You are on page 1of 4

El Filibusterismo (Buod) Kabanata 1-39 Kabanata 1: Sa Kubyerta “sic itur ad astra” Ganito ang landas ng

mga Bituin

Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero patungong
Laguna:

- Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila ng
pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban
sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi
buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang
ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura.

- Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba
kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta.

- Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda siya ay
magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad
pa.

- Donya Victorina – tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil sa
kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na lang mga Indiong nabuhay sa
mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na
tulad niya rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na damit.) Nandito
siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don Tiburcio de Espadana at
nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang bagong kulot na buhok.

Mga Nasa Kubyerta:

Tatlong Fraile –uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa kanan

Don Custodio – payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto

Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) – isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila sapagkat siya
ay nag-iisip

Simoun – ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Heneral.

Ang Pagtatalo:

Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang proyekto ng
isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi
ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib.

• Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting
lawa ditto sa Pilipinas,

• Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng isang
tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito
ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at
mapipigil ang pagtubo ng mga balaho.
Sumagot naman si Don Custodio – sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa
proyektong iyan.

Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at imbes
na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain
ang mga manggagawa

Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala.

Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang puhunan.
Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng
mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma.

- Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang pigilin
ang mga rebolusyon?

Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim ng lawa
para lumalim ito ng walang gumagawa.

Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat dadami
ang mga pato na magbubunga ng balot.

Kabanata 2: Ibabang Kubyerta

Basilio – nakatatanda at nakasuot ng itim, estudyante ng Medisina , at kinikilala sa kaniyang mabuting


panggagamot at kahanga-hangang pag-aalaga sa may-sakit.

Isagani – higit na mataas, higit na malusog bagamat mas nakababata kay Basilio. Isa ito sa mga makakata
kung hindi man mambebersong lumitaw sa taong iyon sa Ateneo, may kakaibang ugali,

karaniwang ayaw makipag-usap, at malimit sumpungin at hindi kumikibo.

- Kinakausap si Basilio ni Kapitan Basilio tungkol sa kalagayan ni Kapitan Tiago. Malubha na kasi si
Kapitan Tiago sa opyo at dagdag pa nilang pinag usapan ang tungkol sa Academia de Castellano kung
saan puro balakid ang mga naitanong ni Kapitan Basilio

Paano makukumbinsi na pahintulutan: Niregaluhan si Padre Irene ng isang pares na mga kastanyo para
tumulong sa pagkumbinsi.

Pondo? Magbibigay ng isang real ang bawat mag-aaral

Propesor? Mga Filipino ang kalahati at mga Peninsular ang kalahati

Lugar? Ibinigay ni Makaraig ang isa sa mga bahay niya upang gawing paaralan

Dito nalaman na si Don Tiburcio ay nagtatago pala sa bahay ng Tiyuhin ni Isagani na si Padre Florentino.

Pakikipag-usap ni Simoun:

Inalok niyang uminom ang dalawa ng serbesa sapagkat sabi nga ni Padre Camorra ay mabuting uminom
nito, ngunit tumanggi si Isagani at Basilio. Sumagot si Basilio na kung tubig na lang siguro ang iniinom ni
Padre Camorra ay titigil ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Ang sagot naman ni Isagani ay: “
napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy.
Nagiging singaw kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa
sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo!”

- dito tinawag ni basilio na Eminensya Negra o tagapayong Capuchino/ Eminensya Gris ---si Simoun ng
Kapitan Heneral

Si PADRE FLORENTINO:

Siya ang klerigo na tiyuhin ni Isagani

Mabuting kaibigan ng kanyang ina ang arsobispo kaya ipinangakong magiging saserdote ito. Sa gulang na
25, inorden siya nang arsobispo at noong namatay ang kanyang ina, iniwan sa kanya ang lahat ng
kayamanan nito. Ilang linggo bago ang kanyang unang misa, nagpakasal sa iba ang kanyang mahal at
dahil dito ay inilubog niya ang kanyang sarili sa kanyang parokya, at itinalaga sa sarili ang tungkulin sa
kanyang mga nasasakupan. Nang maganap ang pangyayari noong 1872, iniwan niya ang kanyang
parokya at nagretiro. Inampon niya ang kanyang pamangkin na si Isagani ( na sabi ng iba ay anak niya sa
dating katipan nagn mabalo ito at ang ibang naka aalam naman ay nagsabing: anak daw ito ng isa niyang
pinsan sa Maynila.

Kabanata 3: Mga Alamat

Ich weiss nich was sol les bedeuten Dass ich so traurig bin! “Hindi ko batid ang kahulugan kaya lubha
kong ikinalulumbay”

MGA ALAMAT:

1. Donya Jeronima – dati siyang kasintahan ng isang estudyante na nangakong magpapakasal sa kanya.
Matagal siyang naghintay ngunit nakalimot ito kaya naman siya ay tumaba nang lubusan. Isang araw
nakatanggap na lamang siya ng balita na arsobispo nap ala ang dating kasintahan at nang puntahan niya
ito upang tuparin ang dating pangako, ngunit sa huli ay imposible na itong mangyari kaya naman nag-
utos na lamang ang arsobispo na gumawa ng kweba para kay donya Jeronima. Sa sobrang katabaan daw
nito, kailangan pang tumagilid para makapasok ito sa kweba at naging bantog din siyang engkantada,
sapagkat may ugali daw itong maghagis sa ilog ng mga pinggan at kubyertos na pilak.

2. Buwaya na naging bato – nanalangin kay San Nicolas ang isang Tsino noong tumaob ang bangka niya
at nasa aktong sasagpangin ng mga buwaya.

3. Alamat ng Malapad na Bato

4. Ang pagkamatay ni Ibarra

Kabanata 4: Kabesang Tales

* Naninirahan sila dati sa pusod ng gubat. Si Tandang Selo, Telesforo –kanyang asawa at 3 anak. Isang
araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan sapagkat akala nila’y wala naman itong may-
ari at sa pangyayaring ito namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat.
Noong umpisa walang pumapansin sa kanila nguning nang aani na sila sa unang pagkakataon, isang
korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman at
iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagama’t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng
taunang buwis na 20 o 30 piso.

* Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa siyang Kabesa o taga
kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang
nagpupuno dito galing sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at dito
na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng
dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay.

* sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado. Hindi na nakapag aral
si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan,
nakidnap si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta
nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay
Hermana Bali upang punan ang 250 Piso na kulang.

Kabanata 5: Ang Nochebuena ng Isang Kutsero

Sinong – ang kutsero ni Basilio na kinulata ng mga guwardiya SIbil sapagkat naiwan niya ang kanyang
sedula. Mga Santo sa Prusisyon: Matusalem Gaspar, Baltazar, Melchor San Jose Birheng nakasuot ng
Divina Pastora

You might also like