You are on page 1of 35

KABANATA I

Panimula

Ayon sa Greenpeace, sa kabila ng pagkakaroon ng pagbabawal sa pagpasok ng mga nakakalason

at mapanganib na basura sa bansa, ang Pilipinas ay naging isa sa mga nangungunang destinasyon ng

hazardous waste mula sa mga industriyalisadong bansa tulad ng Australia, Canada, United Kingdom,

Germany at United States. Sa partikular, ang karamihan sa mga hazardous waste na ito ay ang mga scrap

lead ion na baterya, ito ay inaangkat sa ating bansa sa pamamagitan ng pagkukunwaring ito ay para sa

recycling. Ngunit ang ginagawa talaga nila ay nagtatambak ng basura sa bansa matapos ang konti o halos

walang processing. Ang Republic Act 6969 ay naglalayon na protektahan ang ating bansa mula sa pagpasok

ng mga hazardous waste, kaya naman naglunsad ng isang kampanya ang iba’t bang mga NGO kasama ang

Philippine Recyclers Inc, Bantay Kalikasan, at DENR sa pagtataguyod ng isang advocacy upang mapabuti

ang pag-recycle ng mga lumang lead ion na mga baterya. Pero sa kabila nito, nagawa pa rin ng Canada na

magpadala ng mga basura sa ating bansa sa illegal na pamamaraan. Ito ay puno ng samu’t saring mga

nakakalason na kemikal at e-waste. Ipinaliwanag ni Trudeau noong 2015 na posible daw na maibalik ang

mga basura na ito sa kanilang bansa, gayunpaman, hindi siya gumagawa ng pangako. Mahigit 4 na taon na

itong problema ng ating bansa ngunit nananatili pa rin itong walang lunas.

Dahil sa pagwawalang bahala sa environemtal policy ng ating bansa, mahigit 58% ng ating

groundwater ay nakontamina na ng mga basurang E-waste na nagresulta sa pagkakaroon ng polusyon sa

tubig (Asian Development Bank, 2009). Tanging 1/3 lamang ng Philippine river systems ang maaaring

pagkunan ng public water supply (Ibidem, 2007). Tinatayang sa taong 2025, ang availability ng tubig ay

maaaring magkulang sa mga pangunahing lungsod, at ayon sa World Bank (2003), bukod sa malubhang

problema sa kalusugan, ang polusyon ng tubig dahil sa mga lead ion na baterya ay maaaring maging dahilan

ng problema sa industriya ng pangingisda at turismo.

1|Page
Ayon sa Environmental Education Programme, ang isang tao ay nagmamay-ari ng mahigit

dalawang button na baterya, sampung alkaline na baterya (A, AA, AAA, 9V, atbp) at nagtatapon ng walong

pang-household na baterya kada taon. Maaaring magmukha itong isang napakaliit na bilang lamang pero

hindi ito biro lalo na kapag isasama ang buong populasyon ng Pilipinas, na nasa mahigit-kumulang 100

milyon ayon sa Philippine Statistics Authority (2017). Binubuo nito ang 20% ng mga hazardous waste na

matatagpuan sa bansa, at dahil dito, mas lalo pang nalalagay sa panganib hindi lamang ang ating supply ng

tubig kundi pati ang ating kalusugan. Dahil ang lead ion na baterya ay binubuo ng lead, cadmium, mercury,

potassium, nickel, at cobalt na madaling masisipsip ng mga ugat ng halaman at maiipon sa mga prutas,

gulay at damo na kinukunsumo ng mga hayop at tao na makakaranas ng iba’t ibang sakit at masasamang

epekto sa paglipas ng panahon. Maaari din itong kumalat sa lupa at tubig sa pamamagitan ng pagdaloy sa

mga landfills, pati na rin sa hangin sa pamamagitan ng pagsunog sa mga bateryang ito sa municipal waste

combustors na nagpapalabas ng toxins at humahalo ang usok sa hangin (Agency for Toxic Substances and

Disease Registry).

Sa kadahilanang ito, gumawa ang mga mananaliksik ng isang pintura na magsisilbing pamalit sa

mga bateryang ito na nagdudulot ng panganib hindi lamang sa kapaligiran kundi pati sa ating kalusugan.

Ito ay binuo ng may intensyon na palitan ang mga nakakalsong baterya na gamit ng mga Pilipino. Itong

pinturang ito ay gawa sa balat ng niyog at ilan pang mga hindi nakakalasong mga materyal upang makagawa

ng mas ligtas, mas mahusay, at mas abot kayang power source na magreresulta sa pagkabawas sa bilang ng

mga nakakalalasong E-waste (karamihan ay lead at lithium ion batteries) sa ating bansa na nagdudulot ng

polusyon di lamang sa ating tubig na iniinom at pagkaing kinakain kundi pati na rin sa hangin na ating

nalalanghap.

2|Page
Balat ng Niyog

Gumamit ang mga mananaliksik ng balat ng niyog dahil ayon kay Zhu, J (2017), ito ay maaaring

maging alternatibong pinagkukunan ng enerhiya. Natuklasan rin nina Astuti, F. et. al (2015) sa kanilang

pag-aaral na “Pisikal na Katangian ng Reduksiyon ng Graphene Oxide mula sa Pag-init ng Coconut shell”

noong 2016 na maaaring pagkunan ng enerhiya ang coconut shells dahil ito ay nagtataglay ng graphene

oxide na mayroong 2-4 volts.

