You are on page 1of 1

Nagpatupad kayo ng panibagong Number Coding Scheme.

Ibig sabihin kailangang magcommute ng tao


isang beses sa isang lingo.Simula Presidente ng Pilipinas hanggang sa pinaka mahirap na mamamayan na
may sasakyan ay dapat makita na magcocommute isang beses sa isang lingo.Kung ang ibang
mayayaman kuno at kayang bumili ng dalawang sasakyan ay hindi maaapektuhan ng Scheme na ito.Ang
Scheme na ito ay isang malaking KAGAGUHAN. Di ba ninyo alam na kung kayang bumili ng isang tao ng
sasakyan kaya nyan din bumili ng isa pa para hindi maapektuhan ng Scheme ninyo. Ayoko naman bumili
ng isa pang sasakyan dahil baliwala ang Scheme ninyo kung gagawin ko yun. Nagtataka lang ako kaya
nyong gumawa ng panibagong batas ng hindi aprubado ng Kongreso, Bakit yung No Garrage, No Car
Pollicy di nyo ibatas??Hindi nyo ba din alam na dahil sa Number Coding na yan kaya lalong dumami ang
sasakyan sa pilipinas dahil nahihikayat bumili ng sasakyan ang mga tao ng pang number coding. Imbes
na gumawa kayo ng paraan para I-discourage nyo ang mga tao na bumili ng sasakyan eh lalo pa ninyo
inuudyukan bumili. Ang dapat gawin ng gobyerno para mawala ang trapik ay ipasara lahat ng
establishment na walang parking para sa cliente nila. Puros bagsak sa building code. Natatayo ang mga
building kahit hindi sapat ang parking at magpagawa ng mga parking area sa metro manila.Ipagiba ang
mga building na hindi sumunod sa building standard at gawing public parking ang mga lote nila. Kung
iniisip nyo na maganda ang epekto ng scheme na ito at nabawasan ng trapik….”abay siyempre natural”..
Pagbawal nyo lahat magsasakyan siyempre luluwag talaga ang kalsada. Pero may progreso ba kung
hihinto tayo sa isang araw imbis na dapat pabilisin ang paggalaw ng bawat isa sa ‘tin?? Sigurado
buburahin nyo comments ko kasi di nyo gusto opinion ko.

You might also like