You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

I. Mga layunin
Pagkatapos ng apatnapung (40) minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nasasabi ang kahalagahan sa pangangalaga sa kapaligiran
b. natutukoy ang mga dahilan ng kalinisan ng kapaligiran
c. napapahalagahan ang kaalaman sa pangangalaga ng kapaligiran
d. naisasagawa ang kalinisan sa kapaligiran

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Wastong pangangalaga sa kapaligiran
b. Sanggunian: Bigkis ng lahi 6 pahina 364-366
c. Kagamitan: Laptop, TV, visual aids
d. Halagang Pangkatauhan: Kaisahan at Kaalaman sa wastong pangangalaga ng kapaligiran

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating pag- Opo titser.
aaral, tayo muna ay tatayo at
manalangin.

Abne , pangunahan mo ang ating Sige po titser.


gagawing panalangin. (tatayo ang mga bata at mananalangin)

Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga po titser Camille at
mga kamag aral!
Pagtala ng mga lumiban sa klase
Laura ( president ng klase) mayroon bang
lumiban sa ating klase ngayon?

B. Balik-Aral

(magpapakita ng produkto ang guro at


magtatanong sa mga magaaral)
Sasagot ang mga bata ayon sakanilang
nais sabihin.

Tama! Paano nga mapapaunlad ang uri ng


produkto ?
Pagtangkilik po sa sariling produkto titser.
At paano naman mapapatipid ang enerhiya
pagdating sa negosyo?
Kung hindi po kinakailangan ay wag
gamitin dahil kapag nabawasan ang
pagbayad ng enerhiya ang mga
negosyante ay maaaring na silang
magbaba ng halaga ng kanilang mga
kalakal na nakakabuti naman sa mga
mamimili.
Tama po.
C. Pagganyak

Paghahanda

Bago tayo magsimula sa ating pagaaral, may


mga iilan ako nakatago na bato sa bandang
likuran at kukuha ng isa.
(mayroon akong bola dito at magpapasahan
kayo habang tumutugtog ang kanta ng
encantadia kapag tumigil ito ang sinumang may
hawak ng bola siya ang kukuha ng isang bato)

( bubuksan ng mag aaral at sasagutin kung ano


ang maitutulong ng kanyang nabunot sa Sasagot ang mga bata
kalikasan) 1. Lupa
2. Hangin
3. Tubig
Mahusay mga mag aaral. 4. Apoy

D. Paglalahad

Batay sa inyong inilarawan knina ang ating


pagaaralan ngayon.

Paano ba natin mapapangalagaan ng wasto ang


ating kapaligiran?

Tama lahat ng inyong nagging sagot. Narito


alamin natin.

1. Panatilihin ang kalinisan sa paligid.


Isagawa ang 3R’s (Sasagot muna ang mga bata na
kanilang naiisip)
Ano ang 3R’s?

Tama ano nga ba ang 3R’s? wag niyo muna


sasabihin mga bata dahil may inilagay ako na
iilan sa ilalim ng upuan ninyo. Pakitingin nga po
at paki sagot.

REDUCE - bawasan ang paggamit sa mga


resources upang makatipid. Halimbawa,
gumamit ng timba sa paliligo imbes na
shower, para mabawasan ang
nasasayang na tubig.
REUSE - gamitin ulit ang mga lumang
gamit. Halimbawa, gamitin ulit ang mga
plastic bag na nakukuha natin sa mga
tindahan,
RECYCLE - gamitin ulit ang mga lumang
gamit upang mabigyan ng bagong
kapakinabangan. Halimbawa, gamitin
Mahusay mga magaaral. ang mga bote at karton na
pangdekorasyon sa bahay.

Bakit natin kailangan pang gawin ang 3R’s?

Dahil mas makakatipid po tayo at


mapapakinabangan ang mga basura at
nakatutulong pa sa kapaligiran dahil
wala gaano ang natatapon.

Maliban sa kahalagahan pangkalikasan


ang muling pag gamit ng mga bagay ay
mahalaga sa pagunlad ng kabuhayan ng
bansa ito ay isang gawaing makabansa
sapagkat ang pagsasagawa nito ay
pagtulong sa bansa.
Tama. Una na diyan ay ang

1. Napangangalagaan ang mga likas na


yaman.

Bakit kaya nasabi yon?


Dahil po kung gagawin natin ang
3R’snapananatili pa ang kalinisan at
wala pang natatapon sa daan .

2. Nadaragdagan ang pambansang kita


(para sa mga may negosyo)
Dahil kapag po muli nating nagamit ang
mga natatapon na basura ay mas
nakatitipid po tayo sa mga kailangan
pang bilhin o idagdag dahil muli nating
nagamit ang mga patapon na pwede pa
iresaykel. Di napo tayo bibili ng
panibago at dahil pu doon
nadadagdagan po ang kita ng mga
nagnenegosyo.

