Linggo at katatapos lang ng aming Sunday Service sa aming simbahan sa Agoo
Christian Fellowship, pauwi na ako noon at di na nagtagal pa kasi may gusto akong takasang utos sa lider namin. Habang naglalakad ako nakokonsensya ako pero binalewala ko na lang kasi gusto ko ng umuwi kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa nakatawid na ako sa tulay. Akala ko makakauwi na ako sa bahay pero may biglang may sumalubong sa’king apat na malalaking aso at alam kong kilala ako ng mga asong iyon dahil araw-araw nila akong nakikita pero, biglang nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa takot na makagat ng aso at dahil lumapit sa akin yung mga aso at pinalibutan nila ako at balak nila akong kagatin mabuti’t may biglang sumigaw at nagpaalis sa mga aso. Napagisip-isip kong lumayo nang konti baka aalis din yung mga aso, pagkatapos ng mga ilang minuto naglakad ako pabalik sa’min pero sinalubong ulit ako ng mga aso. Umalis ako at bumalik ng madaming beses pero di pa rin nila ako tinatantanan kaya napagdesisyonan kong bumalik sa church at gawin yung utos na tinakasan ko. Pagkatapos kong gawin iyon ay umuwi na ako at wala na yung mga asong gustong kumagat sakin. Napangiti na lang ako habang papasok sa aming bahay at napagtanto kong isang aral pala iyon na gustong ituro sa akin ni Lord na kaya pinipigilan ako ng mga aso na makauwi sa bahay namin kasi gustong Niya akong pabalikin sa church at gawin yung inutos sakin ng lider namin. “Disobedience results to danger but Obedience results to blessing”, “Follow and submit to what your leader says and commands you to do.” God allows some bad things to happen in our life because He wants to teach us a lesson.