni PNoy.

Sa Catanduanes na lamang, kung bubusisiin nang husto ang


pamumuhay sa atin ay mababatid nating ‘di hamak na mas mahirap
magpundar ng pamilya rito dahil sa:

Mas mataas na presyo ng gasolina kumpara sa ibang lugar;

Mas mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas,


asukal, mantika,mga delata at iba pang mga "grocery items." At mas
tumataas pa ang presyo nito pagdating sa mga liblib na lugar o "remote
barangays" dahil sa kahirapan sa transportasyon. Kung kaya’t mas mabigat
ito para sa mga kababayan nating malayo na nga sa kabihasnan, kulang pa
ang kinikita sa araw-araw;
Mas mataas na presyo ng kuryente at tubig (ang Pilipinas na ang may
pinakamataas na singil sa kuryente sa Asya; at ang Catanduanes naman ang
isa sa may pinakamataas na singil sa bansa). Mantakin niyo na lang kung
gaano kabigat ito sa ating badyet.

Mas mataas na nga ang mga presyo sa atin, pinakamababa naman ang
"minimum wage" dito dahil sa klasipikasyong gawa ng mga mauutak na
teknokratiko sa Maynilang wala namang direktang karanasan sa kahirapan.

KADUKHAAN HINDI LANG SA PANANALAPI


Nakagawian na nating isipin na ang kadukhaan ay nasusukat lamang
sa pera. Para sa mga ekonomista, ang kadukhaan ay ang kakulangan o
kawalan ng limang uri ng kapital: pera, tao, natural na materyales, pisikal o
imprastraktura, at sosyal.

Samakatuwid, ang pagiging dukha ay kondisyon kung saan kulang o


walang salaping maaaring ipambili ng mga pangangailangan o gamiting
puhunan, walang sapat na kakayahang matustusan ang pangangailanang
pangkalusugan o pang-edukasyon upang ang mamamayan ay malusog at
may kakayahang mag-trabaho o mag-negosyo, walang magamit na mga
"natural resources" na puwedeng pagkunan ng materyales sa aktibidad na
pang-ekonomiya, wala o kulang na mga imprastraktura tulad ng kalsada,
kuryente, tubig, gusali, health centers, o paaralan na makakatulong sa mga
aktibidad pang-ekonomiya, at wala o kulang sa mga sosyal na
pangangailangan tulad ng mga samahan, organisasyon o grupo ng mga
mamamayan na magsusulong ng mga adhikaing pangkabuhayan.

Sa ipinakitang larawang ito, maaari nating timbangin ngayon ang ating


lipunan at makilatis kung natutugunan ba ng pamahalaan ang mga
kakulangang ito na siyang magtatawid sana sa ating mga kababayan palayo
sa kahirapan.

PERO MARAMI PA ANG ANYO NG KAHIRAPAN


Ngunit marami pa ang mukha ng kadukhaan.
May dukha sa sosyal na pangangailangan, may dukha sa kalikasan,
may dukha sa politikal na aspeto, may dukha sa kultura at sining, may dukha
sa kamalayang panlipunan, may dukha sa siyensya at teknolohiya, may
dukha sa palakasan at kalusugan, at may dukha sa ispirituwalidad.
Totoo ang sinabi ni Kristo na ang tao’y ‘di mabubuhay sa tinapay lamang.

Source: http://www.catanduanestribune.com/article/1PZ1#sthash.gyodqmAH.dpuf
Interbyu At
Survey
Pangalan: John Rowie Basilio

Edad: 33 years old

Probinsya: Leyte

Trabaho: Electician

http://www.youtube.com/watch?v=NhxIjvW3Rz8
Pangalan: Jellie Frialde

Edad: 35 years old

Probinsya: Cebu

Trabaho: Housewife

http://www.youtube.com/watch?v=NhxIjvW3Rz8
Pangalan: Sheryl Ramirez

Edad: 44 years old

Probinsya: --

Trabaho: Housewife

http://www.youtube.com/watch?v=NhxIjvW3Rz8
Hypothesis

Bukod sa mga nalikop naming datos mula sa internet at mga pahayag


mula sa iba’t ibang tao, mayroon din kaming sariling opinyon na sumasagot
sa aming katanungan. Base sa aming mga paniniwala tungkol sa aming
paksa, nagkaroon kami ng iba’t ibang konklusyon.