Ang balat ng niyog ay isa ring conductor (Kondurun & Evans, 1999) at mainam na uling (Cobb et.

al, 2012). Ito ay gawa mula sa biomass (materyal na maraming cellulose, at pinagkukunan ng carbon) sa

pamamagitan ng proseso ng pyrolysis o pagsusunog sa temperaturang hindi bababa sa 300 degrees Celsius

(Evans, w.p.).

Ang isa pang patunay dito ay ang pag-aaral na ginawa nina Sun et al. noong 2013 tungkol sa

paggawa ng supercapacitors mula sa balat ng niyog. Nakalagay sa kanilang papel na ito raw ay maaaring

magbigay ng low-resistant pathways at short ion-diffusion channels para sa storage ng enerhiya, at sa gayon

ay maging isang mahusay na materyal para sa mga supercapacitors. Gumawa ang mga mananaliksik ng

panibagong supdercapacitor at superconductor mula sa balat ng niyog ngunit gumamit kami ng

Polyurethane, Polyvinyl Acetate o pandikit, at Phosphoric acid sa halip ng Iron Trichloride at Zinc Chrolide

na ginamit ng mga orihinal na mananaliksik.

Ang balat ng niyog ay isa sa mga pinaka sikat na reneweable resource sa rural electrification ng

mga mauunlad na bansa. Ang pamamaraan na ito ay mas napapanatili kaysa sa pag-import ng diesel na

isang fossil fuel na may posibilidad na maubos baling araw (Bradley, 2006). Pero dahil kinikilala ang balat

ng niyog bilang isang agricultural waste, ito ay maraming pagkukuhnang supply lalo na sa mga tropikal na

mga bansa (Zafar, 2015).

Ang paggamit ng balat ng niyog bilang alternatibong energy source sa iba’t ibang industriya ay

maaaring bumuo ng isang lokal at environment-friendly fuel source. Sa pagbubuo ng isang supply chain

3|Page
mula sa maliliit na plantations, maaaring makabuo ng mga panibagong trabaho at magresulta sa

karagdagang kita ng mga lokal na magsasaka. At kung ikukumpara sa paggamit ng fossil fuels,

mapapabagal ang tuluyang pagkaubos ng ating natural na resource at mababawasan rin ang negatibong

epekto nito, lalo na ang mga emission tulad ng CO2 na tumutulong sa lalong pag init ng mundo at pagkasira

ng ating ozone layer (Lechtenberg, 2012).

Other sources

Maraming maaaring gamitin bukod sa balat ng niyog, tulad ng bamboo o kawayan, kahoy, lignite,

coal o uling, at petroleum pitch. Ngunit balat ng niyog ang pinili naming sapagkat ang Pilipinas ay sagana

sa niyog, sa katunayan, isa ang ating bansa sa may pinakamalaking produsyer ng niyog sa Asya (Top of

Anything, w.p.). Kung ikukumpara ang porosity ng mga ito, mainam na ibase ito sa laki o liit ng sukat ng

mga pores, ang Macropores ay ang may pinakamalaking sukat ng butas na nasa 50 o mas mataas na

nanometers [nm]; Mesopores na nasa 2 hanggang 50 nanometers at Micropores na nasa 2 o pababang

nanometers. Ang maliit na butas ay mas epektibo kaysa sa malalaking butas o pores (Kalpaka, 2015). Mas

maraming micropores ang balat ng niyog kaysa sa bamboo. Mas marami rin ang micropores ng balat ng

niyog kaysa sa uling dahil ito ay mas maraming mesopores kaysa micropores habang ang kahoy naman ay

walang micropores at mayroon lamang mesopores at macropores. Ang abo o ash naman ng balat ng niyog

ang may pinaka mababa kaysa sa uling at kahoy. Sa pagkakaroon naman ng mga heavy metals o mga

mabibigat at nakakalasong mga kemikal, nangunguna ang uling sapagkat ito ang may pinaka mataas na

bilang ng kemikal. Ito ay binubuo ng hydrogen, oxygen, nitrogen, ash, sulfur, chorine at sodium. At ayon

sa isang ulat mula sa Environmental Protection Agency, kapag humalo ang chlorine sa organic compounds

na kadalasang matatagpuan sa tubig, ang magiging byproduct o resulta nito ay ang tinatawag na

Trihalomethanes (THMs). Ang mga byproduct na ito ay gumagawa ng mga free radicals sa katawan, na

nagiging sanhi ng cell damage — ito rin ay makikitaan ng mataas na lebel ng carcinogen, kahit sa mga

4|Page
maliliit na dami lamang (Robbins, 2017). Ayon naman sa Harvard school of Public Health (w.p.), ang ating

kidneys ay may problema sa pagpapanatili sa labis na sodium sa daluyan ng dugo. Habang naiipon ang

Sodium, nag-iimbak ang ating katawan ng tubig upang matunaw ito. Ito ay nagreresulta sa pagdami ng

fluids na pumapalibot sa mga cells at ang dami ng dugo sa daluyan o bloodstream. Ang mataas na dami ng

dugo ay nangangahulugan ng higit pang trabaho para sa puso at higit na presyon sa mga daluyan ng dugo.

