You are on page 1of 8

EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SITES SA KABATAAN

Isang Pamamanahong Papel na Iniharap sa Kagawaran ng Departemento ng

Turismo

Kolehiyo ng World Citi

Lungsod ng Quezon

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan ng sa Asignaturang

Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik

Isinumite ni:

Eloisa Cassandra E. Erni

Isinumite kay:

Bb. Precie Tapero

Agosto 18, 2014


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Introduksyon

Facebook, Twitter, Yahoo, Tumblr. Ilan lamany ang mga nabangit sa

napakaraming social networking sites na kumakalat ngayon sa internet. Ang

internet ay isang tsanel kung saan madalian kang makakasagap ng impormasyon

at madali ding makakapag-bigay nito. Isa nga sa pinaka pakinabang nito ay ang

pakikipag komunikasyon sa mga taong malalayo satin kaya naman nauso o

nagawa ang napakaraming social networking sites. Ngunit dahil sa pagka-uso nito

o dahil sa malakas nitong impluwensya marami sa mga kabataan ngayon ang

lubos na nahuhumaling dito. Wala na yatang kabataan ngayon ang walang

account sa mga nabangit na websites, o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikat

ang mga nabangit na websites, ngunit ano nga ba ang epekto ng social networking

sites sa paguugali natin? Partikular sa mga kabataan ngayon? Isa sa mabuting

epekto ng mga nabangit na websites ay ang easy access o madaling paraan upang

makapaglaganap o makapag bahagi ng impormasyon. O mga balita na interesado

ang lahat na malaman, kagaya ng suspensyon ng klase, mga balita tungkol sa

gobyerno o mga artikulo o babasahin na marami tayong matututunan. Sa kabilang

dako naman ay mas lalong nagiging bukas ang isipan ng mga kabataan sa

pakikipagkapwa o pakikipag kaibigan. Minsan kahit hindi nila personal na kilala

ay kanilan ina-add as friend o idinadagdag sa mga taong maaring makita ang

laman ng kanilang profile. Kaya lang nga minsan madalas na nagkakapikunan ang
mga kabataan sa mga post na hindi nila gusto, madalas itong humahantong sa

batuhan ng mga mararahas at hindi kanais nais na salita Minsan naman ay

nagiging masyadong mapanghusga ang mga kabataan ngayon marahil na din sa

mga nakikita nila sa social networking sites na kalayaan sa pagpapahayag kahit

nakakasakit na tayo. Isa sa mga malalalang kaso ng nito ay ang kaso ni Marimar

Belnades Pattawi na nagpost lamang ng kanyang selfie sa facebook at samu’t sari

na ang natangap nyang pagbabatikos, pagkritika, pangungutya at kung ano ano

pang panlalait galing sa mga friend nya sa facebook. Hindi kinaya nga dalaga ang

labis na pagmamaliit sa kanya. Agad nyang dine-deactivate ang kanyang account

dahil sa labis nyang dinamdam ito. At dahil san aka-link na contact number nya

kanyang account madali itong nakuha ng mga cyberbully at araw araw syang

tinawagan at pinapadalhan ng text messages kupang kutayin lamang. At dahil sa

ganong dahilan lamang ideneklarang wala ng buhay ang dalaga noong Mayo 30,

2014. At ang pangunahing dahilan ng kanyang atake sa puso ay depresyon.

Maraming epekto sa ating pag-uugali ang mga social networking sites. Kayat

kung maari ay atin itong iwasan at limitahan, alamin ang hangganan kung

makakasakit na tayo ng kapwa. Maraming mabubuting epekto at pakinabang ito,

nakadepende na rin minsan sa gumagamit. Isa pa sa mga masasamang epekto nito

ay ang pagbawas ng produktibidad ng mga kabataan, ang sobrang pagkahumaling

dito ay nakakabawas ng oras ng mga kabataan sa mas importanteng bagay na mas

dapat pagbuhusan ng pansin. Gaya ng pag-aaral, mga gawaing pangbahay at kung

ano ano pa. Isa pa sa mga negatibong epekto nito ay ang kawalan ng privacy ng

mga kabataan sa sobrang pagbibigay ng impormasyon sa kanilang profile. Isa


pang paksa na maaring madagdag ay ang madali nilang ma-aaccess ang mga

websites na may mga nilalaman na para lamang sa mga matatanda. At dahil din sa

madalas o medaliang pagamit nito mas pinipili ng mga kabataan ngayon na

gumamit na lang ng mga social networking sites para sa komunikasyon kesa sa

personal na pag-uusap. Sa kabila ng mga negatibong epekto nito masasabing

malaki ang tulong nito sa tao, lalo sa kabataan ngayon. Sa kabuuan ng paksang

ito masasabing ang pagamit ng mga website na nabangit ay nakadepende sa

gumagamit Dapat natin pag-isipan ang lahat ng ating gagawin sa mga social

networking sites lalo na kung maraming tao ang nakakakita nito ika nga nila

“Think before you click”

