You are on page 1of 2

Jarred Abiel P.

Biona

"Engineer ang aking pangarap"

Ano bang pangarap mo? Ano ba para sayo ito?

Kasi ako gusto ko maging Inhinyero

Nabuo ito nang magsimula akong bumasa at bumilang

Nagsimula ito sa unang pagtapak sa paaralan

Nagsimula ito sa unang pag-pasok sa pintuan

Nagsimula ito sa unang pagpapakilala sa harapan

Nagsimula ito sa unang pag hawak ng lapis, papel at laruan

Nabuo lahat ito sa aking isipan, di ko alam kung ano ang dahilan

Noong bata pa ako ito na ang aking pangarap

Pero iniisip ko kung kaya ko dahil mahirap

Mahirap man pero gusto kong abutin at makamtan

Na para bang mga bituin sa kalangitan.

Hindi man ako magaling sa math , hindi man ako magaling sa pagsulat

Pero gagawin ko naman ang lahat, gagawin ko hanggang sa maging sapat

Para lang sa aking munting pangarap

Na nais kong ipagmalaki sa pagdating ng hinaharap

Wala naman yan sa kulay o estado ng buhay

Kung ikaw ay edukado o talagang mahusay

Di maipagkakailang kaya mong abutin ang tagumpay


Sa kabila ng mga hamon at pagsubok ng buhay

Nandyan ang kaibigan at pamilya na magsisilbing gabay.

You might also like