Sa paglipas ng panahon, ang sobrang trabaho at pressure ay maaaring magtungo sa pagtigas ng mga daluyan

ng dugo, na humahantong sa high blood pressure, heart attack, at stroke.

Ang kahoy ay may mababang lebel ng kemikal, ito ay binubuo ng iba’t ibang kemikal depende sa

uri nito. Pero ang kadalasang komposisyon ng kahoy ay 50% carbon, 42% oxygen, 6% hydrogen, 1%

nitrogen, at 1% ng iba pang mga sangkap na maaaring maging alinman sa mga sumusunod: calcium,

potassium, sodium, magnesium, iron, at manganese. Kadalasan ay naglalaman din ito ng sulfur, chlorine,

silicon, phosphorus, at iba pang mga elemento. Ayon sa Live Science (w.p.), kapag sinunog ang sulfur, ito

ay nagreresulta sa asul na apoy at sulfur dioxide gas —isang karaniwang pollutant, ayon sa Environmental

Protection Agency. Ang sulfur dioxide ay karaniwang nagmumula sa mga fossil-fuel power plants bukod

sa kahoy at isa sa mga pangunahing sanhi ng acid rain. Ang Manganese naman ay isang mahalagang metal

na kinakailangan para sa pagpapaunlad, paglago, at normal na paggana ng ating katawan. Gayunpaman,

kapag labis, ang metal na ito ay may maraming negatibong epekto. Maaari itong maging sanhi ng

Manganism, isang seryosong kondisyon na katulad ng sakit na Parkinson (Kwakye, 2015).

Ang pinaka mababa o halos walang bakas ng nakalalasong kemikal ay ang balat ng niyog (Kalpaka,

2015). Ito ay binubuo lamang ng cellulose, lignin, pyroligneous acid, uling, tar, tannin, at potassium. Bukod

sa pagiging primary building material sa mga halaman, ang Cellulose rin ang pinaka masaganang organic

compound sa mundo (Encyclopedia of Science, w.p.). Ang Lignin ay isang polymer na water resistant na

gawa sa maraming layer ng Cellulose (University of Waikato, w.p.). Ang Pyroligneous acid ay tinatawag

ring wood vinegar dahil ang pangunahing bumubuo rito ay Acetic acid o impure vinegar (“Pyroligneous

Acid”, 2017). Habang ayon sa Britannica, ang Tannin ay responsable para sa astringency, kulay, at sa lasa

5|Page
sa tsaa. Ito ay karaniwang mahahanap sa ugat, kahoy, dahon, at bunga ng maraming halaman, lalo na sa

bark ng mga punong tulad ng oak, sumac at myrobalan.

Kung ikukumpara, lahat ng nabanggit ay may kemikal, ngunit ang may pinaka mamababang lebel

ng toxicity ay ang sa balat ng niyog (Kalpaka, 2015).

Pagdating naman sa availability, ang may pinakamaraming resource o pagkukuhanan ng supply

ay ang balat ng niyog dahil ito ay isang renewable source (Agricultural byproduct) habang ang kahoy ay

isa ring renewable source ngunit ito ay nauubos na. Pinaka huli ang coal sapagkat ito ay isang fossil fuel na

nangangahulugan na ito ay may limitado lamang na pagkukuhaan (Ibidem, 2015).

Polyvinyl Acetate (Glue)

Sa kabilang banda, ang polyvinyl acetate (PVA) o mas kilala sa tawag na glue ay isang polymerized

free radical vinyl polymer mula sa monomer vinyl acetate. Ikinategorya ito bilang isang thermoplastic na

natutunaw sa mataas na temperatura at nababaluktot sa room temperature. Dahil ito ay non-polar, ang glue

ay insoluble sa tubig, na mas nakakapagpatibay dito. Natutunaw din ito sa mga alcohol, ketone, at ester

(Polymer Science Learning Center, 2005). Ang glue na ginamit ng mga mananaliksik ay ang Elmer's

washable school glue sa liquid phase upang maging eksakto ang sukat at maging isang mahusay na

conductor. Ang glue na ito ay isang ligtas na materyal sapagkat ito ay isang di-nakakalason, di-carcinogenic

at di-nasusunog (Elmer's MSDS, 2012).

Ang ating bansa ay pangalawa sa pinakamalaking produsyer ng niyog sa Asya, na may ani ng higit

sa 15,000 metric tons sa isang taon (Top of Anything, w.p.). Ito ay nangangahulugan na mayroon tayong

masaganang renewable supply para sa paggawa ng mas abot-kaya, mas mahusay, at mas environment

friendly na conductive paste at polymer.

6|Page
Graphene batteries at Conventional batteries

Ayon kay Yu (2017), ang bateryang graphene ay may mataas na energy at power density. Ito rin ay

may mataas na surface area sa sukat na 2600m2g-1 na angkop para sa mga malalaking aplikasyon at

mayroong din itong mataas na porosity na tamang-tama para sa gas absorption at charge or energy storage.

