You are on page 1of 4

EPEKTO NG ONLINE SHOPPING

Isinumiti bilang pagtugon sa pangangailangan


Sa kursong Technical Vocational 01, ikalawang Semestre 2018

Nina
Reniel John O. Adarlo
Nica L. Adlawan

Kay
Edmundo V. Rubio

Quezon City Polytechnic University


Kagawaran ng Senior High School
Kabanata I

A.Panimula

Sa panahon ngayon tayo ay namumulat sa modernisadong mundo dahil sa malikhaing

pagiisip ng mga tao kung kaya’t maging ang pamimili ay nagawan na ng inobasyon na nakalikha

ng konseptong online shopping .Ang Online Shopping ay lumaganap noong 1900. Unang

natuklasan ang online shopping ng isang entreprenyur na si Michael Aldrich noong 1979.

(Remo) sabi niya, Ang Pilipinas ay mabilis na nagiging isa sa apat na “Hottest e commerce

markets” sa ASEAN sapagkat malaki ang naitutulong ng local na ekonomiya pagdating sa online

sales. Ito ay ang pakikipag negosasyon na ginagamitan ng Internet na kung saan dati ang mga

malalaking negosyo lamang ang may access web.

May mga iilang business networking site ang usong uso sa panahong ito isa na dito ay ang

Lazada.com, OLX.com at Zalora Philippines. Dahil sa mga online shopping na ito mas napapadali

ang kalakalan sa pagitan ng nagbebenta at ng mamimili hindi na kinakailangan ng mamimili na

pumunta sa isang shopping store upang mamili ng mga kagamitan na nais nila dahil kahit sa

kanilang tahanan ay magagawa na nilang pumili at bumili ng produkto ngunit may pagkakataon

parin na nagkakaroon ng aberya isa na dito ang mabagal na paghatid ng produkto at kung

minsan pa ay hindi akma ang produktong nakuha sa kung anu ang kanilang piniling produkto.
B. Layunin ng pag-aaral

ito ay ang pakikipag negosasyon na ginagamitan ng Internet. Ang online shopping or e-shopping

ay isang klase ng elektronik na komersyo kung saan ang mga konsyumer ay direktang bumibili

ng mga produkto o mga serbisyo mula sa nagbebenta sa pamamagitan ng internet gamit ang

web browsers.

1. Upang maalis ang kainosentehan ng mga tao patungkol sa online Shopping.

2. Magkaroon ng kaalaman ang mga tao patungkol sa mabuti at masamang epekto ng Online
Shopping.

3. Makatulong sa mga tao na makaiwas sa scam nang sa ganun malaman nila ang kanilang
gagawin.

4. Malaman ng mga tao ang proseso ng pagbili sa Online Shopping.

5. Makakalap ng ideya ang mga taong hindi nakagisnan ang Online Shopping.

C. Kahalagahan ng pag-aaral

Nais naming mapalawak natin ang ating kaalaman na maaaring maging epekto ng Online

Shopping sa mga konsyumer at mas maging handa lalo sa epekto nito kung ito man ay

nakakasama o nakakabuti at mabigyang pansin ang hindi magandang dulot ng online shopping.

D. Saklaw at Limitasyon ng pag aaral

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito na malaman ang maaaring epekto ng Online Shopping ng sa

ganun ay malayo ang mga tao sa kawalan ng kaalaman patungkol sa masama at mabuting

maiidulot nito at sa kung anong klaseng benepisyo ang maaaring makuha dito.

Isinaalang-alang lamang dito ang opinion ng mga tao patungkol sa usaping Epekto ng Online

Shopping.At hanggang dito lamang ang saklaw ng pananaliksik na ito at hindi na papalawakin pa

ng husto.
G. Paglalahad ng Suliranin

Ang mga maaring suliranin sa Online Shopping ay ang paglaganap ng scam at pagkaron ng di

pagkakaintindihan sa produktong iyong binili, ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na

suliranin:

1. Paano maipapakita sa mga tao ang mga pwedeng gawin sa Online Shopping?

2. Ano ang mga maaring gawin upang malaman ang mabuti at masamang epekto ng Online
Shopping ?

3. Sino ang maaring makatulong sa mga tao pwedengmakaranas ang scam?

4. Ano ang mga proseso kung paano bumili sa Online Shopping?

You might also like