You are on page 1of 5

PROYEKTO SA FILIPINO IV

PAGSUSURI SA MGA
NOBELANG PILIPINO

INIHANDA NI:
ADRIAN VIRR KATIPUNAN

IPINASA KAY:
BB. MARY AN NEPOMUCENO
ANG TUNDO MAN AY MAY LANGIT DIN (KAB. 8)
NI: ANDRES CRISTOBAL CRUZ
(ISANG PAGSUSURI)

I. MGA TAUHAN
VICTOR DEL MUNDO – ISANG LAKING-TUNDO NA WORKING STUDENT (NAGTRABAHO SA
ISANG PALIMBAGAN) NA NAGSUMIKAP MAKATAPOS NG KOLEHIYO. SIYA’Y NAGING GURO
SA TORRES HIGH SCHOOL. SIYA AY ISANG IDEALIST NA NANINIWALANG ANG MAGULO AT MAHIRAP
NA TUNDO AY MAY LANGIT DIN O KATUMBAS NA KAGINHAWAAN.
ALMA FUENTES – ISANG BABAENG GALING SA MAYAMANG PAMILYA. SI ALMA AY SANAY SA
MARANGYANG URI NG PAMUMUHAY. NANG NALAMAN NIYA ANG PAGKAKABUNTIS NG KANYANG
AMA SA ISA NILANG LABANDERA. KAYA SIYA’Y UMALIS SA PRIBADONG KOLEHIYO NA PINATATAKBO
NG MGA MADRE NA KANYANG PINAPASUKAN AT LUMIPAT SA KOLEHIYO KUNG SAAN NAG-AARAL SI
VICTOR.
FLOR FLORES – ISANG MAGANDANG BABAE NA NOO’Y NAKATIRA RIN SA TUNDO AT DATING
KASINTAHAN NI VICTOR.
LUKAS “LUKAS BAKAS” DEL MUNDO – ANG NAKATATANDANG KAPATID NI VICTOR. SI LUKAS
AY ISANG LALAKING MABARKADA NA WALANG PERMANENTENG TRABAHO, NGUNIT MINSAN AY
MAYROON SIYANG PINAPASADANG PAMPASAHERONG JEEP
TATONG BAMBAN – ISA SA MGA KAIBIGAN NI LUKAS NA NAGING KAIBIGAN NA RIN NI
VICTOR.
DOLORES – DATING LABANDERA NG MGA FUENTES AT NGAYO’Y KATULONG NI FLOR.
NABUNTIS SIYA NI MISTER FUENTES AT BINAYARAN UPANG UMALIS SA KANYANG PINAPASUKAN AT
MANAHIMIK.
SION DEL MUNDO – NANAY NINA LUKAS AT VICTOR, ISANG BIYUDA MATAPOS MAPASLANG
ANG KANYANG ASAWA SA TRABAHO.
MINNIE – PINSAN NI ALMA. AMA NIYA ANG MAY-ARI NG OPISINANG DATI’Y PINAPASUKAN
NI ALMA
NICK – PINSAN NI ALMA AT KAPATID NI MINNIE
MONCHING – MASUGID NA MANLILIGAW NI ALMA AT KAIBIGAN NI NICK. ISA RING KAGAYA
NIYANG LAKI SA YAMAN.
POCHOLO – NAKATATANDANG KAPATID NA LALAKI NI ALMA. SANAY ITO SA MARANGYANG
URI NG PAMUMUHAY.
MISTER FUENTES – AMA NI ALMA, NAKABUNTIS KAY DOLORES NA DATI NILANG LABANDERA
TONYO FLORES – ASAWA NI FLOR NA MAYROON PALANG NAUNANG ASAWA, SI CHABENG.
CHABENG FLORES – TUNAY NA ASAWA NI TONYO. MAYSAKIT, MAY ALTA PRESYON, AT
MASAMA RITO ANG MAGKAANAK PA.
KONSEHAL PAKING – ISANG KONSEHAL SA LUGAR NINA VICTOR. HANDA SIYANG TUMULONG
SA MGA TAGA-LOOBAN DAHIL MALAKI ANG MAIITUTULONG NG KANYANG MGA KAWANG-GAWA SA
KAYANG IMAHE BILANG ISANG PULITIKO
PASING – ISANG WEYTRES SA RESTAWRANG INTSIK MALAPIT KINA VICTOR. LOVE INTEREST NI
LUKAS.
OPRENG – ANAK NI MANG SIMON AT NAGSISILBING PINUNO NG ISANG SAMAHAN NG MGA
KABATAAN NA NAITATAG SA LUGAR NINA VICTOR.
MISTER DEL PILAR – MAY-ARI NG PALIMBAGANG PINAPASUKAN NI VICTOR. ISA ITONG
MABAIT NA AMO NA DUMALO PA SA PAGTATAPOS NI VICTOR.

II. PANAHON / TAGPUAN


ANG TAGPUAN AT PANAHON AY MAKATOTOHANAN. SA TUNDO ITO NAGANAP AT SA IBANG
LUGAR NA MATATAGPUAN O MAY KINALAMAN SA KASAL NILA. NAGING MAKABULUHAN ANG AKDA
DAHIL NAPAGHANGUAN DITO ANG ISANG TIYAK NA PANAHON MULA SA ISANG TIYAK NA LUGAR.