Ang graphene ay mas magaang at matibay, kahit na ikumpara ito sa lithium ion na tinuturing na pinaka

magaang sa mga metal. Bukod dito, ang Graphene rin ay isang mabisang conductor ng electrical at thermal

na enerhiya. Isama pa ang pagiging flexible nito at ang pagkakaroon ng mataas na kakayanang mag-charge,

ito ay hindi makakailang may mataas rin na kapasidad ng enerhiya at charging rate. Sa kabilang banda,

ayon naman sa artikulong “Understanding Lithium-Ion” (2010), ang bateryang Lithium ion naman ay may

kakayahang magbigay ng mataas na densidad ng kuryente subalit ang paulit ulit na charge at discharge

cycle nito ay mauuwi sa pagkabuo ng hindi inaasahang mga dendrites sa anode na maaaring tumagos sa

separator at maging sanhi ng electrical shortage.

Dahil ang Graphene ay chemically stable, ang conductivity nito ay mananatiling mataas. Habang

ang bateryang Lithium ion naman ay chemically instable lalo na kapag ito ay nasa proseso ng pagcharge at

discharge (Ibidem, 2010). Kung presyo naman ang pagbabasihan, mas abot kaya ang mga bateryang

graphene kaysa sa bateryang Lithium-ion na may kamahalan ang presyo.

7|Page
Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang bisa ng graphene mula sa balat ng niyog bilang

isang superconductor na gagamiting power source ng isang thermoelectric cooling system. Dahil dito,

layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang resistance at conductance ng coconut husk graphene glue composite paste at polymer?

2. Ano ang pinakamataas na voltage capacity na makukuha mula sa coconut husk graphene paste

at polymer?

(a) Gaano karaming graphene ang kinakailangan upang makuha ang ganito kataas na voltage

capacity?

3. Gaano kabisa ang superconductivity ng graphene mula sa coconut husks upang

makapagpagana ng thermoelectric cooler?

Paglalahad ng Haypotesis

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, isinasaisip ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na

hypothesis:

1. Mataas ang electrical resistance ng coconut husk-polyvinyl composite paste at polymer.

2. Mataas ang electrical conductance ng coconut husk-polyvinyl composite at polymer.

3. Sapat ang makukuhang voltage sa graphene mula sa balat ng niyog para makapagpagana

ng thermoelectric cooler.

4. Mabisa ang graphene sa balat ng niyog upang makapagpagana ng thermoelectric cooler.

5. Makakakumpleto ng electrical circuit ang coconut husk graphene-polyvinyl composite at

polymer.

8|Page
Saklaw at Limitasyon

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mapatunayan kung gagana ba ang isang

thermoelectric cooler gamit ang graphene oxide ng balat ng niyog. Ang mga sinuri ay ang carbon sa balat

ng niyog, mga paraan at estratehiya sa pagkuha ng graphene oxide mula sa balat ng niyog, aplikasyon ng

graphene oxide bilang naiibang baterya, mga problema nito at mga iminungkahing solusyon para dito.

Nanggaling ang mga balat ng niyog sa palengke ng Pasig. Ang extraction ng graphene oxide sa

balat ng niyog ay ginanap sa Chemicals and Energy Division ng Industrial Technology at Development

Institute sa Department of Science and Technology. Ang mga aparato na gagamitin at mga kemikal ay

ipinagkaloob ng custodian ng Pasig Catholic College.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Karamihan sa mga pag-aaral tungkol sa niyog ay limitado lang sa benepisyo nito sa ating kalusugan.

Hindi gaanong kilala ang kakayahan nitong maging daluyan ng enerhiya. Ang mga puno ng niyog ay

karaniwang tumutubo sa Pilipinas lalo na sa rehiyon ng CALABARZON kung saan ang niyog ay ang

pangunahing pananim, konsumpsiyon at ang commercialization nito ay mataas (Philippine Statistics

Authority, 2017). Sa gayon, kailangan ang pag-aaral na ito dahil makakaapekto ito sa malaking populasyon

at ang potensiyal nitong matugunan ang patuloy na pagtaas ng demand ng enerhiya.

Simula noong 2016, ayon sa taunang ulat ng Kagawaran ng Enerhiya (DOE) tumaas ang antas ng

paggamit ng kuryente, naging 10.2% kumpara sa 6.7% na paglago mula 2014-2015. Ang pangunahing

dahilan sa pagtaas nito ay ang matinding pangangailangan ng mga tirahan para sa mga cooling system

kasabay sa nararanasang matinding tag-init dulot ng climate change. Ang produkto ng pag-aaral na ito ay

9|Page
makakatulong upang hindi na muli umasa sa pagsaksak ng kuryente tuwing gagamit ng mga cooling

systems tulad ng refrigerator.

Sa kasalukuyan, ang pangunahing supply ng enerhiya ay nanggagaling pa rin sa non-renewable

fossil fuels at sa mga bateryang nakakalason, upang mapailaw ang ating mga bahay o di kaya mapalamig

ito. Nais naming makatulong sa pagbabawas ng paggamit ng mga nakalalasong mga baterya at maghanap

ng renewable energy, partikular na aming inimumungkahi sa papel na ito ay ang balat ng niyog. Ito ay isa

sa mga likas na materyales na may pinakamataas na pinagkukunan ng Carbon dahil ginagamit ito bilang

uling. Ang mataas na presensiya ng Carbon ay kailangan upang makagawa ng graphene.

