Tulad nang inaaasahan pinagtibay na ng House committee on justice
ang pagpapa-impeach kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa katatapos lamang na botohan.
Lumabas sa resulta ng botohan na 38 na mga miyembro ng komite
ang bomoto sa paniniwalang merong sapat na “probable cause” upang ihain na sa Senado ang kaso sa pagpapatanggal kay Sereno habang dalawa lamang ang mga komontra.
Kaugnay nito, agad namang iniutos ang pagbuo ng komite na
kinabibilangan ng mga vice-chairmen na siyang babalangkas ng committe report at articles of impeachment.
Dito ilalatag kung anu-anong mga partikular na reklamo na may
mabigat na ebidensiya ang isasama sa articles of impeachment na siyang pagbabasehan ng mga prosecutors upang idipensa sa gagawing pagdinig ng Senado sa hinaharap.
READ: Panukalang ideklara ni Duterte ang state of calamity sa
Boracay, umani ng hating reaksyon
Sa darating na March 14 nakatakda namang pagbotohan ng komite
ang nasabing committee report.
INTERNATIONAL
Sugatan ang tatlong mag-anak matapos na sila ay pagsasaksakin sa
isang subway sa Vienna, Austria.
Naitakbo na sa pagamutan ang mag-asawa at ang babaeng anak
nila matapos na pagsasaksakin ng hindi pa makilalang suspek.
READ: Pinaslang na El Salvadorian Archbishop gagawing santo -
Vatican
Agad na pinaghahanap ng mga kapulisan ang suspek na mabilis na
tumakas matapos ang insidente. Ikinalat na ang mga kapulisan sa lugar para matiyak ang kaligtasan ng mga pedestrian doon.
SHOWBIZ
Sumakabilang na ang beteranong stage-movie actor na si Bernardo
Bernardo.
Ito ang ipinaalam ng pamangkin ni Bernardo na si Susan Vecina
Santos sa pamamagitan ng Facebook ngayong Huwebes ng umaga, Marso 8.
Hindi naman nabanggit ni Santos ang sanhi ng pagkamatay ng
aktor.
Noong Enero lang nang magdiwang ang beteranong aktor ng
kanyang 73rd birthday, kasabay ng hiling sa kanyang mga kaibigan na ipagdasal siya dahil sa natuklasang tumor sa pancreas.
READ: Trending: Nude photo ng buntis na si Isabelle Daza agaw
pansin
Ibinunyag din nito ang pagkakaroon ng clinical depression at anxiety
attacks.
Kasunod nito ang pagsasagawa ng fundraising ng kanyang mga
kaibigan upang makatulong sa medical expenses ng aktor.
Huling napanood si Bernardo sa 2017 Metro Manila Film Festival
official entry na “Ang Larawan.”
SPORTS
May mga maliit na detalye na lamang na inaayos ang kampo ni
Manny Pacquiao sa paghaharap nila ni WBA welterweight champion lucas “The Machine” Matthysse sa buwan ng Hunyo.
Hindi naman na idinetalye pa ng kampo ng boxing senator kung ano
ang mga detalye na kanilang inaayos pero tiniyak nila na wala ng magiging problema pa sa nasabing laban matapos na pumayag na sa mga termino ang Argentinian boxer.
READ: Wizards wagi sa OT game vs Heat, 117-113
Itinuturing na mayroong 92 percent knockout power si Matthysse
kung saan hawak niya ang record na 39 panalo at apat na talo na may 36 knockouts.
Nagbabala naman si dating two-time world champion Gerry
Peñalosa kay Pacquiao na kapag natuloy na ang laban ay dapat mag-focus ito sa training dahil isang napakadelikadong boksingero si Matthysse.
READ: Marikina City native, nanguna sa Stage 4 ng Ronda Pilipinas
2018
Ang laban ng dalawa na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia kung
saan itinuturing ito na unang world title match sa bansa matapos agn 43 taon.