You are on page 1of 1

Sintesis

Batay sa pag aaral mula sa kaugnay na literatura at pag aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na ang
pagiging huli sa klase ay isang seryosong problema. Nabanggit din dito na ang pagiging huli ay nasa
kultura na ng mga Pilipino at naging kaugalian na rin ng bawat isa ang pagsunod sa tinatawag na Filipino
Time. Batid naman ng lahat na mali ang kaugaliang ito kaya dapat lamang na ito ay magbago. Ang
pagbibigay solusyon sa problemang ito ang nais ipabatid ng kaugnay na literatura at pag aaral.

Nabigyang pansin din dito ang kahalagahan ng punctuality sa bawat mamamayan. Kung matututo
ang bawat isa na maging eksakto sa oras na napag usapan, mapa uunlad natin ang disiplina sa sarili.
Magiging makabuluhan din ang bawat oras at maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

Ayon sa kaugnay na literatura ang tardiness o ang pagiging mabagal ng mga Pilipino ay taglay na mula
ng sila ay isinilang at ito ang dahilan ng pagiging huli sa bawat araw. Ayon naman sa kaugnay na pag aaral
ang pagiging huli ay isang kaugalian na nakikita natin sa iba at ating nagagaya. Ito ang tinatawag na
Filipino Time na kung saan ito ay nagiging bahagi na ng kultura na sinusunod ng karamihan. Kung
magpapatuloy naman ang pagiging huli sa klase, maaari itong magresulta ng pagbaba ng marka o
pagiging drop out ng isang mag aaral.

Mula sa kaugnay na literatura at pag aaral, nalaman ng mga mananaliksik ang mga posibleng dahilan
at epekto ng pagiging huli sa klase ng mga mag aaral. Malaki ang naitulong nito sa mga mananaliksik
dahil marami silang kaalamang nakuha mula rito na maaaring ihambing sa mga dahilan at epekto ng
pagiging huli ng mga mag aaral sa BNAVHS.

You might also like