Pagdating sa pinagkukunan ng enerhiya, madalas maging paksa ang geothermal, solar, wind, at

wave energy, pero hindi ang biomass. Ang biomass, na mula sa organikong farm at urban wastes, ay hindi

masyadong pinag-aaralan pagdating sa renewable energy (Romero, 2017). Dagdag pa niya, mahalaga na

magkaroon ng mas maraming pagsusuri tungkol sa renewable energy na nagmumula sa biomass sapagkat

bukod sa ito ay malinis, napakarami nitong pagkukunan at tila ba’y hindi limitado ang suplay nito. Hindi

katulad ng iba pang mga anyo ng energy storage na naglalaman ng cadmium, lead, mercury, copper, zinc,

manganese, lithium, o potassium, na lahat ay mapanganib sa kapaligiran (Malavika, 2004). Sinasang-

ayunan naman ito ng pagsusuri ni Zafar (2017) dahil malaki ang gampanin ng biomass sa pagbibigay ng

enerhiya sa buong bansa. Higit kumulang tatlumpung bahagdan (30%) ng enerhiya para sa higit walumpung

milyong (80-M) Pilipino ang nagmumula sa biomass na pangkaraniwang ginagamit para sa pagluluto ng

mga pamayanang nasa rural na komyunidad.

Ang graphene ay nilinang na Carbon. Ito ang susi sa elektronik na aplikasyon nito. Ang presyo ng

graphene ngayon sa merkado ay napakamahal (5,920.43 pesos kada 250 ml.). Isa sa layunin ng aming pag-

aaral ay ang bumuo ng bateryang tulad ng graphene na may mas mababang presyo upang maraming tao

ang makinabang sa benepisyong meron ito.

10 | P a g e
KABANATA II

Metodo

Disenyo

Electrode

Ang electrode ay gawa sa isang water-based graphene na pintura mula sa coconut husks, upang

mapadali ang aplikasyon, dilusyon at pagtuyo ng mga layer ng pintura. Pinkamainam ang graphene mula

sa niyog dahil sa kanyang mataas na conductivity at surface area. , idinagdag naman ang white glue sa

coconut husk graphene paint para mas mapatibay ang composite at hindi madurog o mag-flake. Isang

technique nang pagpintura ang ginamit upang magawa ang electrode layer. Pinaghalo naman ang coconut

husk- graphene electrodes.at puting glue sa ratio na 1:5.

Electrolyte

Sa una, ang phosphoric acid ang ginamit base sa literatura at dahil sa mataas na conductivity nito.

Para sa paggawa naman ng supercapacitor, hinaluan namin ng phosphoric acid (H3PO4) bilang catalyst, at

ang white glue ng Elmer’s (PVA solution). Ang puting glue ang piniling pinakamainam na polymer kung

kaya’t pinaghalo ito sa ratio na 5:1. Pinakamainam na electrolyte ang white glue sample dahil sa mataas

na capacitance reading nito.

1
0.9
0.8
Capacitance m/F

0.7
0.6 White glue
0.5 Epoxy
0.4 Clear glue
0.3
0.2
0.1
0
11 | P a g e
Antas
Pag-assemble ng Superconductor

Para sa unang parte ng pananaliksik, kami ay naglalayong subukan ang Graphene-glue paste at

polymer (solid) gamit ang multi-meter upang masuri ang capacitance nito. Para malaman ang kakayahang

nitong dumikit sa iba’t-ibang surface, sinubukan namin pinturahan ito sa iba’t ibang klase ng substrates.

Sinubukan namin sa tatlong substrates- kahoy, copper at aluminum. (Tignan ang Appendix…)

Makakaapekto ang ibat’ ibang aplikasyon ng pagpahid ng pintura at pagkakapantay-pantay ng

pagpintura sa capacitance nito. Ang paraan na ginamit sa aplikasyon ng coconut husk-graphene paint sa

piniling mga substrate ay sa pamamagitan ng pagpintura lamang.

Pag-assemble ng Supercapacitor

Ang CHC-PVA composite ay ipinahid ng manipis sa aluminium plate at hinayaang matuyo.

Ipinagdikit ito sa pangalawang electrode, at pinatuyo. Ang mixture ay pinatuyong electrode na pinagdikit

sa isa pang layer ng coconut husk-graphene paint. Ang separator na ginamit ay isang telang pinahiran ng

polyurethane bilang adhesive. Kumikilos ang separator bilang dialectric ng isang supercapacitor.

Bukod pa rito, ang ratio at timbang ng electrolyte at electrode mixtures ay pinag-aralan upang

masigurado ang consistency nito. Para sa paggawa ng supercapacitor, kinailangan na malaman kung gaano

karaming gramo ng CHC-PVA ang kailangang idagdag sa phosphoric acid upang makuha ang

pinakamainam na capacitance. Ang 0.7g ng liquid CHC-PVA ay nagpapakita ng pinakamabuting

performance.

Para malaman ang kakayahang nitong dumikit sa iba’t-ibang surface, sinubukan namin pinturahan

ito sa iba’t ibang klase ng substrates. Tatlong set ng supercapacitor ang ginawa at ipinahid. Makakaapekto

ang ibat’ ibang aplikasyon ng pagpahid ng pintura at pagkakapantay-pantay ng pagpintura sa capacitance

nito.

