You are on page 1of 3

KITAKITA, KITAMOKO.

Kitakita,

Gaya ka pa rin ng dati, walang pinagbago. Bihasa ka pa rin sa larangan ng panggagago.

Siguro ngayon, dumoble na yung skills mo, naks naman buti pa dyan meron kang progreso.

Next time focus naman tayo sa ibang aspeto, pag-aralan mo naman kung pano maging seryoso.

Kitakita,

Lalo ka ngang gumwapo, pangmalakasan na yung porma mo.

Nako delikado yan. Tyak madami ka na namang babaeng maloloko.

Di ko naman sila masisisi, ako nga e, nalinlang mo.

Ayos yan, sa sobrang husay mo, pati damdamin ng tao pinaglaruan mo. At isa na ako dun sa mga
nabiktima mo.

Ang galing mo din no? Bumuo tayo ng kwento na di man lang nakumpleto.

Sinimulan mo sa malambing na pagsuyo at sa matatamis na salitang namuntawi sa mga labi mo,

at ako nama'y napaniwala mo at di nagtagal ako'y sumagot ng oo.

Subalit ng dumating sa climax bakit bigla kang nagbago?

Kung kailan mahal na mahal kita at ayaw na kitang mawala dun ka pa naglaho.

Magisa kong tinapos yung istorya, ni wala man lang akong ideya kung bakit humantong agad sa
konklusyon.

Konklusyon na wala ka na at ako na lang yung naiwan kaya wala na kong magagawa kundi tanggapin ang
lahat ng nangyari kasi yun na lang yung solusyon.

Yun na lang yung sulosyon upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko na idinulot mo ng maisipan
mong lisanin ako.

Akala ko ba ikaw lang at ako?

Gumawa tayo ng istorya na sa simula tayo lang dalawa yung pangunahing tauhan,
pero ako na lang magisa pagdating nung dulo.

Ginawa ko ang lahat dahil minahal kita ng sobra. Alam kong hindi ako handa, pero sumabak pa rin ako sa
gyera.

Akalain mo yun? Pinaglaban kita ng buong puso hanggang kamatayan,

pero di ko alam ikaw pala talaga yung tunay na kalaban?!

Sa sobrang galing mong manloko, napaniwala mo kong kakampi kita.

Kung alam ko lang, sana nung may pagkakataon, sinaksak na lang kita.

Nang mapanuod ko ang pelikulang KitaKita, pinangarap kong maging katulad ni Lea.

Sino ba namang hindi nanaising maging sya,

eh ang swerte nya dahil may Tonyo syang mahal na mahal sya.

Okay na sana kaso itong si tadhana may galit ata sakin, kasi yung hiniling ko, Tonyo...

Pero bakit yung binigay nya sakin yung sumusunod sa yapak ni Luis Manzano.

Nung iniwan mo ko, dun ko narealize na di ko na dapat pangarapin pang maging si Lea kasi nung umpisa
pa lang bulag na ko.

Nabulag ako sayo,

Sa mga ngiti mong hanggang ngayon kapag naaalala ko, kinikilig pa rin ako.

Sa mga haplos mong hanggang ngayon damang dama ko pa sa balat ko.

Sa mga halik mong hanggang ngayon lasap ko pa din ang lasa sa mga labi ko.

Sa mga pangako mo na hanggang ngayon di ko malaman, di ko maintindihan kung bakit pinaniwalaan ko,

Bulag ako, di ko man lang sinigurado kung mahal mo ba talaga ako.

Pero ano pa bang magagawa ko?

Tapos na, nandito na tayo.

Umalis ka na, naiwan na ko.


Nagawa mo na, nasaktan na ko.

Salamat na lang, dahil sayo natuto ako.

Na walang bagay na permanente sa mundo, lahat nagababago.

Na dapat hindi ako makuntento sa baka sakali at siguro, kailangan laging sigurado.

Na hindi sapat na batayan ang 'gusto kita at gusto mo ko' para umasa akong tayo lang hanggang sa dulo.

Natuto na ko.

Kitamoko, ako na yung babaeng sinayang mo, nagbago na ko. Di na ko magpapaloko sa mga katulad mo.

Wag mo akong babalikan dahil nakausad na ko at di ko na kailangan ang presensya mo.

Kitamoko, kaya ko pala kahit wala ka sa piling ko, kaya ko pala na tumayong magisa ng walang tulong mo.

Kaya ko palang walang ikaw at ako, kaya ko palang walang tayo.

Kitamoko?

Di na ko babalik sayo.

You might also like