You are on page 1of 4

Class no: 8

Lady Gayvee DC. Corcuera Prof. Dwight Diestro

PI 10 – F September 9, 2017

“ANG AKING PINAGMULAN AT ANG KASALUKUYAN”

PANGUNAHING IMPORMASYON

Ang pangalan ko ay Lady Gayvee DC. Corcuera, ako ay ipinanganak noong Hulyo 22,

1996 sa Sta. Cruz Laguna. Ako ay 21 taong gulang na. Ako ay bunsong anak nina Gng. Ma.

Victoria DC. Corcuera at G. Gaylord E. Corcuera. Dalawa lamang kaming magkapatid. Ang aking

nanay ay nakatira sa San Rafael Bulacan. Siya ay nagaral ng kolehiyo sa Gregorio Araneta

University at kumuha ng kursong Agricultural Engineering, siya ay 52 taong gulang na. Ang tatay

ko naman ay nakatira sa Victoria, Laguna. Siya ay nagaral din sa Gregorio Araneta University at

kumuha din ng kursong Agricultural Engineering at siya ay 54 taong gulang na. Nagpakasal sila

noong Setyembre 9, 1984. Ang nanay ko ay isang negosyante at ang tatay ko naman ay

nagtatrabaho bilang isang empleyado ng gobyerno. Ako ay may isang kapatid na lalaki, Malaki

ang agwat ng aming edad, siya ay 32 taong gulang na at siya ay kumuha ng kursong Agricultural

Engineering at nakapagtapos ng pag aaral sa Unibersidad ng Pilipinas at ngayon siya ay isang

lisensyadong ininhyero na. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa MIK Philippines sa Makati.

Kami ay naninirahan sa Los Banos Laguna. Kami ay may munting negosyo na sari-sari store,

boarding house at catering services na iminamanage ng aking nanay. Kasalukuyan akong nagaaral

1
sa Unibersidad ng Pilipinas, kumukuha ako ng kursong BS Biology at ngayon ako ay nasa ikaapat

na taon na.

ANG AKING PAGAARAL

Ako ay nagsimulang magaral noong ako ay dalawang taong gulang pa lamang ako ay isang

saling pusa lang noong mga panahon na iyon. Nagsimula akong magaral nang talagang kasali na

sa klase noong ako ay mag aapat na taong gulang na. Pumasok ako sa isang Evangelical Baptist

School. Buong kinder ay doon ako pumasok at noong ako ay magpeprep na ako ay inilipat ng

aking mga magulang sa Montessori School of the Nativity doon ako nagaral ng hanggang unang

baitang. Noong ako ay mag ikakalawang baitang na, inilipat ulit ako at ito naman ay sa Maquiling

School Inc. Dito na nagsimula ang pagtanggap ko ng mga karangalan, buong elementarya ko ay

dito na ako pumasok, napapasali ako sa ibat ibang patimpalak katulad ng pag kanta at pagtula

nagiging honor student din ako minsan. Noong 2009 nagtapos ako ng elementarya at

napagpasiyahan ng aking mga magulang na doon padin ako pumasok kaya naman doon din ako

nagsekondarya. Isa akong masiyahin at mabait na estudyante, mahilig akong sumali sa mga iba’t

ibang programa sa aming eskwelahan. Sumali ako sa iba’t ibang clubs tulad ng filsoc, scimath

club, Tle club at napasali din ako sa girl scout. Aktibo ako sa mga aktibidad sa eskwelahan.

Pagkagraduate ko ng sekondarya, ako naman ay nagaral na sa Unibersidad ng Pilipinas Los Banos,

kumukuha ako ng kursong BS Biology, dahil nga gusto kong maging isang doctor, eto ang aking

magiging pre-med kung sakali at ngayon, ako ay nasa ikaapat na taon na.

2
NOONG AKO’Y BATA PA HANGGANG SA KASALUKUYAN

Nong ako ay bata pa, madami akong hilig gawin. Ayon sa aking mga magulang ako daw

ay isang bibong bata. Mahilig ako sumayaw, kumanta at iba pa. Kaya naman pinapasali nila ako

sa iba’t ibang aktibidad at mga programa katulad ng sa simbahan, at ayun nga maaga nila akong

pinapasok pinasaling pusa nila ako sa ibang kinder. Sinabi pa nila napasok ako ng nakapampers at

may dala dala pang dede sa klase. Noong bata pa ako, sobrang pangarap ko talaga maging isang

doctor. Lahat ng magtanong saakin kung anong gusto ko maging pag ako ay malaki na ang lagi

kong sagot ay maging isang doctor. Noong bata ako ako daw ay isang makulit, kikay at sobrang

bibong bata. Mahilig ako magpose sa harap ng camera kaya naman napakarami kong picture nung

ako ay bata pa. Noong ako ay lumaki na at nagelementarya na nadala ko ang pagiging masayahin

at bibong bata. Sumasali ako sa iba’t ibang programa sa eskwelahan kulang na nga lang lahat ay

salihan ko. Mahilig akong makipagkaibaigan sa mga tao kaya naman madami akong nagiging

kaibigan at nakikilala ng mga tao sa paligid at sabi nila isa daw talaga akong masiyahin dahil lagi

akong nakangiti. Mahilig ako sa mga bata, hilig kong makipaglaro at makipagkulitan sa kanila.

Ayon sa aking mga magulang isa daw akong malambing at mapagmahal na anak, mahilig daw

akong maglambing sa kanila. Noong ako ay pumasok na ng sekondarya, wala naman masyado

nagbago nagging mas dalaga lag akong kumilos, hiuminhin. Mahilig padin akong sumali sa mga

activities sa school. Lahat ng batchmates ko ay nagig kaibigan ko dahil isa daw po talaga akong

palakaibigan. Madaldal daw po akong bata at masiyahin padin. Doon na nagsimulaang ibang

bagay, doon ko naranasan na may magtanong kung wedeng manligaw, may magtanong na kung

pwede ba akong maging kadate sa prom, maging isang fangirl. Madami akong naging experience

noong ako ay nagsekondarya na mas lalong dumami ang mga alam ko, unti unting namumulat ang

aking mga mata sa mga iba’t ibang bagay. Mas madami akong natutunan, at ngayon na ako ay

3
nasa kolehiyo na mas lalong lumawak ang aking mundo, mas lalong namulat ang aking mga mata

sa bagay bagay, mas dumami ang aking alam, mas dumami ang aking mga taong nakakasalamuha

sa araw araw, mas dumami ang ang aking mga nagiging kaibigan at mas madami ang aking mga

nakikilalang tao. Mas madaming experience, naranasan ang unang bagsak at ang unang uno.

Ngayong ako ay nasa kolehiyo na wala padin naman masyadong nagbago, isa padin akong

masiyahin at palakaibigan, lagging nakangiti kahit nahihirapan na at may problema. Mas matibay

lang ako ngayon mas tumibay ako dahil sa mga napagdaananat mas tumapang ng konti. Ngayong

kolehiyo,madami akong mga realisasyon sa buhay, madami aong narealize, may mga nagbago na

pananaw, may mga nabagong paniniwala at alam ko sa pananatili ko sa unibersidad madami pa

akong marerealize mas mabubuksan ang aking mga mata at ang aking isip sa mga bagay bagay.

You might also like