12 | P a g e
0.35
0.3

Capacitance m/F
0.25
0.2 Aluminum
0.15 Copper
0.1 Kahoy
0.05
0
Category 1

Mataas ang nakuhang electrical conductivity at pinakamakinis ang copper kaya nakakuha ito ng

pinakamagandang resulta. Gayunpaman, mainam pa rin ang mga nagawang supercapacitor sa kahoy at

aluminum pero dahil sa pagiging magaspang nito, nakababa ito sa capacitance. Nakadepende kasi sa

substrate na ginamit ang performance ng electrodes.

Substrate (Aluminum
Coconut Husk Graphene
plate w/ copper wire)
- Paint – Glue electrode

Coconut Husk Electrolyte

Graphene
Acid-glue

13 | P a g e
Pamamaraan

Ang unang parte ng pag-aaral ay mayroong tatlong hakbang: preparasyon ng coconut husk

graphene, paggawa ng paste gamit ang graphene at puting Elmer’s glue at pag-init gamit ang mababang

temperatura (Mayhead, 2010). Karagdagang mga pagsubok sa superconductivity ang ginawa base sa

rekomendasyon. Bagong paste at composite ang ginamit para sa paggawa ng supercapacitor para sa

pangalawang parte ng pag-aaral.

Preparasyon ng Coconut Husk Grapehen Gamit ang Mababang Pag-iinit na Pyrolysis

Ang 25 g ng coconut husk ay sinukat sa pamamagitan ng triple beam balance at isinalang sa

mababang pag-init para hindi mapadami ang abo. Pagkatapos ng pyrolysis, ang nabuong carbon ay pinino

gamit ang blender. Ang pamamaraan na ito ay nakagawa ng 6 g ng Coconut husk graphene.

Paglikha ng Coconut Husk Graphene-Glue Composite

Itong pamamaraan na ito ay nakakabuo ng isang conductive paste. Ang 1.5 g ng pinong Coconut

husk graphene ay inihalo sa 10 g na puting glue. Ininit ito gamit ng alcohol lamp ng dahan-dahan sa

mababang temperatura o mas kilala ang prosesong ito bilang curing. Ang produkto, isang maitim at malapot

na paste.

Paglikha ng Conductive Graphene-Glue Polymer

Pagkatapos magawa ng paste, patuloy na pinainit ito sa mababang temperature upang maggamot o

cure ang polymer. Ang prosesong ito ay lumilikha ng maitim at rubber-like na composite.

14 | P a g e
Unang Pagsubok sa Resistance at Conductance ng Composites

Nasubukan ang resistance ng paste gamit ang multi-tester. Matapos makuha ang resistance, sinukat

naman ang haba ng materyal. Ginamitan ng online software converter ang mga values nito upang malaman

ang value ng conductance. Magagamit pa rin ang online program sa

http://www.cactus2000.de/uk/unit/massohm.shtml

Pagsubok sa Kakayahan ng Paste at Polymer sa Pagkumpleto ng Isang Electrical Circuit

Para higit na masubukan ang kakayahan ng paste at polymer sa pagconduct ng electricity, kinonekta

ang bawat material sa kawad na may bumbilya. Ang solid (natuyong) glue ay sinubukan para malamankung

kaya ba nito makapagpadaloy ng kuryente or makapagpailaw ng bumbilya. Parehas na pagsusuri ang

ginawa sa coconut husk graphene.

Pangalawang Pagsubok sa Resistance at Conductance ng Newly Produced Similar-Sized Composites

Para masubukan ang resistance ng bagong-gawang composites, itinakda sa 1000 Ω ang multimeter

dahil kung ito ay itatakda sa 10,000 Ω ang halaga ng resistance ay hindi masusukat o mababasa sa analog

multi-meter (Geoff the Grey Geek, 2015). Pagkatapos nito, ang bawat composite ay kinonekta sa sa

dalawang dulo ng test rods at saka binasa ang resistances nito.

15 | P a g e
KABANATA III

Resulta

Table 1: Resistance and Conductance base sa Converter

MATERIALS RESISTANCE CONDUCTANCE ABLE TO LIGHT THE


BULB
Copper 1.6949e-7 kΩ 5900.1 s/m Oo
Charcoal-PVA Polymer 50 kΩ 2e-5 s/m Oo
Polyvinyl Acetate (liquid) 25 kΩ -5
4e s/m Oo
Polyvinyl Acetate (solid) 2000 kΩ 5e-s/m Hindi
Charcoal-PVA Paste 5.698 e-7 kΩ 1755 s/m Oo
Coconut Husk Charcoal N/A N/A Hindi
Ipinapakita sa mga resulta ng pagsusuri na ang Elmer’s glue (PVA) kapag nag-iisa ay hindi mababa

ang resistance at hindi rin mataas ang conductance nito kumpara kapag pinaghalo ito sa coconut husk

graphene powder. Sa kabilang dako, ang coconut husk ay hindi kaya maging conductor mag-isa. Ang

pinatigas na Elmer’s glue (PVA) naman ay mayroong napakababang conductance at napakataas na

resistance kumpara sa pinaghalong glue at coconut husk graphene powder. Gayunpaman, ang Copper ay

isang superconductor kaya mayroon itong pinakamataas na conductivity o daloy ng kuryente at

pinakamababang resistance.At saka ang CHC-PVA polymer ay hindi nasusunog kapag sumasailalim sa

apoy.

