You are on page 1of 1

HINDI NA BAHAY 'TO - INTERNET CAFE NA!

(An
Original Declamation Piece)
“Wala pang pagkain?! Bahay pa ba ‘to?” Sigaw ko sa kusina sabay kalampag ng mga pinggan at kaldero.
“Inay, nagtatanim ka na naman! Makakain ba namin ‘yang mga pinagtatanim mo sa FarmVille?
Pagbubunganga ko sa Nanay ko. “Pa-Tetris naman oh.” Hirit ko. “Tigil-tigilan mo ako dyan Lucrecia ha.
Pagod ako sa maghapong paglalaba. Nag-a-unwind lang ako. At malalanta na mga tanim ko kaya nag log
in na ako. Kaya ikaw na magsaing dyan. “Pa-Tetris muna. Isang level lang. Please!” Ungot ko. “Wala ka sa
pila. Maglalaro pa daw si Kuya mo ng Cocogirl pagkatapos ko dito.” Padabog akong bumalik ng kusina.
Tiningala ko ang lagayan ng mga panggatong na kahoy. Walang kahoy. Sumandok ako ng tubig sa
tapayan. Walang tubig. Inalog ko ang lalagyan ng bigas. Walang bigas. “Nasaan si Itay?!” Sigaw ko sa
pagkainis. “Huwag mong hanapin ang nagdo-Dota!” Pasinghal ding sagot ni Mamaw, ang kapatid kong
baby bakulaw. “Apo, i-like mo naman bago kong profile pic sa FB. Tingnan mo na rin ‘yung cover photo ko
sa timeline.” Lambing ni Lola Gets sa’kin. “Lola, binuksan ko na po FB mo. Di ko na ma-open profile nyo
eh. Baka naman kasi kung anu-ano ang pinaglalagay ninyong pictures dun kaya ni-report ng ibang users.”
Natigilan siya. Tahimik. Guilty? “Hmp, inggit lang sila sa mga pose ko at mga lingerie na ginamit ko.”
Weh! Lingerie? Spell lingerie. “Oo, lingerie na nabili ko sa ukay-ukay.” Lingerie galing ukay-ukay? Good
luck sa singit mo Lola! Eh pa’no naman pose na ginawa mo? “Ah eh, ginaya ko lang naman ‘yung pose ni
Pamela Anderson sa Baywatch.” Nagmuwestra ang mahadera kong Lola. Legs wide open, left arm down,
right arm across the chest. Bongga di ba! “Lola Gets, na-blocked na po kayo.” What do you expect? “Bakit
ganun? Paramihan pa naman sana kami ng “like” ng pictures ni mareng Ising.” “Ni Lola Ising? Naku
naman Lola Gets, ia-unfriend kita pag nagka-FB ka ulit. At huwag na huwag mo akong ma-tag sa
anumang pictures mo. Gets mo Lola?” Kaloka! Pilyang ngiti naman ang drama ng lola mo. “Kung na-
blocked na FB ko, follow mo na lang ako sa Twitter.” Aba, akalain mo ‘yan! Twitter daw. Nagmamaasim
pa talaga si Lola! “Sige po. Ano Twitter username mo?” “I-type mo na lang
sexygrannybunnyhoney@yahoo.com.” Pak! Pak na pak! “Lola, you already! Ikaw na! Eh sino naman mga
pina-follow mo sa Twitter?” “Piling-pili ko lang. Justin Bieber, Miley Cyrus, Kathryn Bernardo, at Aljur
Abrenica.” Bakit mo pala naisipang mag-Twitter? Ako nga halos hindi ko nabubuksan account ko. “Eh,
kesa mangapit-bahay pa ako, sa Twitter na lang ako nakikipagtsismisan. International pa ang mga
tsismosa. Syempre ako ang reyna! The fairest of them all.” Buti naman at nagka-Twitter na. Kasi noon,
binabato bahay namin ng halos lahat ng kapitbahay kasi Lola ko ang pasimuno ng tsismis sa barangay
namin. “Siyanga pala apo, ikaw na magsabi sa tatay mo na bumili na ng bagong camera para sa desktop
natin. Di na kasi ako nakakagamit ng Skype. Dalawang buwan na. Baka hanapin na ako ni Hideyoshi. ”
“Hideyos-ko! At sino naman siya sa buhay mo?” “Chatmate kong Hapon. Bakit ba.” Makalipas ang isang
oras. “Nay, ikaw na lang ang hindi pa kumakain. Tama na ‘yang Facebook. Siguro naman nakapag-harvest
ka na sa FarmVille mo.” “Tapusin ko lang itong isang level ng Tetris. Tatalunin ko kasi itong ka-match up
ko.” Hala! Eh sino po ba kalaban nyo? “Si Gary, kaklase mo.” “Nay, naman! Bigyan mo naman ako ng
kahihiyan. Pa’no kung natalo ka nyan, baka ako ang asarin sa klase.” Pumasok ako sa kwarto at nag-lock
ng pintuan. Madilim ang paligid sa paningin ko. Maitim ang mga balak ko. This has to stop! Hindi na
bahay ‘to. Internet café na! Wala nang kaayusan sa pamamahay na ito. Mamyang gabi, puputulin ko ang
kordon ng internet connection. Pupuntahan ko ang kapitbahay namin at pagsasabihang lagyan na ng
password ang Wi-fi para hindi na makasagap ng signal ang mga tao sa bahay. Bukas na bukas. Magbabago
ang lahat.

You might also like