Maraming salik at dahilan ng pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing


bilihin sa mga tagong lalawigan o probinsya. Mula sa kaibuturan ng aming
pag-iisip ay natunghayan naming ang isang salik, ang “klima”. Malaki ang
naidudulot ng klima sa aspektong ito. Halimbawa na lamang ang pagtaas ng
presyo ng mga bilihin lalo na ang mga prutas at gulay sa panahon ng tag-
ulan. Mapapansin natin na kapag malakas ang bagyo ay gayundin ang
pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan. Marahil ito ay dahil sa
pagkasira ng mga pananim. Nagkakaroon ng kakaunting suplay sa mga
probinsya. Nagdudulot ito ng labis na kakulangan sa Metro Manila.

Isa pa naming pinaniniwalaan ay dahil ito sa suplay ng mga produkto.


May mga pagkakataong hindi nagpapantay-pantay ang presyo. Hindi
magkakatugma ang presyo ng iisang produkto. Halimbawa na lamang ang
presyo ng softdrinks sa dalawang tindahan. Bagamat, may itinakdang presyo
ang kumpanya ng nasabing softdrinks ay hindi rin ito nasusunod.
Nakadepende ang presyo ng ilang bilihin sa mga nagbebenta. Maaari nilang
dagdagan o bawasan ang presyo ng produkto. Isa ring salik ang pagbabago
ng panlasa ng mga konsyumer. Dahil dito, hindi na nabibili ang ibang
produkto na nagawa o naipadala dito sa maynila.

Nagkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa probinsya kapag


mayroong nagaganap na kakulangan. Mangyari na lamang na magkaroon ng
kakulangan sa tubig. Hindi sapat ang tubig para magamit ng lahat ng mga
tao sa bayan ngunit mayroong isang maaaring pagkuhanan. Ang nagmamay-
ari ng lugar ay maaaring magpataw ng presyo kapalit ang pagkuha ng tubig.
Dahil nga ito ay isa sa ating pangangailangan, naiisipan ng may-ari na
pagkakitaan ang tubig na mula sa kanila.

Isa pa sa mga salik na tinitignan namin ay ang transportasyon. Kung


ang isang produkto ay galling sa probinsya, ito ay iniluluwas upang dalhin sa
Metro Manila o iba pang karatig na lugar. Bagkus, kung ito naman ay galling
ng Metro Manila, iniluluwas ito para dalhin sa mga probinsya. Makikita natin
sa unang transaksyon na magiging mas mataas ang presyo ng produkto
kapag naibenta ito sa Metro Manila. Ito ay dahil pinapatungan nila ang
presyo upang mabawi ang nagastos sa pagluluwas nito. Kasama na dito ang
pamasahe, petrolyo at pagkain kaya ganoon na lamang ang pagkataas nito.
Sa kabilang dako, ang pangalawang transaksyon ay nagpapakita na ang
produkto ay mas mahal na naibebenta sa probinsya. Kagaya ng una, ito ay
iniluluwas mula sa Metro Manila papunta sa probinsya. Nagpapatong din sila
ng presyo sa produkto sa parehong rason.

Isang halimbawa dito ay ang cellphone. Alam naman natin na nasa


Metro Manila ang mga tanyag na bilihan o kumpanya ng mga cellphone.
Kakaunti lang ang nagtitinda nito sa mga probinsya lalo na sa mga hindi pa
masyadong sibilisado. Mataas ang demand sa lugar na iyon sapagkat
kailangan nila ng mabilis na paraan upang matawagan nila ang kanilang
pamilya sa iba pang lugar. Kapag ang isang negosyante ay naisipang
magtinda ng cellphone sa probinsya na iyon, papatawan niya ng higit na
presyo ang produkto. Magiging mas mataas na ngayon ang presyo ng
cellphone sa probinsya kaysa sa Metro Manila.

