You are on page 1of 2

Pamagat: ___________________

Angelica Lauta & Robbie Santos

(ABE151)

Act One:

1. Ipapakita ang magulong pamilya ni Sam. Ipapakita ang pam-bubugbog ni Danny kay Carmen
dahil sya ay umuwi ng lasing. Dito rin malalaman ang mga pangalan, edad, trabaho, katuyuan sa
kwento, at kasarian ng bawat tauhan. (Danny, Carmen, Ethan, Xymon, at Sam).
2. Ipapakita na hindi lang mga magulang ni Sam ang may hindi pagkaka-unawan, bagkus, pati ang
mga magkakapatid na sina Xymon at Ethan (Kasama na rin si Sam). Papatindihin nito ang
magulong pamilya ni Sam.
3. Sa kanyang Graduation Day, napagtanto ni Sam na normal lamang na hindi perpekto ang isang
pamilya, may nagkaka-gulo at hindi pagkakaunawan. Isasantabi ni Sam ang problema at umaasa
na matatapos na ang problema sa kanilang tahanan.
4. Makikita ni Carmen nang harap-harapan ang pakikipag-talik ni Danny sa kanyang kirida. Pipiliin
ni Carmen ang mga anak at papalayasin si Danny sa kanyang pamamahay.

Act Two:

1. Sisihin ni Carmen si Ethan kung bakit naka-tunganga lang sya habang nagtatalik ang kanyang
ama. Magkakasagutan ang dalawa kaya’t masasampal ng malakas ni Carmen si Ethan at mapag-
sasalitaan nya ito nang masama. Isasambulat ni Ethan ang matagal nya ng lihim. Aalis bigla si
Ethan.
2. Kinabukasan, pupuntahan ni Sam ang kanyang trabaho sa Ospital. Bagamat may kaliitan ang
sahod, ito’y kanyang ipag-papatuloy lalo na’t wala ng padre de pamilya sa kanilang tahanan.
3. Ethan’s POV (10:40 A.M., kinabukasan, sa condo unit ni Jacob): Sasabihin ni Ethan ang mga
nangyari kinagabihan dahil nakatulog na si Ethan kakaiyak. Imbis na kampihan sya ni Jacob,
pinangaralan sya nito na ito’y mali. Ikakagalit ito na Ethan na magiging ugat ng kanilang
tampuhan. Makakatanggap si Jacob ng tawag mula sa Ospital na kanyang pinag-ta-
trabahuhan at sya’y aalis.
4. Sam’s POV (6:40 P.M., kagagaling nya lang sa Ospital. Bumabagyo at walang masakyan). Nag-
aabang sya ng sasakyan sa gilid ng baha nang may rumaragasang sasakyan ang dumaan,
dahilan upang sya’y mabasa. Bumukas ang bintana ng sasakyan, Si Director Jacob. Nag-offer
ito na sya’y ihatid ngunit mag-palit muna daw muna ito ng damit sa kanyang unit. Lumabas na
si Sam galing banyo nang biglang may kumatok.
5. Nakita ni Sam ang kanyang kapatid na si Ethan. Dito nya madidiskubre ang dalawang bagay sa
kanyang kapatid. Una, si Ethan ay bakla at pangalawa, nobyo nito ang kanyang director sa
trabaho. Uuwi si Sam ng may takot, pangaba, at tanong. Aantayin nito ang kanyang kapatid
hanggang ito’y dumating. Mag-aamok si Ethan pag-uwi dahilan upang magising sina Carmen at
Xymon. Uungkatin na naman ni Ethan kung bakit parang ang layo ng loob ni Carmen sa kanya at
mas pinipili nito si Sam. Pipilitin ni Xymon na sabihin na ang totoo ngunit hindi ito pumayag.
6. Desisyon ni Ethan: “Ako ang aalis sa bahay na ito, o ‘yang Sam na yan ang aalis dito?”
7. Dito mabubunyag na may stage 2 lung cancer si Carmen.
8. Magdedesisyon na si Sam na sya nalang ang aalis (pupuntang Egypt) dahil dalawang problema
ang masusulusyunan. Una, mas mabibigyan ng oras sina Ethan at Carmen at pangalawa, mas
makakatulong syang makapag-padala ng pera sa pag-papagamot ni Carmen.
9. Mararape si Sam ng kanyang Medical Director.

Act Three:

1. Ma-rarape sya ng kanyang kapit bahay na may AIDS.


2. Magkakaroon sya ng matinding depression at suicidal thoughts/actions.
3. Mag-kakaayos na sila Ethan at Sam. So-sorpresahin ni Ethan at Jacob si Sam sa Egypt.
Matatanggalan ng lisensya ang doctor na gumahasa sa kanya ngunit hindi na makikita ang
lalaking nag-pasa sa kanya ng sakit. Sya’y magpapa-gamot sa Egypt at babalik sa natural na
takbo ang kanyang buhay.
4. Tuluyan ng uuwi si Sam matapos ang dalawang taon sa Egypt. Ituturing nya pa ring tatay ang
kanyang ama bagamat may pamilya na rin itong iba. Ikukwento ni Sam ang mga nangyari sa
kanya sa Egypt kay Carmen. Matatapos ang kwento sa isang umaga nang puntahan ni Sam si
Carmen sa kanyang silid…

You might also like