Suliranin at Layunin ng pag-aaral

1. Ano ang social networking sites?

2. Bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa social networking sites?

3. Ano ang mga negatinong epekto ng social networking sites sa kabataan?

4. Ano ang mabuting pakinabang nito para sa kabataan

5. Ano ang epekto ng sobrang paggamit ng social networking sites?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maipaliwanag ang epekto ng social

networking sites sa mga kabataan. Bakit sila nahuhumaling ditto? Ano ang mga

negatibong epekto nito sa pag-iisip ng mga kabataan? Makakabuti ba ang sobrang

paggamit nito? Nakakatulong ba ito sa pag-aaral ng mga kabataan?


Batayang Konseptwal/Teoretikal

Mga Estudyante Impormasyon hingil Maipaalam ang mga

ng World Citi sa epekto ng epekto ng paggamit

Colleges. Quezon paggamit ng social ng social networking

City networking sites sa sites sa mga

mga kabataan. kabataan

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng social networking sites sa mga

kabataan. Saklaw nito ang mga kabataang nag-aaral saWorld Citi Colleges sa

unang semester ng akademikong taon ng 2013-2014.


Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang Facebook ay isang social networking sites na maari kang makipag komunika

sa mga taong malalayo.

Ang Twitter ay isa ring social networking site na maari kang magpost ng litrato,

mensahe.Kung saan pwede mo ifollow o sundan ang profile ng mga iniidolo

mong artista o hilig.

Ang tumblr ay isa ring social networking site na maari kang mapost ng mga

larawan, mensahe at maaari mong i-follow o masundan ang iyong mga hilig at

interes.

Ang Yahoo naman ay isang email sending website na maari kang mag-dagdag ng

contacts mo na mapapadalhan mo ng mensahe gamit ang e-mail.

Ang Social Networking Sites ay mga website na maaring mapuntahan o masalihan

sa pamamagitan ng internet, nakakatulong ito sa komunikasyon ng tao.

Ang account naman sa social networking sites ay ang iyong sariling o personal na

space sa mga social networking sites.

Ang Link ay nagsisilbing ungnayan o daluyan sa ibang website.

Ang Selfie ay isang makabagong salita na tawag ng mga kabataan ngayon sa

iyong sariling litrato.

Ang Cyberbully mga tao na nanghaharas o gumagamit ng mga masasakit na salita

laban sa ibang tao sa pamamagitan ng teknnolohiya o ng internet.


Ang internet ay isang tsanel ng kung saan madalian kang makakasagap ng

impormasyon at madali ding makakapag-bigay nito.

Ang add-as-friend sa Facebook ay isang proseso sa mga networking sites kung

saan maari kang makipag-ugnay sa iba pang tao na mayroon account.

Ang deactivate naman sa Facebook ay ang pagtangal o pagsawalang bahala ng

iyong account. Upang wala ng iba pang makakita nito.

Ang Profile naman sa mga networking sites ay ang iyong personal na

impormayson na maaring makita ng kahit na sinong nakakaugnay mo sa

networking sites. Litrato ng may ari ng account at mga aktibidad nya ang makikita

dito.

Ang Easy Access ay ang madaliang pagkuha o proseso ng kahit na anong gawain.

Ang Freedom of Speech naman ay ang kalayaan ng kahit na sino na maipahayan

ang kanyang saloobin, damdamin o opinion.

Ang Epekto ay ang resulta ng isang gawain o mga bagay.

Ang artikulo ay isang sulatin na makikita sa mga dyaryo magasin at sa internet.

Ang Website(s) ay isang lokasyon sa internet kung saan naimimintina ang mga

pahina sa World Wide Web.

Ang Tsanel ay isang daluyan.

Ang Impluwensya ay ang kapasidad o epekto ng isang bagay sa tao o epekto ng

isang tao sa kanyang nakakasama.


Ang Pagkritika ay kagaya lamang ng pamimintas. O paghahanaap ng mali sa

ibang tao.

Ang Contact Number ay ang numbero ng isang partikular na tao kung saan maari

mo silang makaugnayan, mapadalhan ng mensahe at matawagan.

Ang Depresyon ay ang pakiramdam ng pagbaba ng tingin sa iyong sarili o

kawalan ng pag-asa sa mga bagay bagay.

Ang Text Message ay ang mensahe na maaring maipadala sa pamamagitan ng

mga telepono.

You might also like