Minsan sa probinsya ay mataas ang presyo dahil kakaunti lamang ang


tanim nila. Samantala, sa Metro Manila naman ay mayroong modernong
pamumuhay. Mayroon silang alternatibong paraan para makagawa ng
pagkain na ieexport naman sa probinsya. Kung kaya’t mas mataas ang
presyo ng bilihin sa probinsya kaysa sa Metro Manila. Nadadagdagan ang
presyo ng produkto nila dahil pinapatungan nila ito. Dahil din ito sa
pagkaumaani ang mga mamamayan sa probinsya, sila ang nagmamay-ari
nito at ibinebenta nila ito ng mahal sapagkat nainiwala sila na kapag sariwa
pa ang kanilang produkto ay maraming tatangkilik.

Naniniwala kami na ang panahon o klima ay nakakaapekto rin sa


pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na sa mga probinsya. Di tulad sa Metro
Manila, ang mga impastraktura sa probinsya ay higit na marupok. Madalas
ay gawa lamang ang mga bahay sa mga mumurahing materyales kaya
kapag may dumating na unos ay madali itong natitibag. Ito rin ang
itinuturong dahilan kung bakit nawawalan ng suplay lalo na ang mga
magsasaka. Ang mga pananim nila ang higit na maaapektuhan kapag may
dumarating na bagyo. Nasisira ang kanilang mga pananim at konti na lang
ang mga maaari pang ipagbili. Dahil dito, sa mas mataas na presyo nila
naipagbibili ang produkto upang magkaroon ng sapat na pera para
makapagsimula ulit.
Halimbawa nito ay sa mga nagpapatong sa presyo sa kanilang
produkto kahit na alam nila na mahirap kumuha ng supply na iyon. Tulad ng
manok, ang Suggested Retail Price o SRP nila ay 135/ per kilo. Naibebenta
nila ito ng 140/per kilo. Tinataasan nila ang presyo para kumita ng mas
mataas. Kapag nasalanta ng bagyo, ang mga ani na natitira ay lalagayan nila
ng mataas na presyo kasi tumataas yung demand at yung supply ay limitado
lang.

Meron din na kapag binagyo, ang mga palay na wala pa sa takdang


araw para anihin ay maani nila. Mapipilitan silang ibenta ang mga palay na
naani na nila at doon nila tataasan yung presyo dahil wala ng supply.
Isa pa ang oras kasi sa ibang produkto mayroon itong expiration date. Hindi
natin kontrolado ang pagkasira nito kaya minsan ay tumataas din ang presyo
dahil sariwa pa ito. Minsan kapag alam na nilang pabulok na ito binabawasan
nila ang presyo sapagkat alam nila na hindi na mapapakinabangan ito ng
ibang tao. Halimbawa nito ay mga prutas at gulay. Kapag ito’y sariwa pa,
maibebenta ito ng mas mataas. Kaysa naman sa ibang lugar bulok na
binebenta pa ng mataas. Hindi nila alam na baka may mga tao na
mapahamak sa mga ginagawa nila kaya yung iba nagpapakatotoo at
binabawasan nalang ang mga presyo nito.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay mas mataas ang presyo ng mga


bilihin sa probinsya. Yung mga produkto na makikita sa probinsya tulad ng
gulay ay mababa ang presyo. Sa ganitong pagkakataon, kapag ang
probinsya ang mayroong suplay ng isang produkto, mababa ang presyo nito
sa sariling lugar ngunit mataas sa ibang lugar. Halimbawa kung ang isang
probinsya ay isang isla lamang at walang pangkabuhayan doon kundi ang
pangingisda. Upang magkaroon ng makakain na iba tulad ng karne,
kailangan ay mayroong magbebenta doon. Wala namang mahahanap na
karne sa probinsyang iyon kaya napipilitan silang lumuwas upang kumuha ng
suplay. Dahil dito ay itinataas nila ang presyo upang mabawi ang kanilang
nagastos.

Ayon sa aking sariling karanasan, halos triple ang presyo ng karne sa


probinsya ng Catanduanes kaysa sa Metro Manila. Malayo ang lugar at isa pa
itong isla. Mahirap ang transportasyon kaya’t ganoon na lamang ang pagtaas
ng presyo. Idagdag pa natin dito ang pagpataw ng gobyerno ng tax sa bawat
produkto.

You might also like