You are on page 1of 3

LOKAL

NATIONAL

Hinikayat ngayon ng Malacañang si Supreme Court (SC) Chief Justice


Maria Lourdes Sereno na tanungin mismo si Solicitor General Jose
Calida kung sino ang nag-utos o nagbigay sa kanya ng otoridad para
maghain ng quo warranto petition sa Korte Suprema.

Reaksyon ito ng Palasyo sa pahayag ni Sereno na nais niyang


malaman kung sino ang nasa likod ng hakbang ng SolGen matapos
maghugas-kamay rito si Pangulong Rodrigo Duterte.

READ: 'Terror tagging' vs mga umano'y konektado sa CPP at NPA,


kinondena ni Zarate

Sa panayam ng Bombo Radyong umaga, sinabi ni Presidential


Spokesman Harry Roque, mas mabuting si SolGen Calida ang
tanungin ni Sereno para ito mismo ang magsabi kung sino ang
nagbigay sa kanya ng otorisasyong kuwestiyonin ang ligalidad ng
kanyang appointment bilang punong mahistrado.

Ayon kay Sec. Roque, pwede ring tanungin ni Sereno ang mga
kapwa mahistrado ng SC kung sino ang may gustong magtanggal sa
kanya sa pwesto.

READ: Mag-asawa binaril habang nasa lamay

Iginiit ni Roque na tama na daw ang panduduro dahil sarili niyang


mga kasamahan sa Korte Suprema ang gustong magbakasyon siya
ng habambuhay at tanungin daw kung bakit ganito ang mga
pangyayari.

INTERNATIONAL

Hinangaan ng United Nations ang naging pagpapasya ni US


President Donald Trump na makipagkita ng personal kay North Korea
lider Kim Jong Un.
Sinabi ni UN spokesman Stephane Dujarric, suportado nila ang
hakbang sa pamumuno ni UN Secretary General Antonio Guterres
para tuluyan ng umusad ang kapayapaan.

Dagdag pa nito na handa silang tumulong kung anuman ang maari


nilang ibigay para matuloy na ang usapin.

READ: Pagpataw ng mataas na taripa sa mga imported steels at


aluminum pirmado na ni Trump

Nauna rito ipinahayag ni Trump na handa niyang harapin si North


Korea lider Kim Jong Un sa buwan ng Mayo para matigil na ang
nuclear program nito.

Nagpahayag din ng pagtulong ang Switzerland na bilang neutral na


bansa ay maaaring doon sa kanila gawin ang naturang pag-uusap.

READ: Diplomats, experts: Trump, maging maingat sa mga hakbang


sa meeting nila ni Kim

Samantala iginiit ng White House na matutuloy lamang ang pag-


uusap basta makita nila na gumagawa ng hakbang ang North Korea
sa mga kondisyon na inilatag ng US.

SHOWBIZ

Hinangaan pa rin ng maraming fans at mga celebrities ang


performance ni KZ Tandingan kahit na bigo itong makapasok sa top
4 ng Week 8 ng “Singer 2018”.

Sa pinakahuling performance nito sa reality singing contest ng China


ay kinanta nito ang awiting “Real Gone” ni Shery Crow.

READ: KC Concepcion sa isyung hiwalay na sila ni Aly Borromeo:


'We will always have that connection'

Inamin ng Pinay singer na kinabahan ito dahil ngayon lamang niya


kinanta ang nasabing awit na sinabayan pa niya ng paggitara.
Tatlong araw lamang niya itong pinag-aralan bago ang performance.

Hindi nakapag-perform ang British pop star na si Jessie J dahil ito ay


may sakit kaya ipinagpaliban ang elimination.

READ: Mark Bautista inaming nilayuan ng mga kaibigan matapos


amining siya ay bisexual

Sa iba’t-ibang social media ay pinaabot ng mga fans ang kanilang


pagbati kung saan bilib pa rin sila sa performance ng Pinay singer.

SPORTS

Itinuturing ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang sarili na


“underdog” sa nilulutong laban nila ni Lucas Mattysse sa Hunyo 24
sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi ng fighting senator na ituturing niyang motivation ang


nasabing estado para mas lalong paigtingin ang kaniyang training
pagkat sabik na umano ito muling maging kampeon.

READ: Beermen nakuha ang unang panalo sa best of five semis


matapos talunin ang Ginebra 102-90

Tikom naman si Pacquiao sa pagkakatanggal ni Freddie Roach sa


kaniyang training camp matapos ang 17-taon.

Nauna ng inanunsiyo ng kampo ni Pacquiao na pangungunahan ni


Restituto ‘Buboy’ Fernandez, Nonoy Neri at Roger ‘Haplas’
Fernandez ang kaniyang magiging ensayo,

You might also like