You are on page 1of 9

Ikaapat na Markahan

Ikaapat na Linggo

Unang Araw

I.Layunin

Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang talata.F6PN-IVd-

3.1

II.Paksa

Pagsagot sa mga literal na tanong tungkol sa napakinggang talata.

KAGAMITAN: Plaskard ng mga salita

SANGGUNAN: Curriculum Guide sa Flipino 6,Landas sa Wika 6,p.2,5,6

III.Proseso ng Pagkatuto

A.Gawaing Rutinari

 Panalangin at pagbati

 Pagtatala ng liban

 Pagtse-tsek ng Takdang-Aralin

B.Presentasyon ng Aralin

1.Pagbaybay

Isulat ng wasto ang sumusunod na salita

1. bokabularyo

2. esisyon

3. bubuuin

4. makareklamo
5. kaibuturan

2.Pagganyak

Naranasan na ba ninyo ang lumipat ng tirahan?Bakit kayo lumipat ng

tirahan?Hayaang magkuwento ang bata ng kanyang karanasan.

3.Pagpapayaman ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya : MATCHNG GAME

Itambal ang salita sa kahulugan nito.

Paiba-iba kaganapan

Hamon kaloob-looban

Katuparan kalapit-bayan

Kaibuturan papalit-palit

Karatig-bayan pagsubok

4.Pangganyak na Tanong

“Bakit sila palipat-lipat ng tirahan?”

5.Pamantayan sa Pakikinig

6.Paglalahad ng Kuwento
Munting Pangarap

Ang aming pamilya ay palipat-lipat ng tirahan.Paiba-iba tuloy kaming

magkakapatid ng paaralang pinapasukan.Nakatutuwang nakayayamot ang

nangyayari sa aming pamilya ngunit wala kaming magagawa.Sabi ko na lang sa

aking sarili…”Ganyan talaga ang buhay.”Di kami makareklamo sa aming mga

magulang.Sa kaibuturan ng aking puso,alam ko na ginagawa nila ito upang magkarn

ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Sa isang banda,ang lahat ng nangyayari ito sa akin ay nagsisilbing

hamon.Hamon sa aking kakayahan bilang isang anak,bilang isang nakatatandang

kapatid at bilang isang mag-aaral.

May mga tanong na naglalaro sa aking isipan.Bakit kailangang lumipat

na naman ng tirahan?Sasama ba ako sa kanila o magpapaiwan na lang?Sasama

kaya ako kina lolo’t lola?Ngunit kailangang maging isang huwaran sa mga

nakababatang kapatid.Paano ba?Sinu-sino ang bagong kaklase?Mabait kaya

sila?Matalino?Palakaibigan at iba pa?

Saglit akong natigilan.Sabi ko,wala sa aking bokabularyo ang salitang

pagsuko.Iniisip ko na lang na sa bagong tirahan naming at may naghihintay na

magandang kapalaran.Iyan ang aking nararamdaman.Iyak din ang aking inaasahan.

Ang sabi ni Itay,maaaring mabago ang takbo n gaming buhay sa

lunsod ng Cebu.Ang lugar na iyon ay mas maunlad kaysa sa pook na

pinanggalingan naming.Mraming malalaking bangko,malalaking tindahan at iba-

ibang pabrika.Tiyak daw na makakapamasukan na siya.


Di nagkamali si Itay sa kaniyang desisyon.Nagkaroon agad siya ng

trabaho sa tulong ng kaniyang kamag-anak na naninirahan doon.Nagtatrabaho na

siya sa isang malaking bangko at sumasahod din ng malaki-laki.Nagtayo si Inay ng

tindahan sa harapan n gaming bahay.Nagluto at nagtinda rin siya ng ulam.Malaki rin

ang kita ng tindahan ni Inay.Hindi na kami sumasala sa oras ng pagkain.Nakapag-

aral kamng magkakapatid.Nabibili na namin ang lahat ng pangangailangan sa

paaralan,gayundin ang pansariling kagamitan bagama’t di naming nalilmutan ang

pagtitipid.Masayang-masaya ako.Natapos na rin ang palipat-lipat namn ng

tirahan.Malgaya kami sa aming bagong tahanan.

“Ate Sofia,”ang tanong ni Margaret,” dito na nga ba ako

magseselebreyt ng aking bertdey?”

