You are on page 1of 4

Written

Report
G. Herbert Perez

Kirsten Manaois
9-Becquerel
Kabanata 8- Mga Alaala

Nakasakay si Ibarra
sa kalesa at
binabagtas ang
kahabaan ng
Maynila. Maganda
ang panahon ng
araw na iyon at ang
tanawin sa paligid
ay nakapagpabalik
ng kanyang mga
alaala. Ang kanyang
namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang
nakita: mga kalesa at karumatang walang humpay sa
pagbibyahe, salimbayan ng mga taong abala sa
pangangalakal at kanya-kanyang gawain: may mga
Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador,
ang iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas.
Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na
kasama sa paghahanapbuhay. Ang punong Talisay
sa San Gabriel ay walang pinagbago, ang Escolta
naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang
kaayusan. Ang mga karwahe ay nagmamadaling
ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga pari,
kabilang na si Padre Damaso. Namataan naman siya
ni Kapitan Tinong kung kayat binati siya nito.
Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at
naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang
amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng
Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan
niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito
kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat
ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus
ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa
patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang
sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay
matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang
karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na
henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng
pakinabangan- kung ang mga kastila ay nanatili dito
upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat
lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang
karunungan at edukasyon.

You might also like