You are on page 1of 1

Sa mga nakaraang administrasyon na hindi ko alintana ang tungkol sa pag-unlad

sapagkat napakamuwang ko pa lang noon. Ngunit habang tumatagal na ang kalagayan ng


bansa ay bumubulusok nang dahil sa mga isyung kinakaharap nito laban sa
administrasyon dahil na rin sa tindi ng katiwalian sa bansa ng mga ganid na
opisyales ng gobyerno na nagpahirap sa bansang Pilipinas na nakaapekto sa pagbagsak
ng ekonomiya. Alam nating gumagawa ng paraan ang gobyerno para maiahon ang bansa sa
kahirapan subalit kulang. Hindi pa rin sapat sa paningin ng taumbayan ang ginagawa
ng gobyerno. Katunayan nga may mga panukalang inilalahad ng gobyerno para sa
kaunlaran, subalit pilit na iniluluwa ng iba ang mga panukalang ipinapakain sa
mamamayan. Paano pa ba tayo uunlad ang kung tayo mismo ay hindi iibo at iaasa na
lang ang lahat sa gobyerno? Gaya nga sa kasabihan: “Huwag mong isipin ang GINAGAWA
ng gobyerno sa IYO, bagkus ang isipin mo ay kung ano ang MAGAGAWA MO sa bansa.”
Oo, bilang mamamayan sa bansang Pilipinas ay may magagawa tayo. Dahil may
responsibilidad tayo sa bansang Pilipinas. Huwag tayong magkibit balikat at magpa-
easy-easy at hintayin ang bawat aksyon ng gobyerno. Isipin mo kung ano ang magagawa
mo sa bansa. Wala kang karapatang magreklamo dahil wala kang ginagawa para sa
kaunlaran. Mayroon kasing iba na nagrereklamo na agad, lumalabag at komokontra sa
gobyerno. Walang mangyayaring pag-unlad kung ganyang tulad sa mga talangka ang
ugali. Walang aasahang kaunlaran sa bansa. Sapagkat sa pamamagitan nila ay hinihila
nila pababa at pinipigilan ang pagbabago at pag-unlad. Masakit mang isipin, pero
totoo. Ngayon pa’t patung-patung na ang problema ng bansang Pilipinas lalo na sa
patuloy na pagbagsak ng ekonomiya na konektado sa kalagayan ng bansa at hanggang sa
ang taumbayan ang mahihirapan at papasan ng lahat ng iyon. Gusto mo ba yun? Kung
ayaw mo nun, nandyan ang gobyerno, niluklok natin sila, at pinagkatiwalaan dahil
alam nating gagawin nila ang kanilang tungkulin sa kanilang maging serbisyo sa
ating mga mamamayan. Bilang bumubuo ng komunidad sa ating bansa ay may bahagi din
tayo para sa kaunlaran. Nandyan na rin ang mga panukalang inilatag nila para sa
atin. Ano ang magagawa mo sa bansa? Ako. Simple lang. Susuportahan ko ang mga
panukalang alam kong para sa ating kapakanan. Para sa ikakabubuti ng ating
pamayanan. Tulungan natin ang gobyerno sa kanilang mga adhikain sa simpleng
pagkilos. Ako? Naghahanap pa ako ng maitutulong ko sa gobyerno. Handa akong
tumulong sa gobyerno para sa ikakaunlad ng ating bansang sinilangan. Kung hindi
tayo kikilos? Kailan pa? Paano tayo uunlad kung hindi tayo kikilos para sa
kinabukasan ng ating bansa?

You might also like