“Oo,tayong lahat ay dito na magdiriwang ng kaarawan.Wala nang

dahilan para tayo ay umalis pa rito,” sagot ko sa aking bunsong kapatid.

A,Cebu,salamat at unti-unting nagkakaroon ng katuparan an gaming

mga mumunting pangarap.Dito naming bubuuin ang mga pangarap naming

magkakapatid.Dito na kami magtatapos n gaming pag-aaral.Ang ingay ng iba-

ibang sasakyan sa iyong paligid; ang iyong baybay-ilog at mga karatig na pasyalan

at parke ay walang katulad,tunay na naiiba.Palagay na an gaming loob sa bagong

kapaligiran,bagong buhay at bagong pag-asa.

Totoo ang kasabihan na may liwanag sa kabila ng ulap.Pagsisikap at

pagtitiyaga ang susi sa pag-unlad ng buhay.

7.Analisis

A.Pagsagot sa Pangganyak na Tanong


“Bakit sila palipat-lipat ng tirahan?”

B.Mga Tanong

1. Ano ang dahilan ng kaniyang pagkatuwa at pagkayamot?

2. Saan sila nakakuha ng bagong tirahan?

3. Bakit naibigan ng kanyang ama ang pook na iyon?

4. Paano nangbago,ang pamumuhay nina Margaret sa kanilang nilipatan?

5. May balak pa ba silang lumipat ng tirahan?Bakit?

6. Mahirap nga kayang magpalipat-lipat ng tirahan?Ipaliwanag.

7. Kung kaw si Margaret,ano ang mararamdaman mo kung kayo ay

nagpalipat –lipat ng tirahan?

8.Pagpapahalaga

Anong mabutng aral ang natutuhan nnyo sa kuwento?

9.Pagpapayamang Gawain

Makinig na mabuti sa talatang babasahn ng guro at sagutan ang mga literal na

tanong tungkol sa napakinggang talata.

Nasilayan sa Unang Pagkakataon ang Bandila ng Bansa


Matatagpuan sa bahagng timog-kanlurang Pilipinas ang lalawgan
ng Tawi-tawi na binubuo ng 307 malilit at malalakng pulo.Sa isa sa mga pulo
ng Tawi-tawi,na tnatawag na Bulu-bulu na sumasakop sa bayan ng
Sitangkai,ay naganap noong Hulyo 30,1987 ang isang di-pangkaraniwang
pangyayari.Sa unang pagkakataon ay nakita ng mga tao rito ang ating
bandila na matagal na ding panahon nilang hinintay.Habang itinataas ito at
inaawit ang pambansang awit,naramdaman ng mga tao na higit na napalapit
ang kanilang damdamin sa sariling bansa.Higit nilang nadama na sila ay
mga Pilipino.

Isinagawa ng mga guro,punung-guro,at opisyal ng edukasyon sa


pamumuno ni Hajan Jaafar ang kauna-unahang pagwagayway ng bandla ng
bansa sa Bulu-Bulu.

Itinatag din ang kauna-unahang paaralang primary sa pulo upang


mabigyan ng edukasyon ang kauna-unahang 27 batang mag-aaral.
MGA TANONG:

1. Saan matatagpuan ang lalawigan ng Tawi-Tawi?

2. Ilang pulo ang bumubuo sa lalawigan ng Tawi-Tawi?

3. Kailan unang nakita ng mga tao habang itinataas ang bandila at inaawit ang

pambansang awit?

4. Ano ang naramdaman ng mga tao habang itinataas ang bandila at inaawit

ang pambansang awit?

5. Sino ang namuno ng kauna-unahang pagwagayway ng bandila ng bansa sa

Bulu-Bulu?

10.Abstraksyon

Paano masasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang talata?

* Masasagot ang mga literal na tanong tungkol sa


napakinggang talata kung makikinig tayo ng maayos sa
nagbabasa at itatala natin ang mga mahahalagang
mpormasyon na nabanggit sa talata.

11.Aplikasyon

Pakinggang mabuti ang talatang babasahin ng guro at humanda sa pagsagot

sa mga tanong.Mayroon akong tanng na nakasulat sa binilot na papel sa loob ng

kahon.Magpapatugtog ako ng isang awitin habang ipinapasa ang kahon at kung


sino ang may hawak ng kahon kapag tumigil ang tugtog ay siyang bubunot ng

tanong at siya ring sasagot sa katanungan.