Ang pagsusuri ginawa ay upang matukoy kung ang mga materyales ay kayang makabuo ng isang

electrical circuit (kawad at bumbilya). Ang Elmer’s glue ay hindi kayang kumumpleto ng circuit at ang

coconut husk din ay hindi nabuo ang circuit (hindi umilaw ang

bumbilya). Ang Coconut husk at ang Elmer’s glue bilang paste at

polymer (solid) ay napailaw ang bumbilya.

16 | P a g e
Ang conductance ng solid polymer ay maaaring dahil sa chemical bonding ng carbon/charcoal

particles sa molecules ng Elmer’s glue (PVA) noong panahon ng curing. Ang paghahalo ng carbonized

husk sa Elmer’s glue ay nagpahusay sa electrical conductivity nito sapagkat hindi nito kayang maging

conductor mag-isa.
Posibleng bonding sa pagitan ng
At saka, ang electrical resistance ng Silver Epoxy paste ay PVA at Coconut charcoal

0.007 Ω-cm (MG Chemicals Technical Data Sheet, 2015), na katumbas ng 0.000007 kΩ na kung saan ay

mas mataas sa electrical resistance ng Coconut husk charcoal – PVA conductive paste na mayroong

0.0000005698 kΩ. Ang Silver epoxy ay tumatagal lamang ng sampung minuto (MG Chemicals technical

Data Sheet, 2015), habang ang CHC – PVA paste at polymer ay tumatagal ng linggo.

Table 2: New Data of the Resistance and Conductance Values based on the Converter

MATERIALS RESISTANCE CONDUCTANCE ABLE TO LIGTHT THE


BULB
Copper 1.6949e-7 kΩ 5900.1 s/m Oo
Charcoal-PVA Polymer 13 kΩ 7.6923 e-5 s/m Oo
(3 cm x 2 cm)
Polyvinyl Acetate (liquid) 10 kΩ 1 e-4 s/m Oo
(3 cm x 2 cm)
Polyvinyl Acetate (solid) 200 kΩ 5e-s/m Hindi
(3 cm x 2 cm)
Charcoal-PVA Paste 10 kΩ 1 e-4 s/m Oo
(3 cm x 2 cm)
Coconut Husk Charcoal N/A N/A Hindi

Mayroong onting pagbabago base sa bagong data na sinunod at sinukat mula sa PVA liquid at PVA

solid na magkaparehas ang sukat.

Ang data na ginamit sa Copper ay parehas, dahil ito ay isang superconductor. Ang pagkakaroon ng

magkakaparehas na sukat para sa bagong ginawang CHC-PVA ay nagpakita ng ilang mga pagbabago: 1)

17 | P a g e
ang Elmer’s glue (PVA) bilang likido ay tila nagkaroon ng konting pagtaas sa conductance at mas bumaba

ng kaunti ang resistance nito kumpara sa paste nito. 2) Gayunpaman, ang CHC-PVA polymer ay mas mataas

ang electrical conductance at higit na mas mababang resistance kumpara sa solid PVA at 3) ang PVA bilang

likido ay tila nagpapakita ng conductance kapag pinagsama sa CHC-PVA paste.

Ang pagkakaparehas ng resistance sa pagitan ng paste at PVA ay maaaring dulot ng kakulangan sa

curing (pag-iinit) ng CHC-PVA paste. Ang kuryente ay tila dumaloy sa Elmer’s glue (PVA) lamang, dahil

parehas ang value ng kanilang resistance at conductance kahit na ang pagbabago sa resistance at

conductance ay magkaibang siniyasat.

Ang CHC – PVA polymer ay mayroong mas mataas ng conductance at mas mababang resistance

kumpara sa solid na PVA. Sa gayon, ang solid PVA ay hindi kayang maging mas mahusay na conductor.

Ang conductance ng CHC – PVA polymer ay maaaring dahil pa rin sa produksiyon ng mga bagong

molecules na nagpapahintulot sa daloy ng kuryente. Napagtanto namin na ang mga particles ng coconut

husk charcoal ay may ginampanang papel sa pagpapabuti ng conductance nito.

Adhesiveness to Surface of Different Materials

Table 3: Adhesiveness of the CHC-PVA paste to various materials

Materials Adhesiveness
Aluminum Very Strong
Copper Very Strong
Wood Very Strong

Ang pagkakadikit ng CHC-PVA paste ay napakalakas kapag ginamit sa aluminium, copper at

kahoy. At saka, nagagawa nito ang layunin nitong maging alternatibo ng soldering-lead sa pagkonekta sa

copper wires, dahil napakalakas nito bilang paste kumpara sa pagiging likidong anyo nito.

18 | P a g e
KABANATA IV

Interpretasyon, Diskusyon, Rekomendasyon

Ang coconut husk charcoal-PVA bilang paste o solid polymer ay isang mahusay na conductor. At

saka, ang CHC-PVA conductive paste ay mas mabisang electrical conductor kumpara sa Silver epoxy.