Tama kaya mas maganda na isagawa natin ang


3R’s.

3. Nakatitipid sa gastusin sapagkat higit na


mura ang paggamit ng mga kagamitang
iniresaykel. Dahil mas matipid po ang pagreresaykel
gaya ng kanina po na sinabi naming
hindi kana po bibili ng panibago bagkus
mura nalang po yung bibilhin niyo pang
resaykel na kagamitan.

4. Ang malaking bahagi ng mga basura na


naibabalik sa dating elemento ng mga
ito ay maaaring magamit sa paglikha ng
mga bagong produkto.

Magbigay ng halimbawa. Halimbawa po ay papel sa mga


poinaglumaan po na papel na wala pa
sulat pwede po natin ipunin yon at
gawin ulit na panibagong papel.

Halimbawa po ay bote. Marami po


tayong magagawa sa bote makakagawa
po tayo ng lalagyanan ng mga lapis
ballpen pwede din pong flower vase at
marami papong iba
Tama!

5. Nakakalikha ng negosyo at trabaho ng


pagproseso, pagbebenta at pamamahagi
ng mga produktong iniresaykel..

May ipapanuod akong video sa inyo na


nagpapatunay na nakakalikha sila ng
panibagong produkto at nabebenta nila
ito.

ang pag reresaykel ay isa nang umuunlad na


industriya dahil sa mga dulot nitong kabutihang
pangkapaligiran at pangkabuhayan.

Ano pa ang pwede gawin para mapangalaga ang


kapaligiran?

Makiisa sa mga Gawain, proyekto at


programang pangkapaligiran

1. Programang clean and green

Pakibasa po.
Ang ibat ibang local ng pamahalaan ay
nagtatakda ng mga gawaing
pangkapaligiran tulad ng pagtatanim at
paglilinis.

2. Kontra kalat sa dagat

Naiiwasan ang mga nagtatapon ng


basura at maging ang dinamita.

Bakit kaya?

Dahil po kung mapananatili po ang


kalinisan sa karagatan hindi lang po
maganda sa paningin mapapalago at
mapapaunlad pa lalo ang bansa antin
dahil sa kalinisan na taglay ng mga
Pilipino lalo pang mapapaunlad ang
ekonomiya ng bansa natin.

Tama. Sa bantay dagat parin.

Sa bantay dagat naman dahilan nito bakit


binabantayan dahil sa mga taong may illegal na
Gawain sa pangingisda katulad ng pagtatapon
ng dinamita pagsisira sa mga korales.

Nagtulong tulong ang mga mamamayan sa


pangangalaga sa mga katubigan kusa nilang
ginagamit ang kanilang mga Bangka ilawan at
iba pang kagamitan
Para sa proyekto..

Amg diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng


mga mamamayan ay napakahalaga.
Nagtagumpay ang anumang mithiin sa
pangkahalatang kabutihan at kaunlaran.

E. Paglalapat

Igugrupo ko kayo sa lima at magbibigay ako ng


iskrip at ipepresenta ninyo sa harapan. (dula-
dulaan)

F. Paglalahat

Madalas ba sabihin sa inyo ng nanay o tatay nyo na


tumulong sa paglilinis? Bakit kaya sa tingin ninyo lagi
nila sinasabi iyon?
Para po lalo pa pong luminis ang
kapaligiran at lalaki po kami sa kalinisan.
Tama.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tumutukoy sa tamang paraan ng pangangalaga
ngkapaligiran at M kung mali.
_______ 1. Hayaan nakakalat ang mga basura sa kalye.
_______ 2. Tumulong sa paglilinis ng bahay.
_______ 3. Huwag magtanim ng mga halaman at puno.
_______ 4. Huwag magtapon ng dumi at basura sa ilog o sapa
_______ 5. Itapon ang balat ng kendi sa basurahan upang di magkalat.
_______ 6. Pagsabihan ang ibang tao na pangalagaan ang kapaligran.
_______7. Gawing madalas ang pagputol ng mga puno sa bundok.
_______ 8. Alagaan ng mabuti ang mga halaman at hayop.
_______ 9. Huwag gumamit ng dinamita at laso sa paghuhuli ng isda.
_______ 10. Gamitin muli ang mga bagay na tulad ng papel at kahon

V. Takdang aralin

Gumawa ng islogan na nagpapakita ng pagmamahal sa kapaligiran. Ilagay ito sa long bond paper.

Inihanda ni

Delos Santos, Camille R.

IV-BEED Gen.Ed

You might also like