You are on page 1of 2

Jorey Austin S.

Mangune

ABM-EULER

Sa aking mga kapwa mag-aaral, kaklase, at sa pinaka magandang guro na naririto ngayon na si Binibining
Michelle Villanueva, magandang tanghali sainyong lahat. Nais kong magpabatid ng isang talumpati
patungkol sa K-12 Program. Bago ko simulan, may mga ilan akong katanungan. Naging sapat ba ang K-12
sa mga layunin nito? Nabigay ba lahat ang ninanais nito? May naidulot ba ang dagdag dalawang taon
nito? Nakatulong nga ba ito? Dagdag gastos ba to? Naging handa na nga ba tayo, tayong henerasyon
nito? Papano pa kaya ang mga sususnod na henerasyon? Saan kaya mapupunta ang lahat ng ito? Bilang
isa sa kauna-unahang henerasyon ng K-12 Program masasabi kong naging mahirap to para sakin. Dahil
tayo ang unang henerasyon nito, alam ko na madami ding nahirapan, nagdalawang isip at naguluhan.
Meron din namang iba na tinanggap ito at patuloy na kinakaya.

Ayon sa isang website, ang K-12 Program ay naglalayong tulungan ang kabataan at ang pantayan ang
sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ito ay may karagdagang
dalawang taon sa hayskul na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral kung nais na nilang magtrabaho at
para narin maging handa para sa kolehiyo. Nangyayari na nga ba ito? Masasabi ko na kulanag pa ang
panahon para sa paghahandang ito. Sa unang first batch ng K-12, karamihan sa estudyante bago
tumuntong ng Grade 11 ay naguguluhan at nahihirapan sa track/kurso na kukunin, ang iba nama’y kung
saan ang mga kaibigan o kakilala nila ay doon din sila, ang iba nama’y kung ano ang gusto ng magulang,
yung iba pinag pipilian kung si first choice o second choice ba talaga, sa iba naman ay kung ano ang
interes nila at alam nilang makakayanan nila, o di kaya naman ang iba ay dahil hindi pa sila handa, doon
nalang sila sa bahala na. Parang nagkaroon parin ng tsansa na hindi pa hanada ang mga estudyante,
hindi pa nila alam kung saan sila patungo kung kaya’t nagdudulot ito ng problema sa ekonomiya ng
bansa. Dahil nga naipatu na ang K-12 Program wala na din tayong ibang magagawa kung hindi sundan
ito kahit pabor ka man o hindi.

Sa katunayan, oo napakali din ng tulong ng K-12 program pero siguro hindi parin sapat at hindi parin ang
tamang yugto kahit hanggang ngayon ay may mga kulanag parin sa silid aralan, mga kagamitan, aklat,
may mga iba paring lugar na hindi naaabutan ng karampatang edukasyon at isa pa dito ang kahandaan
ng mga guro sa pagtuturo sa mga asignatura ng K-12. Halimbawa nalang din dito, kunwari sa mga guro
na nagtapos ng Math Major pero ang itinuturo nilang asignatura ay wala namang kaugnayan patungkol
sa natapos nila. Nagiging malaking suhestiyon ito pero dahil nga sa matinding pangangailan ng
pagtuturo ay kailangan talaga nilang punan ang nakaakibat na responsibilidad na iyon. Isa pa ay sayang
din ang dalawang taon na ginugol kung sa pagpapatuloy ng kolehiyo ay ibang kurso naman ang kukunin.
Nasabi din sa balita na sabi ng Philippine Chamber of Commerce & Industry na hindi pa ganon ka handa
ang first batch ng K-12 sa pagtatrabaho na inaasahan.

Gayunpaman, hindi parin hadlang ang mga bagay na ito sa pag abot ng ating mga pangarap. Nasa sarili
parin natin ang pagpapasiya kung saan natin mas mabibigyang halaga ang buhay natin. Ilagay nalang din
natin sa sitwasyon na kung saan tayo mas mapapalinang at maibahagi ang mga kaalaman upanag
makadiskubre pa ng ibang talent at kakayahan. Sa kung ano man din ang hinaing ng mga magulang sa
gastos at iba pa sa K-12 o paaralan, ipakita natin sa kanila na tayo ay nag-aaral ng mabuti para mapawi
at masuklian ang mga pagod nila. Huwag natin hayaan na puro nalang tayo reklamo at nakikinabang,
gumawa tayo ng paraan at ating aksyunan. Ayos na din na nakapag simula tayo para makahanap ng
solusyon at ito’y ma improve pa para sa mga susunod pang henerasyon. Sa kabila ng lahat ng mga
suliraning ito, naniniwala pa rin ako na tayo ang pag-asa ng bayan.

Isipin nalang natin na lahat ng bagay ay may rason at may patutunguhan. Mas magandang na ang
sinimulan ay tapusin, hindi man natin alam kung anong kahihitnan nito pero atlis napatunayan natin na
napag tagumpayan natin ito. Baka mas marami pang oportunidad na pumasok satin. Huwag nating
hayaan na masira an gating kinabukasan at patunayan natin na tayo ang imahe ng bagong henerasyon.
Sa aking huling mensahe, itatak natin sating isipan na “Ang edukasyon ay susi sa tagumpay.”

You might also like