PAGKATATAG NG KATIPUNAN

Gabi noong ika-7 ng Hulyo, 1892, itinatag ni Andres Bonifacio ang Kataas-

taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Isinagawa ito sa

isang bahay sa Tondo, Maynila. Katulong niya sa pagbuo nito ang kaniyang

Adalawang kaibigang sina Teodoro Plata at Ladislao Diwa.

Ang Katipunan, mas kilala sa tawag na KKK, ay isnag lihim na samahan

ng mga Pilipinong makabayan. Layunnin nitong mapag-isa ang damdaming

Pilipino at magkaroon ng kalyaan sa pamamagitan ng paghihimagsik. Nang

bumagsak ang La Liga Filipina ni Jose Rizal kung saan kasapi rin si Bonifacio,

lalo pa niyang pinagsumikapang buuin at palakasin ang rebolusyonaryong

samahang Katipunan.

Mga Halimbawa ngn Tanong:

1. Kailan itinatag ang Katipunan?

2. Sino ang nagtatag ng Katipunan?

3. Saan ito isinilang?

4. Sino-sino ang katulong ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng Katipunan?

5. Ano ang layunin ng samahan?

6. Bakit lalong pinagsumikapang buuin at palakasin ni Bonifacio ang

Katipunan?
IV. Ebalwasyon

Pakinggang mabuti ang talata. Sagutin ang mga literal na tanong tungkol sa

talata. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

Pag-iyak, Nakatutulong sa Kalusugan

Sa isang pag-aaral, binaggit na nakabubuti ang pag-iyak sa kalusugan ng

tao. Ay ayon kay Dr. William Frey, direktor ng Psychiatry Research Laboratories ng

St. Paul, Minnesota, ang mga lalaki at babae ay nakararamdam ng pagbuti ng

katawan matapos umiyak. Samantalang ang mga batang hindi makaiyak ay higit na

nakararanas ng kabiguan kahit sa maliit na problema. Sila ay pinapawisan,

naglalaway at nagkakaroon ng galis sa balat.

Napatunayan din sa pag-aaral na pagsapit ng 18 taong gulang, ang mga

babae ay limang ulit na higit na madalas ang pag-iyak kaysa mga lalaki. Hindi nito

inilalarawan na mas mahina ang mga babae kaysa mga lalaki. Ito ay dahil sa ang

luha ng mga bab\ae ay may mas mataas na hormone prolactin levels sa pagitan ng

kanilang mga edad na 15 to 30. Umiiyak ang babae kapag nahaharap sila sa mga

sitwasyong mahirap lurtasin o naaalaala nila ang nakaraang mga kaganapan sa

buhay. Samantalang ang mga lalaki naman ay napapaiyak dahil sa pkikiramay nila

sa nararamdaman ng mga babae o kapag nabibigo sila sa isang relasyon o pag-ibig.

1. Sinong ang direktor ng Psychiatry Research Laboratories ng St. Paul,

Minnesota?
a. Dr. Paul Frey c. Dr. William Ferry

b. Dr. William Frey d. Dr. William Paul

2. Kailan ang mga babae ay limang ulit na madalas umiyak kaysa sa mga

lalaki?

a. Pagsapit sa 6 na taong gulang

b. Sa pagitan ng 15 – 30 taong gulang

c. Pagsapit sa edad na 18 taong gulang

d. Pagsapit ng 7 taong gulang

3. Bakit madalas umiyak ang mga babae kaysa mga lalaki?

a. Dahil mas mahina ang mga babae kaysa mga lalaki

b. Dahil ang luha ng mga babae ay may mataas na hormone prolactin levels

c. Dahil mas madalas mabigo sa pag-ibig ang mga lalaki

4. Ano ang nararamdaman ng mga babae at lalaki pagkatapos umiyak?

a. pinagpapawisan c. nagkakaroon ng galis sa balat

b. naglalaway d. pagbuti ng katawan

5. Bakit umiiyak naman ang mga lalaki?

a. Kapag nahaharap sa sitwasyong mahirap lutasin

b. Kapag naaalaala ang mga nakraang mga kaganapan sa buhay

c. Kapag nabibigo sila sa isang relasyon o pag-ibig

d. Kapag tumataas ang hormone prolactin levels

V. Kasunduan

Sumipi ng isang talata at maghanda ng mga tanong tungkol dito. Maghanda

sa pag-uulat bukas.

You might also like