Tumatagal naman ang CHC-PVA ng higit pa sa 10-240 minuto ng Silver epoxy. Bukod doon, hindi

nasusunog kumpara sa Silver epoxy. Ito rin ay napalakas na adhesive na maaaring gamitin sa copper,

aluminium at kahoy, lalo na sa pagkonekta ng mga electrical copper wires. Isa pa sa magandang naidudulot

ng CHC – PVA ay ang pagiging eco-friendly dahil ang mga materyales na ginamit ay hindi nakakalason,

hindi nakakasunog at ayon kay Chandra and Rutsgi (1998) ang PVA ay biodegradable. Pinagkukunan ng

pagkain at enerhiya ito ng mga bakterya kaya ito nabubulok. Ang biodegradability ay maaaring dahil sa

“long-chain linkage” ng mga molecules ng CHC at PVA.

Ang mga sumusunod na mungkahi ay maaaring gawin upang mapabuti ang conductivity mula sa

coconut husk charcoal-Elmer’s glue:

1] Maghanda ng iba't ibang konsentrasyon ng coconut husk at Elmer’s glue ratio;

2] Alamin ang pinakamahusay na curing time at temperatura upang makamit ang pinakamahusay na

posibleng conductance ng mixture;

3] Mag-apply ng karagdagang materyal na maaaring mas mapahusay ang CHC-PVA; at

4] Tukuyin ang mga pisikal na katangian tulad ng katigasan, tensile strength, compressive strength at

densidad.

19 | P a g e
APPENDIX A: Procedures at Tests

Phase 1

Coconut Husk coir

Pyrolysis of Coconut Husk coir Pyrolysed Coconut Husk

Powdering the Coconut husk charcoal in a blender

20 | P a g e
Weighing 1.5 g of fine Coconut Husk charcoal

Weighing 10 g of white glue

Coconut Husk Charcoal-Glue Polymer

Testing the resistance of the CHC-PVA Polymer

21 | P a g e
Testing the CHC-PVA conductor in completing a
circuit circuit

T Testing the resistance of CHC-PVA paste

Te Testing the resistance of liquid PVA

22 | P a g e
Testing the resistance of solid PVA

Testing solid PVA if it can complete a circuit

23 | P a g e
The CHC-PVA composite (PVA SOLID)

Testing the CHC-PVA polymer

24 | P a g e
Testing the PVA SOLID (control)

Testing the CHC-PVA paste

25 | P a g e
Testing the liquid PVA

Testing the solid PVA if it can complete a circuit

26 | P a g e
Testing the CHC-PVA polymer if it can complete a circuit

Adhesiveness of CHC-PVA paste to copper, wood and aluminum

27 | P a g e
Phase 2

1. Ilagay ang activated carbon sa blender at binuksan hanggang sa maging pinong pino ito.

Pag-grind ng activated carbon

2. Ilagay ang activated carbon sa stainer upang makuha ang mga pinong AC at ilagay ito sa isang
lalagyan na may sukat na 25g grams ng AC.

Paghihiwalay ng mga pinong activated carbon sa malalaking particles

3. Sumukat ng 100g ng polyurethane at ihalo sa AC, haluan ng maigi hanggang sa maging kulay Jet
black.

Paghalo ng Polyurethane sa pinong Activated Carbon

28 | P a g e
PAGGAWA NG BATERYA

1. Gamit ang dalawang aluminum plate, nagbutas sa isang sulok upang madugtungan ng wire.
Gawin ito sa upang magkaroon ng positive at negative plate.

2. Ipahid ang pintura sa aluminum plate at mag-antay ng 30mins para matuyo.

Pagpapahid ng pintura sa aluminum plate (current collector)

3. Kumuha ng tela at isukat sa aluminum plate na may sobrang laki, gupitin at ipatong ito sa isang
plate.

29 | P a g e
4. Kumuha ng 25ml ng Phosphoric acid at ikalat ito gamit ang medicine dropper sa tela, sunod ay
ilagay ang pangalawang plate sa itaas.

Pagpapahid ng Phosporic acid sa tela (separator)

5. Siguraduhing mahigpit ang dikit ng dalawang plate sa separator at wag ipagdikit ang dalawang
plate kundi magkakaroon ng “short” sa kuryente.

6. Balutan ng plastic ang nagawang baterya upang maiwasang mag-evaporate ang elektrolyte.
Gupitin na naaayon sa laki at siguraduhing nakalabas ang wire. Initin ito sa pamamagitan ng
hairblower upang ma-seal.

7. Pagkatapos ma-seal, lagyan ng tape upang humigpit ang dikit ng dalawang plate.

Testing

30 | P a g e
APPENDIX B: Resulta sa On-line Resistance-Conductance Converter Base sa Lumang Data

Copper

CHC-PVA

31 | P a g e
White glue (Liquid)

White glue (solid)

32 | P a g e
CHC –PVA paste

APPENDIX C: Procedures for testing the newly-produced CHC-PVA composites.

PVA-LIQUID

33 | P a g e
CHC-PVA (PASTE)

CHC-PVA (Polymer)

34 | P a g e
PVA SOLID

35 | P a g e

You might also like