Buhay Na Pinangarap - Feature

You might also like

You are on page 1of 1

Buhay na Pinangarap

Angelica Quebec

Gabi ng ika-23 ng Mayo, Nasa bahay lamang ako. Napakapayapa. Ngunit noong gabi
ding iyon, sa kabila ng katahimikang hatid ng malalim na gabi, hindi magawang mapakinggan
ang mga sigaw ng mga taga-Marawi, at kung paano sila nagmakaawa para sa kanilang munting
buhay.

Hindi ko alam na mayroon palang lungsod na tinatawag na Marawi, hanggang nasilayan


kung paano salakayin ng “Maute group” ang kanilang bayan, ayon sa balita. Sa pagkakataong
iyon, kinilabutan ako na para bang nanunuod ng nakatatakot na pelikula. Ang kaibahan nga
lang ay hindi ko magawang isarado na lamang ang aking mga mata at ipaala sa aking sarili ng
hindi naman iyon totoo.

Noong bata pa ako, malimit akong mapaisip kung paano ako magtatago, tatakas kung
sakaling magkaroon ng gera sa aming bayan. Akala ko madali lamang iyong gawin. Akala ko
madaling sabihin sa mga terorista na tumigil na lamang sila.

Kaso hindi pa iyon pwede. Hindi iyon ang nangyayari sa panahon ngayon.

Sa isang kisap mata, tila kayang pumatay ng mga teroristang ito. Sa isang “missile
attack” ay mababawasan nanaman ang populasyon ng Marawi. Wala silang pakialam kung
bawian man nila ng buhay ang mga inosenteng nilalang. Paano na ang mga pangarap ng mga
taong namatay dahil sa gerang ito? Kasabay itong nawala kasama ng kanilang huling hininga.

Itong mga taong ang aking lubos na kinatatakutan. Hindi dahil akong paslangin, ngunit
dahil takot akong mawasak nalang ng tuluyan ang aking mga pangarap.

Madalas bago ako matulog, laging sumasagi sa aking isipan ang mga tanong na gaya
ng “Paano nagagawang makatulog ng mga teroristang ito sa gabi?”, “Paano nila nagagawang
tingnan ang kanilang mga kamay nang hindi naaalala ang mga bahid ng dugo sa mga ito?”

O baka naman hindi na talaga sumasagi sa kanilang isip ang mga tanong na iyan.
Marahil na lubos na silang kinain ng kanilang sistema.

Nangangarap parin ako na darating ang isang mapayapang gabi. Ang Pilipinas ay isang
bansang minsan nang lumaban ng lubusan para sa kapayapaan. Kaya naandiyan parin nag
pag-asang masisilayan ang mga kalangitan na punong-puno ng maliliwanag na bituin at hindi
usok na hatid ng pulbura.

Balawang araw, ang lungsod ng Marawi ay babangon muli. Magsisimula muli. Lalaban
muli. Hindi para sa kapayapaan. Ngunit para sa buhay na kanilang pinangarap.

You might also like