III. BUOD/ BANGHAY


NAGSIMULA ANG ANG TUNDO MAN MAY LANGIT DIN SA PAGTAWAG NI FLOR KAY VICTOR
UPANG SILA’Y MULING MAGKITA. NAGTAGPO ANG DALAWANG DATING MAGSINGIROG SA DATI
NILANG MADALAS NA PUNATAHAN NA PALAMIGAN SA QUIAPO. DOON NALAMAN NI VICTOR NA
DALAWANG BUWAN NANG NAGDADALANGTAO SA FLOR SA KANYANG ASAWA NA SI TONYO. NAG-
USAP ANG DALAWA AT DAHIL DITO’Y NA HULI SA VICTOR SA NAPAG-USAPAN NILANG TAGPUAN NG
KANYANG KAKLASE NA SIALMA. NAGKAGALIT NAG DALAWA, AT MATAPOS NOON AY
NAPAGPASYAHAN NI VICTOR NA DALAWIN SI FLOR SA KANYANG TINITIRAHANG APARTMENT. PAG-
UWI AY NAKIPAG-INUMAN SI VICTOR SA KANYANG NAKATATANDANG KAPATID NA SI LUAS AT ANG
TATLO NITONG KAIBIGAN NA SINA PAENG GASTI, TATONG BAMBAN, AT PILO. MATAPOS NOON AY
NAPAAWAY ANG MAGKAPATID NA DEL MUNDO SA APAT NA WARAY NA UMAGAW SA KANILANG
SERBESA NOONG SILA’Y NASA RESTAWRAN. KUMALAT ANG PAKIKIPAGBAKBAKANG ITO SA BUONG
LOOBAN.

KINABUKASAN SA PAARALAN AY MAY BISITANG DUMATING., ISANG AWTORIDAD SA


KASAYSAYAN NG PILIPINAS NA ANG PANGALAN AY AGILA. HINDI ITO NAKASUNDO NI VICTOR AT
KINUWESTYON NIYA ANG NATURANG LIBRO NG NASABING MANUNULAT. SI ALMA NAMAN AY NA-
REALIZE NA NA MAY GUSTO SIYA KAY VICTOR AT BUMILI ITO NG ISANG TALAARAWAN O DIARY
UPANG DITO ISULAT ANG KANYANG MGA SALOOBIN. NAPAGPASYAHAN DIN NITO NA MAGKAROON
NG ISANG PAGTITIPON PARA SA KANYANG MGA KAKLASE SA KANILANG BAHAY, KASAMA NA RITO SI
VICTOR. SA ARAW NG PARTY AY PUMUNTA MUNA MULI SI VICTOR SA APARTMENT NI FLOR, AT SILA’Y
MULING NAG-USAP. PAGKATAPOS AY TUMULOY NA SIYA SA PARTY NI ALMA, KUNG SAAN AY
INIMBITAHAN DIN PALA NG MGA MAGULANG NIALMA ANG KANYANG MGA MAYAYAMANG KAIBIGAN.
PAG-UWI AY BINIGYAN SI VICTOR NG KANYANG INA AT KUYA NG TOGA PARA MAISUOT SA KAYANG
NALALAPIT NA GRADUATION.

IV. IMPLIKASYON SA LIPUNAN

V. TEORYANG KINABIBILANGAN
ANG KWENTONG ITO AY NASA TEORYANG ROMANTISISMO SAPAGKAT ITO AY NAGPAPAKITA
NG ISANG DAMDAMIN. ITO AY HINDI NIYA ITINAGO SA KABILA NG MAARING MAKASAKIT SA IBA.
IPINAKITA RITO ANG ISANG TUNAY NA TAUHAN NA IPINAPAKITA ANG TUNAY NIYANG DAMDAMIN SA
DATI NIYANG KASINTAHAN SA KASINTAHAN NIYA SA KASLUKUYAN. NGUNIT SA AKING PLAGAY ITO'Y
MAS DAPAT DAHIL IPINAPAKITA NIYA TALAGA SA KANYANG KASINTAHAN KUNG ANO ANG KANYANG
NARARAMDAMAN AT NAIISIP KAHIT HINDI NIYA ITO MAGUSTUHAN DAHIL MAGBIBIGAY ITO NG LUBOS
NA PAGKAKILALA SA ISA'T ISA.
VI. REPLEKSYON
ANG NOBELANG ITO NI ANDRES CRISTOBAL CRUZ AY NAKATUON SA PAG-IIBIGAN NINA
VICTOR ATALMA, DALAWANG TAONG PINAGHIHIWALAY NG MAGKAIBANG MUNDO. ANG KWENTO
NILA’Y TILA ISANG TELENOBELA: SI ALMA’Y ANG LANGIT HABANG SI VICTOR NAMAN AY LUPA. ISA ITO
SENTONG TEMA NG NOBELA. ANG KARAKTER NI VICTOR AY ISANG REPRESANTASYON NG MAHIRAP
NA NAKAABOT SA KOLEHIYO AT NAKAPAGTAPOS GAMIT ANG SARILING SIKAP. NANGANGARAP
SIYANG MAPAULAS ANG SARILI AT ANG KANILANG PAMUMUHAY GAMIT NG EDUKASYONG
NAKAMTAN. ITO ANG MAGSISILBING “LANGIT” NG TUNDO NA LUBOS NA PINANINIWALAAN NI
VICTOR. SI ALMA NAMAN AY “ NAGHIHIMAGSIK” MULA SA LIPUNANG KANYANG KINALAKIHAN: ANG
ALTA SOCIEDAD NA PUROS LUHO AT KASAKIMAN SA PERA. TINALIKURAN NIYA ANG NAKASANAYANG
MARANGYANG PAMUMUHAY AT NAGTRABAHO KAHIT HINDI NAMAN KINAKAILANGAN. SI ALMA AY
NAGHAHANGAD DIN NG KANYANG SARILING LANGIT, AT IYON AY SA PILING NI VICTOR.

You might also like